Part 2

2438 Words
Kagaya ng payo ni Doctor Octopus, inilipat nga namin ng Sebastian Medical ang kapatid ko. Isang araw pa lang siya doon ay umiiyak na ang traheta ko sa bangko dahil sa sobrang mahal. Hindi ko pa naman makausap iyong may ari ng foundation na sinabi ni Dr. Octopus. Secretary niya lang ang nakausap ko dahil sabi nito dalawang linggo daw nakaleave ang boss nila dahil nasa France at nasa honeymoon. Edi sila na may lovelife. Ako na ang nganga. Hindi naman ako magkakapera sa lovelife. Napasimangot ako. Loveless na, wala pang pera. Saan ka pa? Ako na ang dakila. Tinitigan ko ang kapatid ko. Kapapalit ko lang kay Ekang sa pagbabantay dito. "Matet naman kase, sa dinami dami ng sakit sa mundo bakit iyang Leukemia pa ang napili mong kalaro." Nakaingos na kausap ko sa kapatid ko na may kung anong isinusulat sa papel. "Tanong mo sa pagong." Sagot nito at patuloy sa kung ano ang ginagawa. "Matet ha." Saway ko dito. Nakaingos na tiningnan ako nito. "Sino ba kaseng nagsabi sayo na ilipat ako? Ayos naman ako doon sa dating ospital kahit mapanghi iyong banyo nila. Huwag ka ngang papuke dyan Ate." Sabi pa ng kapatid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. "Saan mo natutunan iyang salitang iyan?" Gulat na tanong ko. "Alin? Iyong p**e?" Inosenteng tanong nito. Umismid ako. "Hindi! Iyong tite." Pambabara ko dito. Pinalo lang ako nito ng ballpen sa ulo. "Matet! Matanda pa rin ako sayo!" Saway ko dito. "FC ka kase Ate! Tingin mo naman kase saan ko makukuha iyon? Kayo lang naman ni Ate Ekang ang kasama ko palagi. Saka ano bang masama sa sinabi ko? Normal lang naman iyon. Kayo lang naman ang nagbibigay malisya. Tao nga naman. Ewan." Sabi pa nito. Napapalatak nalang ako dito. Minsan iniisip ko kung tama ba ang pag iisip nito sa edad niya. Para naman kaseng matanda siya minsan kung magsalita. Nasobrahan na yata siya sa mga gamot na iniinom at itinuturok sa kanya. "Dapat ibinalik mo nalang ako sa dating ospital Ate. Mauubos lang ang ipon mo, hindi naman ako gagaling. Mamamatay din naman ako." Agad ko itong sinaway. "Matet! Huwag na huwag mong sasabihin yan. Hindi ka mamamatay. Kaya nga tayo nandito para gumaling kana. Ilang chemo nalang, gagaling kana." Hinawakan ko ang kamay nito. Tinampal lang naman niya. "Ate huwag kang magprimetime bida! Hindi bagay! Pang PBB ka lang. Kita mo si Tanner ang gwapo!" Sabi pa nito. "Ah, iyong boyfriend ko ba?" Pakikisakay ko dito kahit hindi ko naman kilala ang tinutukoy nito. Inismiran ako nito. "Asa ka naman Ate! Hindi ka niya papansinin dahil isa kalang malaking langaw. Move on move on din! Makaboyfriend ka! Isa lang naman ang kilala mong lalake, iyong nakadikit sa dingding ng kwarto mo." Ngumisi lang ako sa kanya. "Pero Ate, seryoso. Baka mamatay na ako." Seryosong sabi nito. "Anak ka ng! Hindi ka nga mamamatay! Kung kailangan kong mangholdap ng bangko magkapera lang pampagamot sayo gagawin ko. Huwag kang nagsasalita ng ganyan." Pinanlakihan ko pa ito ng mga mata. "Ate, hindi naman sa sakit ko ako mamamatay dito sa ospital na ito. Kundi sa sakit sa puso. Ang daming gwapo dito Ate! Ihhhh!" Parang bulate pa itong nagkikisay sa kama. Bwuset! Kung hindi lang may sakit itong kapatid ko, kanina ko pa siya tinuktukan ng upuan sa ulo at ng magising siya sa panaginip niya. Aba't kabata bata pa alam na ang gwapo. Samantalang noong kasing edad niya ako. Ang alam ko lang ay mag aral at maglaro. Pero siya! Naku nga! Pero pansin ko nga, na puro bata at mga gwapo at maganda ang mga doctor dito. Sabi naman ni Dr. Octopus nandito daw sa ospital na ito ang magagaling na doctor. Kaya sigurado ako na mapapagaling nila ang kapatid ko kahit mas muka silang rumarampa sa stage kesa nang gagamot ng may sakit. Napabuntong hininga ako. "Matet, aalis na ako. Kailangan pang kumita ng maganda mong Ate. Magpakabait ka dito ha?" Bilin ko pa dito. "Oo, mabait naman ako Ate. Basta makita ko si Doc Mattheo! Ihhhh! Kinikilig ako!" Pinanlakihan ko ito ng mga mata. "Matet ha? Ang bata bata mo pa!" "Huwag ka ngang KJ Ate! Palibhasa wala kang boyfriend!" "Aalis na ako!" Sabi ko nalang dito. " 'Te bili mo akong wig ha? Iyong blonde. Para pag nakita ako ni Doc Matt, may buhok na ako." Hirit pa nito. "Oo na! Aalis na talaga ko." "Bakit ayaw mo namang umalis?" "Paano tawag ka ng tawag." Inirapan lang ako ng kapatid ko. Ako naman ay naglakad na palabas ng kwarto. "Ate!" Tawag na naman nito. Napapadyak na ako paharap dito. "Ano na naman?" Inis na nilingon ko siya. Ngumisi siya sa akin. "Naihanap na rin kita ng mapapangasawa mo!" Habol nito. "Oo na! Oo na!" Sabi ko nalang at tuluyan na akong lumabas ng kwarto nito. Napabuntong hininga ako at naglakad palabas ng ospital. Lakad lang ako ng lakad. Nang mapagod ako ay naupo ako sa waiting shed na nadaanan ko. Napatingala ako sa madilim na kalangitan. Magmomoment muna ako. "Nay, kausapin mo naman iyong kumpare mong si San Pedro na baka naman pwepwedeng tanggalin sa listahan si Matet. Abay kapag kinuha nyo pa siya wala na akong kasama dito. Huwag muna kayong magfamily reunion dyan sa heaven. Maawa kayo sa maganda nyong anak." Ayoko pa naman na nagdradrama pero hindi ko maiwasan ngayong mag isa lang ako at walang makakakita. Para kaseng pasan ko ang mundo at para bang lahat yata ng problema ay napunta sa akin. "Nay ha? Pagalingin mo si Matutina. Sabihin mo pa kay San Pedro kapag kinuha niya si Matet, susugod ako sa langit at gagawin kong chooks to go iyong manok niya." Dagdag ko pa. Tiningnan ko ang oras sa relong nasa braso ko. Alas syete na pala. Isa lang ang ibig sabihin trabaho na naman. Trabaho ng trabaho. _____________ "Kapit ka sa akin! Kumapit ka sa akin! Hindi kita bibitawan!" Birit ko pa sa kanta ni Gary Valenciano. Napahinto ako sa pagkanta at mabilis na nagtago sa poste ng ilaw na naroon. Nandoon na naman ang mga kumpare kong bumbay. Sigurado na maniningil na naman ang mga ito. Sinabayan pa ni Kumareng-LENDING. Tapos iyong pinagkakautangan ng Tatay ni Matet na ako ang sinisingil samantalang wala naman akong kaalam alam doon. Letche! Umagang umaga ay mapapasabak yata ako sa takbuhan. Hindi pa naman ako kumakain dahil tinitipid ko ang pera na kinita ko. Maliligo at magbibihis lang sana ako at babalik na ako sa pagiging Madam Auring, tapos ay pupunta akong ospital. Pero mukang walang liguan portion na magaganap ngayon dahil sa mga nakabantay sa labas ng apartment ko. Dahan dahan akong tumalikod pero napahinto ako ng sumigaw ang isa sa mga ito. "Hayun siya!" Sigaw noong isa. Dahan dahan akong humarap sa mga ito at ngumiti. Tapos ay kumaripas na ako ng takbo. "Ang aga naman nito!" Sigaw ko at mas binilisan ko ang pagtakbo. Kung saan saan ako lumiko para mailigaw ang mga ito. Dinaig ko pa ngayon si Jackie Chan sa mga stunt. "Oh! Ha!" Sabi ko pa at umakyat ako sa bakod at saka tumalon. "Bumalik ka ditong babae ka! Magbayad ka! Tatakas ka na naman!" Sigaw nila habang umaakyat din ng pader at hinabol na naman ako. "Mga gago! Matagal na akong bayad sa inyo! Mga tanga lang talaga kayong mag compute!" Sigaw ko. "Bumalik kang babae ka dito!" "Tae nyo! Hindi ako papahuli sa inyo!" Pagliko ko ay pader na mataas na ang nakaharang. Babalik sana ako ng makupot na ako ng mga ito. Itinukod ko ang mga kamay ko sa tuhod at itinaas ko ang isang kamay para patigilin sila palapit sa akin. "Timepers! Hinihingal pa ako. Wit lang wit lang!" Sabi ko pa at huminga ako ng malalim. "Lintek kang babae ka! Pinahirapan mo pa kami sa paghabol sayo! Tatakbuhan mo na naman kami sa utang mo." Sabi ni Kumpareng 5-6. At nakahawak pa sa balakang niya. "Nagjogging lang ako. Alam nyo na exercise. Hindi ko kaya tatakbuhan. Bakit ko naman gagawin iyon? Ito?" Itinuro ko ang pawisang muka ko. "Sa ganda kong ito tatakasan ko kayo? Hindi kaya!" Tanggi ko. Nagpalinga linga ako sa paligid. Humahanap ako ng pwepwede kong tungtungan paakyat ng bakod. Napangisi ako ng may makita ako. "Nasaan na ang bayad mo?! Bilisan mo!" Sabi ni Pareng Lending. Napapalatak ako. Huminga pa ako ng malalim at saka malakas na tumili. "Si Angel Locsin, nagshoshooting na ng Darna! Putcha! Naka two piece!" Sigaw ko at itinuro ang likod nila. Agad namang humarap ang mga ito sa itinuro ko. "Nasaan?!" Sabay sabay pa nilang tanong. Ako naman ay dali daling umakyat sa bakod. At agad na tumalon sa kabila. "Akala nyo ha! Mga baliw!" Sigaw ko sa kanila. Nawala ang ngisi ko sa labi ng makita ko ang isang sasakyan na palapit sa akin. At makinis na makinis ang bumper. Napapikit nalang ako at parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko na napaluhod ako sa sementadong kalsada. Pinagsalikop ko ang dalawang palad ko. "San Pedro naman! Sinabi ko po na huwag nyo munang kunin si Matet, pero hindi ko naman po sinabi na ako ang ipalit nyo. Pinagsisisihan ko na po ang sinabi ko kay nanay na gagawin kong chooks to go ang alaga nyong manok. Joke lang po iyon. Uso po iyon dito sa lupa." Panalangin ko. "Pangako po, magsisimba na ako linggo linggo. Hindi na po ako mangloloko ng tao makatakas lang sa mga utang ko. Hindi na po ako magkukunwari na maghuhula para lang kumita ng malaking pera. Hindi na po ako tatakas kay Pareng Bumbay at kumareng Lending." Patuloy ko. "Miss-" "Wahhh!!! Lord ayoko pang bumyahe papuntang heaven! I'm not reawdy! Hindi pa ako naiinlove! Hindi pa ako nagkakaboyfriend! Hindi pa ako nakakapagsex! Wahhhh! Ayokong mamatay ng tigang! Ayokong mamatay na virgin!" Ngawa ko. Naramdaman ko na may humawak sa magkabila kong braso at nagsalita. Lintek, nasa heaven na nga yata ako. "Miss, are you okay? May masakit ba sayo?" Ang lamig ng boses! Parang ipinaghehele ako! Dumilat ako at sumalubong sa akin ang isang gwapong muka ng isang lalake. Napakurap kurap pa ako. "Lord, ito na ba iyong heaven? Patay na ba talaga ako?" Wala sa sariling tanong ko. Ngumiti ito at parang nagliwanag ang buong paligid. Kase kung totoong heaven nga ito ayoko ng bumalik sa lupa. Napakagwapo ng anghel na sumundo sa akin. Tapos ang bango bango pa. Bagay na bagay dito ang salamin niya sa mga mata. Kamuka niya si Superman, saka iyong boyfriend ko na nakadikit sa dingding. Napatigil ako sa pagtitig dito. Salamin? May anghel bang nakasalamin? Tanong ng isip ko. "Bumalik ka dito!" Parang umalingaw ngaw ang boses ng mga maniningil. Pasimple akong lumingon sa mga ito. Nanlaki ang mga mata ko makita ko ang mga ito na umaakyat na rin sa pader. Putcha! Buhay pa ako! Tiningnan ko ang muntik ng makabangga sa akin. Ngumiti ako dito at kunwari ay hinimatay ako. "Miss! Miss!" Niyugyog pa ako nito sa mga braso. Mas ipinikit ko ang mga mata ko. Hindi ako pwepwedeng mahuli ng mga ito! Magbabayad pa ako ng pang chemo ni Matet. Nakahinga lang ako ng maluwag ng maramdaman kong umangat ang katawan ko sa sementadong kalsada pagkatapos ay inihiga siguro ako nito sa backseat ng kotche niya. Gustong gusto kong halikan ngayon ang anghel na nagligtas sa akin. Isa siyang biyaya ng Diyos! Napangisi ako ng lihim ng maramdaman kong umusad na ang sinasakyan namin. Suminghot singhot pa ako dahil pati sasakyan nito ay amoy pogi! Tapos amoy mayaman din. Napahagikgik ako ng pasimple. Saka kunwari kong idinilat ng konti ang isang mata ko. "Lord! Likod palang ulam na!" Bulong ko sa sarili ko. Nawala ako sa pagpapantasya kay pogi ng tumunog ang cellphone ko. Agad akong umupo at sinagot ang tawag ni Ekang. "Tang na mo Sta. Maria! Nasaan ka na ba? Madami na tayong customer!" Nailayo ko nalang ang cellphone sa tenga ko. "Malapit na! Gaga!" Sigaw ko rin at agad na tinapos ko ang tawag. "Kuyang Pogi, dyan nalang ako sa tabi!" Kalabit ko dito. Itinabi naman nito ang sasakyan at saka humarap sa akin. Napasinghap ako. "Okay ka lang ba talaga?" Tanong nito. Para tuloy ayoko ng magsinungaling ng makita ko ang gwapong muka nito. Parang gusto ko nang bayaran ang lahat ng mga utang ko. Parang ayoko ng mang loko ng tao magkapera lang. Napangiwi ako. "Okay na po ako. Salamat po!" Sabi ko at agad akong bumaba ng sasakyan. Napasinghap na naman ako ng hawakan ako nito sa braso. Parang gusto kong magkikisay sa kilig. "Here's my calling card. Call me if you need help." Sabi nito sabay lagay ng isang calling card sa kamay ko. Tumango lang ako. "Okay ka lang talaga?" Tanong ulit nito. Tumango ulit ako saka dali daling lumabas ng sasakyan nito. Kumaripas ako ng takbo palayo dito. Nang masigurado kong malayo na ako ay hinihingal na nailagay ko nalang ang isang kamay ko sa dibdib ko. Mabilis na mabilis ang t***k nito. Alam kong hindi dahil sa pagtakbo ko kung hindi dahil sa may kakaiba. Hindi ko maipaliwanag. Huminga ako ng malalim at impit akong napatili! Kinikilig ako sa hindi ko alam na dahilan! Napatigil ako ng may marealize ako. "Bwuset! Iyong boyfriend ko iyon! Hindi na kami nagkakilala!" Inis na sabi ko at napapadyak pa ako. Hinayang na hinayang ako at hindi manlang ako nakapagpakilala dito. Hindi manlang nito nalaman ang pagsintang pururot ko dito. Hindi manlang nito nalaman na sinasamba ko siya. Napaingos nalang ako ng tumunog na naman ang cellphone ko. "Sta. Maria, napupuno ka ng disgrasya! Nasaan ka na ba? Lintek! Nagagalit na iyong mga customer natin!" "Bwuset ka Ekang! Malapit na nga akong loka loka ka! Maghintay kamo sila kung gusto nilang malaman ang kapalaran nila!" Sigaw ko rin at tuluyan ko ng tinapos ang tawag. "Badtrip talaga ako! Letche!" Inis na inis na sabi ko at pumara ako ng jeep papuntang Quiapo. Napatingin ako sa paanan ko ng may malaglag na papel sa paanan ko. Agad na pinulot ko ito at binasa. "Mattheo Andrew Sebastian Sr. MD." Basa ko sa papel. Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na ito ang calling card na ibinigay ng boyfriend ko sa akin kanina. "Ihhhhh!!!" Napatili ako. Masama tuloy ang ibinibigay na tingin sa akin ng mga nakasakay sa jeep. Nag peace sign lang ako sa kanila. "Sorry! Excited lang po!" Palusot ko nalang. Inilagay ko ang calling card sa loob ng bra ko na parang dito nakadepende ang buhay ko. Lintek! Talagang doon nakadepende ang buhay at kaunlaran ng sang katauhan. Pag nawala ito! Sinasabi ko, susugod ako sa Malacañang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD