Part 3

3853 Words
Inikot ikot ko ang kamay ko sa mahiwagang bolang crystal na nasa harapan ko. Tumingin ako sa itaas at kunwari ay nanginig ako. Pinatirik ko pa ang mga mata ko. "Ha!" Sigaw ko. Napapitlag ang babaeng mataba na nasa harapan ko. Seryoso ko siyang tiningnan. Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya at lumapit ako ng bahagya. "Nandito ka para malaman kung may ibang babae ang asawa mo? Tama ba ako?" Seryosong tanong ko dito. Nanlalaking mata na tumango ito. Napangisi ako. "Paano nyo po nalaman?" Maang na tanong nito. Muntik ko nang maiikot ang mga mata ko dahil sa tanong nito. "Manghuhula nga ako hindi ho ba?" Mainis inis na sagot ko dito. "Ay, oo nga po pala." "So, ano bang gusto nyong pahulaan sa akin? Kung talagang may ibang babae ang asawa mo o ilang babae meron siya?" Tanong ko. Gusto kong matawa ng manlaki ang mga butas ng ilong ng kaharap ko. "Pareho po." Sagot nito. "Limang daan ho ang isang tanong sa akin. Ayos lang ho ba iyon?" Sunod sunod na tumango ito. "Magbabayad ako kahit magkano basta sabihin nyo lang lahat ng malalaman nyo, Madame M." Tumango tango ako. Inikot ikot ko ulit ang mga kamay ko sa bolang crystal. Pagkatapos ay nagbalasa ako ng mga baraha at inilapag isa isa sa harapan nito. "Anong nakikita mo Madame M.?" Atat na tanong nito. "Nagmamadali?" "Ay, sorry po." Sagot naman nito. Napabuntong hininga ako. "Walang ibang babae ang asawa mo. Pero malapit lapit na, na magkaroon kung hindi ka magdidiet." Sabi ko dito. "Diet? Kailangan ko ba iyon?" Alanganing tanong nito. Napapalatak ako. "Oo magdiet ka Ate. Dahil kung hindi ipagpapalit ka ng asawa mo sa mas bata at mas sexy. Dahil nakikita ko dito sa mga baraha na may magaganda at mga dalagang umaaligid sa asawa mo sa kanyang trabaho." Dagdag ko pa. Tumango tango ito. "Sinasabi ko na nga ba! Malilintikan talaga iyong Monica na iyon!" Bulong nito pero nakarating sa madalas kong pandinig. "Ha!" Sigaw ko. "Ay! Kabayo!" Sigaw naman ng nasa harapan ko. "May nakikita pa po ba kayo?" Napapalunok na tanong nito. "Oo! Ang pangalan ng magiging babae ng asawa mo ay nag uumpisa sa letrang M." Dagdag ko. Namilog ang malalaki nitong mga mata. "Sinasabi ko na nga ba!" Gigil na sabi nito. "Magdiet kana kung ayaw mong ipagpalit ka ng asawa mo!" Pananakot ko dito. Tumango tango ito. Marami pa akong ipinayo dito at ng makatapos ito ay tuwang tuwang nagpasalamat ito at nagbigay ng tatlong libong piso. Tip na daw niya ang dalawang libo dahil sa hindi siya nagkamali na ako ang pinuntahan niyang manghuhula. Napangisi ako. Matagal ko nang ginagawa ang ganito simula ng magkasakit si Matet. Hindi naman ako nangloloko, pinapayuhan ko lang naman sila sa dapat nilang gawin. Oo hindi panloloko ito. Pagpapayo lang. Sa ngayon naman ay wala pang nagrereklamo sa ginagawa ko. Napangisi ako ng malaki ang kita namin ngayon ni Ekang. Nakaipon na ako ng sapat na pera para sa susunod na chemotherapy ni Matet. Inayos ko pa ang bandana at palda na suot suot ko. Saka kami nagsasayaw ni Ekang dahil talagang madami kaming kita. Natigil kami sa pagsasayaw ng tumunog ang iphone 10 ko na sa sobrang hightech ay baka ibato pa sa akin ng holdaper. Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko kung sino ang tumatawag. Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Hello?" "Is this Ms. Maria-" "Ay ako nga po!" Putol ko sa iba pa nitong sasabihin. "Emergency lang po, dahil ang kapatid nyo-" Napamura nalang ako ng mamatay ang cellphone ko. Dali dali kong kinuha ang bag ko at ang kita namin ni Ekang. "Bakit? Anong nangyari?" Seryosong tanong nito. "Si Matet! May emergency daw sa ospital!" Sagot ko dito at hinila ko nalang ito basta. Hindi na namin nagawang magpalit dahil sa pag mamadali at pag aalala ko sa kapatid ko. Pumara agad ako ng taxi at nagpahatid sa Sebastian Medical. Kulang nalang ay sakalin ko ang taxi driver sa bagal nitong magpatakbo. "Manong, pagong ba itong sasakyan mo?!" Inis na tanong ni Ekang. "Kita nyo na ngang traffic!" Masungit na sagot nito. Tinuktukan ko ito sa ulo at pinanlakihan ng mga mata. "Lintek! Manong pag hindi mo binilisan. Sasabihin ko sa asawa mo na may ibang bahay kang inuuwian." Pananakot ko dito. Ngumisi lang ito sa akin. "Paano mo nalaman? At Ineng hindi mo alam ang bahay namin." Ngisi pa nito sa akin habang nakatingin sa rearview mirror. Huminga ako ng malalim. Sakto namang nakita ko ang I.D nito at may nakalagay pang address. Napangisi din ako pabalik dito. "143, Guadalupe Nuevo, Makati City." Nakangising saad ko. Napalunok ito. "Paano mo nalaman?" Kinakabahang tanong nito. "Manghuhula nga siya Manong, di ba? Kita nyo naman sa suot." Inis na sabi ni Ekang. Pinaningkitan ko pa siya ng mga mata. "Kaya kapag hindi mo binilisan itong punyetang taxi mo. Pupuntahan ko ang asawa mo!" Pananakot ko. "Oo na! Mga bwusit kayo!" Sigaw nito at dali daling iniliko ang taxi at ilang minuto lang ay nasa harap na kami ng Sebastian Medical. Binigyan ko ito ng singkwenta pesos. "Lintek kayo! Isang daan ang dapat ibayad nyo!" Pinamewangan ko ito. "Gago! Kung hindi mo kami inipit sa traffic singkwenta lang iyon!" Sagot ni Ekang. "Manong, lumayas kana. Baka hindi kita matancha at pumunta pa ako sa bahay-" Hindi na ako nito pinatapos sa sasabihin ko at pinasibat na nito palayo ang taxi. "Ay! Hindi pa ako tapos eh." Napakamot pa ako sa ulo. At humarap sa ospital. "Ekang bakit nga ba tayo nandito?" "Ay, tanga! Si Matet!" Sagot naman nito. Nanlaki ang mga mata ko. "Tinamaan ng lintek!" Sabi ko at dali dali akong pumasok papuntang ospital. Nagtatakbo kami papunta sa kwarto ng kapatid ko. Nakita kong natutulog ang kapatid ko at may Doctor na tumitingin dito. Nilapitan ko agad ang doctor ni Matet at yumakap ako sa mga binti nito. "Doc, parang awa nyo na. Pagalingin nyo ang kapatid ko. Gawin nyo lahat ng kinakailangan. Magbabayad ako kahit magkano! Uutang ako kung kinakailangan! Ibabayad ko kahit sarili ko! Kahit ang puri ko! Pagalingin nyo lang siya-" kinalabit ako ni Ekang. "Bakit ba?" Inis na tanong ko habang nakayakap pa rin ako sa doctor at nagmamakaawa. Putcha! Amoy mayaman na naman katulad nung binti ng boyfriend kong lumabas sa dingding. "Hindi iyan ang Doctor ni Matet. Iyong nasa tabi." Sabi nito sabay nguso sa akin. Kunot nuong sinundan ko ang inginuso nito sa akin. Agad akong tumayo. "Ay sorry, nacarried away lang po. Wahh! Doc!" Akmang yayakapin ko ang Doctor nang itulak ako doon sa una kong niyakap kanina. "Si Doc naman KJ!" Maktol ko. Tumawa lang ito. "Hindi na kase pwede at magagalit ang asawa ko! Dyan ka nalang kay Mattheo, mas pogi pa at single!" Sabi nito at itinuro ang taong yakap ko na ngayon. Unti unti akong lumingon dito at napatalon ako palayo dito ng makita ko ito. Literal na nanlaki ang mga mata ko at napamaang ang mga labi ko. "Ay, anak ng teteng! Boyfriend, ikaw pala yan?!" Sabi ko dito at yumakap ulit ako. "Bakit ngayon lang tayo nagkita? Kamusta kana?" Bahagya ako nitong inilayo sa kanya. Hindi mapuknat puknat ang ngiti ko dahil sa wakas ng panahon nagkita na naman kami. Nagtagpo na naman ang landas namin. "Boyfriend? Sa pagkakaalam ko wala akong girlfriend." Sagot naman nito. Ohlala! Boses palang para na naman akong nasa heaven! Hindi ko pinansin ang paraan ng pagkakasabi nito dahil sa pagkakaalam ko boyfriend ko siya. "Ay, ngayon meron na! Ako iyon! I'm Mari-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng hatakin ako ni Ekang palapit kay Matet. "Lintek ka talaga Sta. Maria. Iyong kapatid mo ang ipinunta natin dito. Gumising ka!" Niyugyog pa ako nito sa magkabilang balikat. "Putcha! Oo nga pala!" Humarap ulit ako sa Doctor ni Matet na ngayon ay alam kong nagpipigil lang ng tawa dahil sa paraan ng pagkakangisi nito sa akin. Katabi pa rin nito ang boyfriend ko. "Doctor-, ano nga po palang pangalan nyo?" Tanong ko dito. "Danny nalang." Sabi nito at inilahad ang isang kamay. Agad na tinanggap ko iyon at nakipagkamay ako. "Bakita ang gwagwapo ng Doctor dito?" Tanong ko. Tumawa lang ito pero maya maya ay sumeryoso ang ekspresyon ng muka nito. Kinabahan tuloy ako. Sinenyasan ako nitong sumunod sa kanya. Kinindatan ko pa ang boyfriend ko bago ako sumunod kay Doc Danny. "Boyfriend, wait for me! Kakausapin ko lang si Doc!" Habol ko pa dito. Nagflying kiss pa ako dito at bahagyang kumaway. Napailing nalang ito sa akin. ___________ Napailing nalang ako sa babaeng yumakap sa akin kanina. Sa totoo lang pangatlong beses ko na itong nakikita. Una noong isang linggo na basta nalang akong niyakap sa mga binti at saka nag iiyak. Pinaratangan pa ako nitong nabuntis ko siya at ayaw panagutan ang batang ipinagbubuntis niya at umiiyak na nagmamakaawa sa akin. Hindi ako nakapagreact sa ginawa nito noon. Like what the f**k is happening? Tapos basta nalang itong nagtatakbo palayo na parang walang nangyari. I will never forget that day. Paano ay pinagtitinginan at pinagbubulungan kami ng mga tao noon na akala mo nanunuod sila ng isang drama sa tv. For Pete's sake, I am Mattheo Andrew Sebastian Sr. Inirerespeto ako ng mga tao. Tapos dahil lang sa kalokohan nito daig ko pa ang nakapatay ng tao dahil sa bulong bulungan nuon. Second, this early morning while I'm on my way here at the hospital. Muntik ko na itong masagasaan dahil basta nalang itong nang galing sa kung saan. Akala niya siguro anghel siya at basta nalang hinulog ng langit. Tapos noong tinanong ko kung okay lang siya. Tinanong ba naman ako kung nasa langit na daw ba siya. Then she pass out. Alam ko na umaarte lang siya pero ng makita ko kung bakit, hindi na ako nagdalawang isip na isakay siya sa sasakyan ko Kahit alam ko na umaarte lang siya. Naawa naman ako dahil nakita ko na hinahabol siya ng limang lalake. I must say that she was really a good actress. And I'm worried dahil baka nga nadisgrasya ko ito. Dadalin ko naman talaga siya sa ospital pero pilit naman siyang nagpababa. Kaya binigyan ko nalang siya ng calling card ko. I sighed. She was one weird woman. And then now. This is the third time that I encounter her. She said that I'm her boyfriend. Like duh? Sa pagkakaalam ko wala akong girlfriend for almost two years. And then, all of a sudden meron na? Natatawa nalang ako sa pinagsasasabi nito. But seriously, when I saw her running towards me like there's no tomorrow wearing those weird clothes, everything went into a slow motion. Napatitig nalang ako sa mga mata nito katulad kaninang umaga. I'm not naive with those feelings. Alam ko kung ano iyon dahil kay Simon! And it can't be! Nawala lang iyon sa isip ko ng mapamaang nalang ako dito ng biglang itong yumakap na naman sa akin. Tapos kung makakamusta siya akala mong may relasyon talaga kami. I admit, my heart skip a beat when she smiled and winked at me. I shaked my head. Hindi ko alam kung may sapi ba o may sakit sa utak ang babaeng iyon. I smirked. "Doc Mattheo! Doc Mattheo!" Napatingin ako sa matinis na pinang galingan ng boses na iyon. I smiled when I saw her. "Oh, your finally awake Matutina!" Nakatawang bati ko dito. She just pouted her cute lips. "Matet nalang, Doc Mattheo. Kita mo oh, may buhok na ako. Bagay na tayo! Pwede na ba kitang maging boyfriend?" Humagikgik pa ito. Ngumiti lang ako sa kanya. I met her two days ago. Hinahanap ko kase si Danny at naabutan ko nga siya na kausap itong si Matet. Natutuwa ako sa kanya kase ang daldal daldal niya tapos tinanong niya agad ako kung pwede ko daw ba siyang gawing girlfriend ko. Kung hindi naman daw pwede sa Ate niya nalang ako irereto. Natatawa nalang ako sa kanya because she was just 8 years old. Kung hindi ko lang nakita ang findings ni Danny tungkol sa sakit nito iisipin ko na pagaling na siya. Pero hindi. Behind those little smile of her- I shaked my head. Alam ko na mapapagaling pa siya ni Danny. "Oo nga, bagay tayo. Kahit naman wala iyang buhok mo maganda ka pa rin naman." Nakangiting sabi ko dito. "So, girlfriend mo na ako Doc Matt ha?" Sabi pa nito. "Hoy, Matet! Maghunos dili ka nga sa mga sinasabi mo. Ang bata bata mo pa! Manang mana ka kay Sta. Maria!" "Huwag ka ngang maki alam Ate Ekang!" Pasusungit nito sa kasama. "Kapag magaling kana pwede mo na akong maging boyfriend kaya dapat magpagaling ka ha? Hihintayin kita!" Kinindatan ko pa ito. Humagikgik na naman ito. "Ay, Doc ako po ba, pwede ding maging girlfriend nyo?" Pacute na sabi ng bantay ni Matet. Ngumiti lang ako dito. "Tang ina! Kinikilig ako!" Mahinang mura nito. Napangiwi nalang ako dahil sa paraan ng pagsasalita nito. Binalingan ko ulit si Matet na seryoso na ang muka na nakatingin sa akin. Tatanungin ko pa sana ito ng ipatawag ako sa emergency room. Dali dali akong nagpaalam dito. "Doc Matt! Doc Matt!" Habol nito ng nasa tapat na ako ng pintuan. "Yes?" I asked her. "Pwede bang kapag namatay na ako pakasalan mo ang Ate ko para naman may mag aalaga na sa kanya?" Habol nito. I stared at her. She was dead serious. Pero kung humiling lang ito ay akala mo nagpapabili lang ng isang box ng chocolate. "Gagaling ka, Matet! Gagaling ka." Sabi ko dito bago ako tuluyang lumabas ng silid nito. ___________ Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatanga lang dito sa chapel ng ospital. Hindi ko magawang pumasok at makita ang kapatid ko. Pagkatapos ko kaseng makausap si Doc Danny at ipaliwanag nito sa akin ang kalagayan ng kapatid ko ay daig ko pa ang inilaglag sa bangin na puno ng zombie. Daig ko pa ang mga broken hearted na fans ng patayin ni Negan si Glenn at Abraham sa The Walking Dead. Hindi ako makapaniwala. Akala ko ba sabi ni Doctor Octopus na nandito sa ospital na ito ang pinakamagagaling na doctor sa bansa? Bakit tinaningan na nila ang buhay ni Matutina? Tatlong buwan nalang? Hindi ko matanggap. Para saan pa at nagpapakahirap akong magtrabaho? "Nay naman, dapat nilasing mo nalang si San Pedro dyan sa langit. Ilang red horse lang naman siguro katapat niya. O kaya iyong Gin nalang na si San Miguel na nakatapak kay Lucifer ang logo, pag itinaob mo naman si Lucifer na ang nasa itaas ni San Miguel. Para kapag nakatulog na siya, binura mo na sana sa listahan niya ang pangalan ni Matet." Hindi ko na napigilan ang umiyak. Loko loko akong babae. Inaamin ko naman iyon. Pero kapag kay Matet talaga nagiging mahina ako. "Nay naman, malungkot ba dyan sa langit at naiinip kanang makita si Matet? Ang bata bata pa niya. Paano naman ang mga pangarap ko, Nay? Gusto ko pang maging isang magaling na teacher siya. Gusto ko makapagtapos siya ng pag aaral. Iyon lang naman ang pangarap ko, maranasan ni Matet ang normal na buhay." Humihikbing sabi ko. "Hindi naman ho siguro pagiging gahaman ang ganoong pangarap. Nay, kapag talaga kinuha niyo si Matet. Susugod talaga ako dyan sa langit. Nakausap ko na si Press. Duterte saka si PNP Chief Bato! Ichochooks to go talaga namin iyang manok ni San Pedro. O kaya kung pasosyal naman sila. Ipapa luto ko sa Max Restaurant. Huwag nyo naman akong ganituhin Nay." Patuloy ako sa pagiyak. Napaangat lang ako ng tingin ng makita kong may nag abot sa akin ng panyo. Parang umurong lahat ng luha ko sa mata ng makita ko kung sino ang nakatayo ngayon sa harapan ko. Inginuso lang nito ang panyo na hawak niya. "Take it!" Kinuha ko iyon at saka pinunasan ko ang mga luha sa mata ko. Suminga na rin ako. Napangiwi pa nga ito sa ginawa ko.  "Salamat!" Sabi ko dito sabay abot ng panyo. Umiling lang ito at tumabi sa akin. "Kanina ka pa ba dyan boyfriend?" Tanong ko dito. Nakangiting tumango ito. Tang ina lang! Parang nalaglag iyong matres ko sa ngiti nito at parang naglaho na parang bula ang mga problema ko sa ginawa nitong pag ngiti. "Huwag mong kinakausap ng ganyan ang Nanay mo." Sabi nito. Ang ngiti ko sana ay nauwi sa ngiwi. Narinig pala nito lahat ng sinabi ko. "Narinig mo nga palang lahat. Ganito lang talaga akong makipag usap sa mudrabells ko." Sagot ko nalang. Huminga pa ako ng malalim at suminga ulit sa panyong binigay nito. "Why are you crying?" Tanong nito. "Wala! Puro englesero kase ang mga doctor at tao dito. Naiyak ako kay Doc Danny kase wala akong naintindihan sa sinabi niya kahit isa. English e." Sabi ko nalang dito. Natawa ito at binalingan ako. Pinakatitigan ako nito. Napasinghap ako. "Anak ng! Huwag mo akong titigan ng ganya boyfriend! Kinikilig ako!" Sabi ko pa dito. Sa pang gigilalas ko ay tumawa na naman ito. Pinalo ko ito sa braso. "Huwag kang tumawa. Magagalit si Lord nasa loob tayo mg chapel!" Saway ko dito. Tumango ito pero alam kong nagpipigil lang ito ng tawa. "Sorry 'bout that. I can't help it. You're so funny." Sagot nito at tumawa na naman. Tinitigan ko ito. Nakakatuwa lang. Iyong boyfriend ko sa pader. Nasa tabi ko ngayon tapos tumatawa. Akala ko sa magazine ko lang siya makikita pero heto at kinakausap niya pa ako at ginawang katatawanan. Napasimangot ako. "Anong nakakatawa?" Inis na tanong ko. Umiling ito at umayos ng upo. Tapos ng balingan ako ulit nito ay seryoso na siya. Napalunok ako. Pati yata gilagid ko nalunok ko na sa sobrang tiim ng titig nito sa akin. "Alam ko na alam mo na ang lagay ng kapatid mo." Panimula nito. Napabuntong hininga ako at nag iwas ng tingin dito. "Oo. At ayokong isipin. Akala ko pa naman nandito ang pinakamagagaling na doctor sa Pilipinas. Bakit tinaningan na nila ang buhay ng kapatid ko? Akala siguro nila wala kaming pera. Ha! Marami akong pera. Puro barya nga lang." Nakangusong sabi ko. "Don't worry, I know Danny. He can take care of your sister." Sagot naman nito. Umismid ako. "Take care, take care. Tinaningan na nga! Take care take care pa. Putcha! Idedemanda ko ang may ari ng ospital na ito kapag hindi nila napagaling ang kapatid ko!" Determinadong sabi ko. "Ow, you will sue them? How?" Napapantastikuhang tanong nito. Umiling ako. "Basta! Ako nang bahala doon. Huwag ka ngang tanong ng tanong." Napakamot pa ako sa ulo. Pagkatapos ay nanlalaking mata na sinundot sundot ko ang tungkil ng matangos nitong ilong. "Siguro kilala mo iyong may ari nito no?" Tanong ko pa. Ngumisi ito sa akin at tumango. "Sino?" "You're talking to the owner right infront of you." Ilang segundo akong nakatitig dito pagkatapos ay napasinghap ako ng malakas. "Uy, joke lang iyong sinabi ko. Baka pakulong mo ako. Joke lang. Char char lang. Hehehehe." Sabi ko pa. Gusto kong murahin ang sarili ko dahil sa sobra kong kadaldalan. Nanlaki na naman ang mga mata ko ng tumawa na naman ito. Siya yata ang baliw sa aming dalawa. "You're so funny. Really." English na naman nito. "Pahingi akong discount ha? Boyfriend naman kita." Sabi ko pa. "Kailan kita naging girlfriend?" Kunot nuong tanong nito. "You ouch me ha! Basta girlfriend mo ako. Period. Pak!" Sagot ko. Lalong kumunot ang nuo nito. Napakagwapo talaga nito kaya lang slow. Hindi makatake ng joke. "Saka ko na ikwekwento iyong pang MMK nating love story. Magugulat ka kita mo nalang." Sabi ko pa. Napailing nalang ito at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Tumaas tuloy ang isang kilay ko at sinundan ang tinitingnan niya. Napasinghap ako ng makita ko na suot ko pa pala ang pang Madame M. Outfit. "You're so weird. Why are you wearing those kind of clothes. Are you a fortune teller?" Tanong pa ulit nito. Daig ko pa ang nasa Tonight with Boy Abunda sa mga tanong nito. "Manghuhula ba iyon?" Tanong ko tumango naman ito. "Ah, oo. Gusto mo hulaan kita?" Tanong ko naman sa kanya. Mabilis pa sa alas kwatro ito umiling. Sinuntok ko nga ito sa braso. "Awww!" Daing nito. "Ay, naku sorry!" Dali dali ko naman itong dinaluhan. "Ikaw ang may kasalan kapag nabali itong braso ko at hindi ako makapang gamot." Sagot nito. Umingos lang ako. Inirapan ko pa siya. Napabaling lang ulit ang tingin ko dito ng ilahad nito sa harapan ko ang isang palad niya. "Kaya mo bang manghula kung sa palad ko lang ikaw titingin?" Nakangiting tanong nito. Tumango ako. "Sigurado ka?" Alanganin kong tanong. "Yeah." Inabot ko ang nakalahad na palad nito at hinawakan ko. Nabitiwan ko ito ng para akong nakuryente. "What?" Tanong nito. Umiling lang ako at kinuha ko ulit ang kamay niya. Marunong naman akong manghula kapag gusto ko. At pagtama ang presyo. Pinakatitigan ko ang mga guhit nito sa palad. "Pakakasalan mo daw ako." Sabi ko dito Sinamaan niya ako ng tingin at binawi ang kamay. Kinuha ko lang ulit iyon. "Eto naman, hindi marunong maka appreciate ng joke. Napaka stiff mo naman. Chill!" Sabi ko pa. Tinitigan ko pa ulit ang mga palad nito at pati ang isang kamay pa nito ay kinuha ko rin at pinagtabi ko. "Hala! Kinukulam ka!" Sabi ko ulit. "Niloloko mo nalang ako." "Joke lang, ito namang si boyfriend oh. Seryoso na talaga." Sa pagkakataong ito ay sumeryoso na ako. Napakunot ang nuo ko. Dalawa? Dalawang babae? "Dalawang babae? Magugulo ka dahil sa dalawang babae." Sabi ko dito. Kumunot ang nuo nito. Tinitigan ko ulit ang palad nito. Napakahirap basahin. "Darating ang panahon na mamimili ka sa kanilang dalawa. Pero hinihintay mo siya. May hinihintay ka!" Bulalas ko. Ay! Baka ako na iyong hinihintay niya! Tili ng isang bahagi ng isip ko. Spell ASA Maria! Tili naman ng isang kontrabidang isip ko. "Sta. Maria! Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat!" Napangiwi ako ng makilala ko ang boses ni Ekang na palapit sa amin. "Lintek! Kanina ka pa hinahanap ni Matet! Nagwawala na!" Sabi nito. Pagkasabi sa pangalan ng kapatid ko ay dali dali akong tumayo. Pumihit lang ako paharap kay boyfriend. "Wait! Nakalimutan kong mag goobye kiss sayo boyfriend!" Sabi ko pa. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito at pinang gigilan ko. Kunwari ay kumiss ako dito pero hindi naman lumapat iyong labi ko sa labi niya. Kumbaga e parang joke lang. Parang nashocked yata ito sa ginawa ko kaya hindi ito nakapag react. Kumindat lang ako dito. "Wait, I don't know your name yet?" Pahabol nito. "Just call me your forever!" Sabi ko at nagflying kiss pa ako. "Tang na mo Sta. Maria. Napakamakasalanan mo! Hinalikan mo iyong tao!" Nag aakusang sabi ni Ekang habang papunta kaming kwarto ni Matet. "Gaga! Hindi ko siya kiniss. Kahit luka luka ako. Gusto ko pa rin iyong first kiss ko iyong mahal ko. Ganon!" "Ikaw na malandi!" Sabi nito. Hinila ko lang ang buhok nito at lumingon ulit ako kung nasaan ang boyfriend ko. Nakatingin pa din ito sa akin kaya kinawayan ko. "Oh, my forever!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD