"Ekang, pakibuhat nalang ako kapag bumulagta ako." Napahikab pa ako dahil sa antok.
Magdamag kase naming binabantayan si Matet.
"Wow? Sa akin ka pa talaga magpapabuhat? Kita mo nga ang laki ng agwat ng hayt natin. Nananaginip ka na naman." Sagot naman nito. Umismid lang ako.
Uuwi lang kami ni Ekang para magbihis at maligo. Si Matet naman ay ibinilin ko nalang sa mga nurses na naroon dahil kailangan kong magkapera at iyong bill ng kapatid ko ay baka maipon na naman at baka pati si Ekang ay ilako ko na sa Divisoria.
"Tingin mo gagaling iyong kapatid mo?" Tanong nito bigla.
"Oo, para saan pa at mahal ng bayad sa mga doctor doon sa ospital ng boyfriend ko. Gagaling iyon." Sabi ko dito.
"Wew? Makaboyfriend ka naman. Hindi ka papatulan ni Doc Matt."
"Sige nga, bakit hindi oh?" Hamon ko naman. Ngumisi ito sa akin.
"Unang una, wala kang dede!" Binatukan ko nga ito.
"Gago 'to! Anong ginagawa ng mga push up bra sa divisoria? Kakapit na iyon! Lalaki din ito!" Giit ko.
"Tapos kapag hinawakan puro pom?!" Sabi nito at humagalpak ng tawa. Binatukan ko na naman ito.
"Bwusit ka! Anong nakakatawa? Sipain kita, you want?" Umiling ito at tumawa na naman.
"Tang na nito! Syempre kapag jowa mo na, hahawakan iyan dede mo tapos magsesex na kayo! Hindi mo maloloko iyong jowa mo! Push up bra! Tae mo!" Paliwanag nito.
"Baliw ka ba? Kapag nag jowa s*x agad? Kalibog mo Ekang." Sagot ko dito. Inirapan lang ako nito.
"Bopols ka ba? Sino ka? Si Maria Clara? Ipinaaalala ko sayo si Sta. Maria ka. At ang panahon ngayon hindi na uso iyong walang ganoon. Touch, move. Ganoon iyon." Dagdag nito.
"Bakit ikaw? Nagkajowa kana at parang alam na alam mo?"
"Wala pa. Kaya nga ayoko ng jowa." Sagot naman nito.
Pareho kaming napabuntong hininga.
"Mahirap din walang boypren hano?" Biglang tanong nito.
"Oo. Walang hihingan ng pera." Sagot ko naman. Hinila nito ang buhok ko.
"Baliw? Anong problema mo?" Asar na tanong ko dito at inayos ang nagulo kong buhok.
"Magboboyfriend ka lang para may hingan ng pera? Muka ka talagang pera!" Sabi pa nito. Umingos ako.
"Syempre, masaya kaya iyong marami kang tatlo iyong tao. Tapos may malungkot pa. Masarap ang buhay kapag marami nun." Sabi ko pa.
"Sabagay. Kaya lang walang jowa. Patay doon!" Sabi pa nito.
Sabay na naman kaming napabuntong hininga nito.
Napahinto kami nito sa paglalakad ng matanaw namin si Aling Puring na nakaabang na sa labas ng apartment namin. Nagkatinginan kami ni Ekang sabay talikod. Pero mukang nakita na kami nito kaya tinawag kami agad.
"Hoy, saan kayong dalawa pupunta? Balik dito. Bilis!" Sabi nito.
Wala kaming nagawang magkaibigan kung hindi ang bumalik dito. Napakamot pa ako sa ulo nang ilahad nito ang palad niya sa harap ko.
"Huhulaan ko kayo?" Alanganing tanong ko. Pinalo lang ako nito ng pamaypay niya sa kamay.
"Bayad!" Sabi nito.
"Aling Puring pwede ba next month nalang?" Hirit ko.
"Hindi! Magbabayad kayo o papalayasin ko kayo?! Mamili kayo!" Sigaw na nito.
Napabuntong hininga ako. Saka alanganing ngumiti dito.
"Manang naman, pwede po ba bukas na? Maglalabas pa po kase ako ng pera." Kunwari ay dahilan ko.
"Hindi! Ngayon na!"
Napapitlag ako ng sumigaw ito.
"Manang gusto mo, make apan kita. Ay, naku sigurado masusundan pa iyong anak nyo!" Pang uuto ni Ekang dito. Pinanlakihan nito ng mga mata si Ekang.
"Magsitigil kayo! Bayad!" Ulit nito. Hindi kami nakakibong dalawa.
"Hindi naman pala kayo magbabayad. Sige ganito nalang." Sabi nito at pumasok sa loob ng apartment.
Nagkatinginan pa kami ni Ekang at sabay din kaming napapitlag ng makita namin ang mga damit namin na parang si Superman at basta nalang lumilipad
"Ay, anak ng tipaklong!" Nasabi ko nalang ng marealize ko kung ano ang nagaganap.
"Magsilayas kayo dito! Hindi kayo marunong magsipagbayad! Layas! At baka ipabaranggay ko pa kayo!"
"Manang naman, magbabayad din kami. Tumalbog lang kase iyong cheque na ibinayad sa amin." Dahilan ko at isa isa kong pinulot ang mga damit naming itinapon nito sa labas ng apartment namin. At inilagay ko sa bag.
"Manang, may tinda akong gamot na pang papayat dito. Ibibigay ko nalang sayo ng libre huwag mo lang kaming palayasin." Sagot ni Ekang.
Mukang sa sinabi ni Ekang ay lalo itong nagalit.
"Anong tingin mo sa akin? Mataba?"
"Ay, oho--- este, hindi po. Pero para mas lalo kayong sumeksi!" Dagdag ko naman.
Tila nag isip ito ng ilang sandali. Napapalunok kami ni Ekang. Para kaming naghihintay kung sino ang mananalo sa karera ng kabayo.
"Hindi! Ayoko! Hala! Wala akong pakialam magsilayas kayo! Tatlong buwan na kayong hindi nakakabayad! Layas!" Sigaw nito sabay sara ng pintuan ng apartment namin nila Ekang.
"Manang iyong boyfriend ko naiwan!" Sigaw ko at kinalampag ang pintuan ng apartment.
Muntik na akong masubsob ng biglang bumukas ang pintuan at basta nalang ibinato sa akin ang tatlong piraso ng pinunit na pahina ng magazine.
Nanginginig ang mga kamay na pinulot ko iyon isa isa. Nilapitan naman ako ni Ekang.
"Iyong boyfriend ko napunit!" Inis na sabi ko.
Nang gagalaiti ako ngayon sa galit dahil sinaktan ni Manang ang boyfriend ko.
"Pagsisisihan nyo ang ginawa nyo sa amin!" Sigaw ko.
"Oo nga!" Sigaw din ni Ekang.
"Ipatitikim ko sa inyo ang hirap! At sinisiguro ko na gagapang kayo sa lusak! Nakausap ko na si San Pedro. Ipinalista ko na kayo! Bukas byaheng heaven na kayo!" Sigaw ko ulit.
"Tama!" Sigaw ulit ni Ekang.
"Matitikman nyo ang batas ng isang api!" Sigaw ko na naman at mas nilakasan ko pa. Binatukan ako ni Ekang.
"Bongol nito. Ano ka si Amor Powers? Feeling mo nasa shooting tayo ng pangako sayo? Huy, gumising ka! Pinalayas na tayo oh?" Sabi nito. Tinuktukan ko din ito sa ulo.
"Bona mo! Nagdradrama ako at baka sakaling makalusot. Tanga neto. Baka maawa si Manang." Sagot ko naman dito.
"Ay, oo nga no?" Sabi nito at lumuhod din kagaya ko.
"Sana ako pa rin. Ako nalang. Ako nalang ulit." Drama nito.
"Bangenge nito. Feeling mo ikaw si Basha? Tengene neto. Hindi ganyan!" Sabi ko pa.
"O sige. Ikaw muna ulit." Sabi naman nito. Umubo pa ako kunwari.
"Huwag mo akong mahalin dahil mahal kita. Mahalin mo ako dahil mahal mo ako." Madamdaming sabi ko.
"Kathryn, ikaw ba yan?" Lumayo ito sa akin ng bahagya. "Ako ulit!" Excited na sabi nito. Napangisi ako.
"O sige, ikaw na." Sagot ko naman at tumayo ako dala ang dalawang bag na damit.
"Kung hindi mo ako kayamg respetuhin bilang isang ina. Respetuhin mo nalang ako bilang isang tao." Drama nito at may papikit pikit pa. Ako naman ay nagtatakbo na palayo dito.
"Oha, Ate V iyo--hoy Sta. Maria! Hintayin mo ako." Sigaw nito.
"Baliw!" Sigaw ko at tatawa tawa akong nagtatakbo palayo.
___________
"Oh, saan na tayo nito titira?" Tanong ni Ekang sabay abot sa akin ng isang softdrinks at tinapay. Tambay muna kami dito sa 7 Eleven.
"Hindi ko pa alam. Hindi naman tayo pwedeng pumunta kay Matet at baka kapag nakita niya itong mga bag ng damit ay mag alala lang iyon." Sagot ko.
Napabuntong hininga ako at dumukdok sa lamesa.
"Ekang ihanap mo nalang ako ng Lalakeng may apat na M." Tinatamad na sabi ko dito.
"Anong apat na M?"
"Matandang Mayamang Madaling Mamatay." Sagot ko naman. Hinila lang nito ang buhok ko.
"Tanga mo talaga! Walang bibili sayo ng apat na M na iyon." Sabi naman nito.
"At bakit hindi? Fresh na fresh pa ako. Saka virgin pa. Saan pa sila?" Sagot ko naman. Sumimangot ito.
"Virgin ka nga. Wala ka namang dede saka puwet." Nanlaki ang butas ng ilong ko sa sinabi nito.
"Makapintas ka ah. Kesa sayo puro ka dede at puwet." Sabi ko dito.
"Atleast meron, e ikaw? Wala!" Sagot nito at tumawa ng tumawa.
"Maganda ako." Sabi ko nalang. Ito naman ang sumimangot.
"Oo na. Pero seryoso. Wala tayong tutuluyan. Sabi mo nga hindi naman tayo pwede sa ospital." Napakamot ako sa nuo ko.
Bakit sa dami ng tao sa mundo sa akin pa napunta ang lahat yata ng problema? Hindi naman ako mayaman. Isa lang naman akong mabuting mamamayan ng pilipinas. Ang gusto ko lang naman ay gumaling ang kapatid ko.
Napangisi nalang ako ng maalala ko ang gwapong muka ng boyfriend ko. 'Lang hiya. Kinikilig na naman ako. Daig ko pa si Matet.
"Kita mo tong si Sta. Maria. Nananaginip na naman ng dilat!" Narinig kong bulong ni Ekang.
"Hoy, Sta. Maria punong puno ka ng disgrasya! Hindi tayo magkakapera ng panaginip mo ng dilat na yan! Kung hindi tayo gagawa ng paraan. Pare pareho tayong mamamatay ng dilat!" Hinampas pa nito ang lamesa. Napasimangot nalang tuloy ako.
"Epal ka talaga. Nag iisip ako. Huwag kang ano!" Saway ko dito. Pinaningkitan ako nito ng mga mata.
"Huwag mo akong ma ano ano dyan. Kilalang kilala kita. Iyang mga mata mo nag niningning na naman. Ganyan lang yan kapag marami kang pera at pag kaharap mo ang boypren mo sa ding ding." Sabi pa nito. Napakamot nalang ako sa ulo.
"Nag iisip talaga ako ng paraan." Dahilan ko pa.
Tinitigan ako nito at maya maya ay ngumisi sa akin.
"Bakit hindi tayo humingi ng tulong kay boypren mo?"
Itinaas baba pa nito ang mga kilay niya. Ngumisi ako pabalik dito saka ko ito tinuktukan sa ulo.
"Bakit mo ginawa iyon?" Reklamo nito.
"Paano tayo hihingi ng tulong? Hindi naman natin alam kung saan ang bahay noon." Sagit ko dito.
"Edi itanong natin sa ospital. Di ba kanya naman iyon? Nandoon iyon. Sigurado." Paliwanag nito.
Tumango tango ako sa sinabi nito. At pinag iisipan ko. Sa totoo lang may point ito sa sinabi niya. Ngumiti ako dito ng matamis at basta nalang itong hinila palabas ng convience store na iyon.
"Teka lang naman. Saan tayo pupunta?" Reklamo nito.
Huminto ako at humarap dito. Pinamewangan ko pa ito.
"Sabi mo humingi tayo ng tulong sa boyfriend ko. Tara na puntahan na natin. Let's go!" Masayang sabi ko.
Napailing nalang ito at pumunta na kami sa ospital. Pero sabi ng secretary nito doon ay naka leave daw ang boyfriend ko.
Pero dahil matalino nga ako at magaling akong mang uto. Sinabi nito kung nasaan ngayon si boyfriend at ibinigay pa ang address kung saang lugar iyon. Pati kung anong sasakyan nito at plate number.Napakatalino ko talaga. Wala akong katulad. Napahagikgik ako sa pagpuri ko sa sarili ko.
Kaya nga lang inabot na kami ng gabi kakahintay dito sa labas ng building na pag aari ng pinakamayamang pamilya sa Pilipinas. Ang mga Fontanilla. Pero ubos na yata ang lahat ng dugo ko sa katawan ay wala pa itong balak na umuwi. Kaya may naisip akong gawin para makasigurado akong makakausap ko ito ano man ang mangyari.
"Tang ina mo Sta. Maria. Kapag tayo nakulong na naman. Sasapingilin na talaga kita." Sabi sa akin ni Ekang habang sinusubukan namin buksan ang sasakyan ni Doc Matt.
"Ikaw kaya sapingilin ko sa bibig at ng itikom mo yan? Basta bantayan mo nalang si Matet at hihingi akong tulong sa boyfriend ko. Basta huwag kang magulo. Bilis na. Tyupi! Shoo!" Pagtataboy ko dito at tahimik akong sumakay sa backseat ng kotche nito.
"Oo na! Ano na namang sasabihin ko kay Matet kapag hinanap ka?" Nagkamot pa ito sa ulo na parang problemadong problemado.
"Sabihin mo may meeting ako sa Nanay niya at kay San Pedro. Basta! Alis na bilis!" Sabi ko dito at sinara ko na ang pinto ng kotche nito para hindi na maraming tanong nitong sa akin.
Humiga ako sa kotche nito. Sana naman matulungan ako nito. Balita ko pa naman sa ospital ng mga nurse, na kilala daw nito iyong may ari ng foundation. Kailangan ko ang tulong ni Superman ko.
Sa pag iisip ko ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.