"Yes, Ma. Pauwi na ako. May inasikaso lang ako sa negosyo ni Simon. Alam nyo namang next week pa ang uwi nila ni Cassandra galing honeymoon. May balak pa yatang magextend." Kwento ko kay Mama.
"Mattheo, hindi ka ba naiinggit sa mga kaibigan mo? Dalawa na sa kanila ang kasal at balita ko iyong asawa ni Hermes ay bumalik na. Ikaw anak, kailan mo balak mag asawa?" Napangiwi nalang ako sa tanong ni Mama.
"Ma, I'm still young. Wala pa sa plano ko ang mag asawa." Natatawang paliwanag ko.
"Oh, stop it. You're already 29. Anong bata doon? Mabuti sana kung may alam akong steady girlfriend mo, pero wala. Oh, baka naman hini-"
"Ma, mamaya nalang. Bye! Love you!" Sabi ko at agad kong tinapos ang tawag bago pa ito makapag salita ulit.
I sighed. I don't want to think about it.
Buhat ng nag asawa si Gabriel at Emperor ay lagi na akong kinukulit ni Mama na mag asawa na rin. Si Papa naman ay ganoon din. Pero wala talaga sa isip ko na mag asawa.
Napahinto ako sa paglapit sa sasakyan ko ng may mapansin ako. Agad kong kinuha ang baril na nasa likod ng bewang ko. Napakadilim pa naman sa parte ng parking lot kung nasaan ang sasakyan ko.
Dahan dahan akong lumapit at binuksan ang pintuan ng kotche. At tinutukan ko ng baril ang taong nakasakay dito.
"Who are you!?" Seryosong tanong ko.
"Gago! Huwag kang ano! Natutulog ako! O baka gusto mong lunukin kita ng buo?!" Sagot nito at hinawi ang baril na nakatutok dito.
Napakunot ang nuo ko ng mabosesan ko ito. Agad kong binuksan ang ilaw sa loob ng sasakyan.
"Ay, pusang gala! Ano bang-"
"What are you doing here? Paano mo nabuksan ang sasakyan ko?" Seryoso pa ring tanong ko dito.
Nanlaki ang mga mata nito ng makita ang baril na nakatutok sa ulo nito.
"T-teka l-lang naman b-boyfriend! Huwag kang ganyan. Magpapaliwanag ako!" Tarantang sagot nito.
"Anong ginagawa mo dito?" Ulit ko at hindi ko pa rin ibinababa ang hawak kong baril. Napalunok ito at namutla.
"Hihingi lang ako ng tulong sayo! Naiinip kase ako kakahintay sayo sa labas. Kulang nalang ubusin na ng mga lamok ang dugo ko sa katawan kaya ako pumasok dito sa sasakyan mo." I just stared at her. Itinaas pa nito ang kanang kamay.
"Promise gusto lang talaga kitang makausap. Wala akong balak na masama sayo! Except na gawin kitang boyfriend. Promise!" Dagdag pa niyo.
Ibinaba ko lang ang baril na hawak ko ng masigurado ko na nagsasabi ito ng totoo.
"Baba!" Utos ko. Agad naman itong bumaba sa sasakyan.
"What do you want from me?" Tanong ko.
She stared at me for a while. Nakipagtitigan ako dito pero hindi ako makatagal. Nag iwas ako ng tingin dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko. And then she sighed.
"Kailangan ko ng tulong mo. Alam kong kilala mo si Mrs. Cassandra Cristina Carlos-Fontanilla." Sagot nito.
Lalong nangunot ang nuo ko sa sinabi nito.
"What do you want from her?"
"Sabi ni Doctor Octopus siya daw ang may ari ng foundation na ito." Sagot nito sabay abot sa akin ng isang calling card.
"Yes, she is. Pero bakit sa akin ka lumalapit?" Tanong ko pa rin dito.
"Sabi ng secretary niya nasa honeymoon daw at two weeks nakaleave. Hindi ako makakapaghintay ng ganoon katagal para makausap siya." Giit nito. Umiling ako.
"I can't help you with that. Hindi basta basta nakakausap ang Empress." Sagot ko at sumakay na ako sa kotche ko.
Pero bago ko maisara ang pintuan ay iniharang nito ang katawan niya.
"Alam ko na kaya mo! Kaibigan mo sila!" Seryosong sabi nito.
"No." Matigas na sagot ko.
"Please?" Pagmamakaawa nito.
"Still no!" Matigas na sagot ko.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa babaeng ito. But I don't really know her. Even her name. Nang huli kaming magkita at itinanong ko ang pangalan nito wala akong nakuhang matinong sagot dito.
Call me forever? What kind of answer was that? She was really weird.
Hindi rin ako sigurado kung nagsasabi ito ng totoo. Napakagaling pa naman umarte ng babaeng ito. Hindi ko alam kung ano ang totoong intensyon nito para makausap ang asawa ni Emperor. Baka mamaya isa ito sa mga sugo ni Ysabell at maghasik na naman ng gulo.
"Bakit ba ayaw mo?!" Nagpapadyak pa ito. I smirked.
"You don't know her?" Umiling ito. I sighed.
Hindi ko alam kung puro pera lang ang alam ng babaeng ito o ano. At saka hindi basta basta nito makakausap si Cassandra. Lalo na ngayon at asawa na ito ng Emperador at mas lalong humigpit ang bantay dito dahil sa nangyari bago makasal ang dalawa.
"Alamin mo muna kung sino siya. Saka kita tutulungan." Sagot ko dito.
Pero hindi ko maisara ang pintuan ng sasakyan ko dahil ayaw nitong umalis sa harapan ko.
"Please? Tulungan mo na ako?" Pinagsalikop pa nito ang dalawang kamay.
"No!" Matigas na sagot ko.
"Yes!" Sagot naman nito.
Napailing nalang ako. Oo nga pala at may pagkamakulit itong babaeng 'to. Kinapa ko ang bulsa ko ng mag ring ang cellphone ko.
Napakunot lalo ang nuo ko ng hindi ko makapa ang cellphone ko sa bulsa at pag harap ko sa babaeng weird ay hawak na nito ang cellphone ko at kausap na ngayon ang kung sino mang tumatawag.
"Ay, opo! Girlfriend nga po ako ng anak ninyo." Nanlaki ang mga mata ko ng marealize ko na si Mama ang kausap nito.
"f**k!" I hissed at her and I tried to get my phone. Pero lumayo lang ito sa akin.
"Yes, po. Sige po. Sasama po ako sa kanya ngayon!" Sagot nito at basta nalang ibinalik ang cellphone sa kamay ko at pumasok sa loob ng sasakyan.
Itinapat ko ang cellphone sa tenga ko ng hindi pa pala nito tinatapos ang tawag.
"Hello, Ma?"
"Mattheo Andrew Sebastian Sr. Who's that girl? Sinong girlfriend? Isama mo siya ngayon dito at gusto ko siyang makilala. I won't take no for an answer Matt." Seryosong sabi nito at busy tone nalang ang narinig ko sa kabilang linya.
Problemadong napakamot nalang ako sa nuo ko. The f**k? Anong problema na naman ang napasok ko? At anong problema na naman ang ibinigay ng babaeng ito sa akin?
"Boyfriend, what are you waiting for? Let's go!" Nakangising yaya pa nito sa akin.
Napapailing akong sumakay sa sasakyan ko. Nilingon ko lang siya.
"Oh, bakit na naman? Nagagandahan ka sa akin hanoh? Aruy!" Sabi pa nito at sinundot ang tagliran ko. Napasinghap tuloy ako.
"Stop it!" Saway ko.
"KJ talaga nito. Chill! Relax!" Sabi pa nito.
I sighed. Ngayon ko palang ito kausap pero parang puputi yata ang buhok ko sa ulo sa kakulitan nito.
"Dito ka sa harap." Utos ko. Nanlaki ang mga mata ko ng tumili ito. "Quiet! Ayoko ng maingay!" Inis na saway ko dito.
"Hindi ko alam boyfriend, pinag nanasahan mo pala ako. Gusto mo akong katabi dyan. Ikaw talaga hindi mo agad sinabi. Payag naman ako. Saan tayo pupunta? Sa motel? Teka lang, I'm not ready. Saka be gentle ha? Virgin pa ako e." Sabi nito at lumipat sa tabi ko.
My mouth parted when she say those things. Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na puputi ang mga buhok ko. Dahil sa totoo lang mukang tatanda agad ako sa kunsumisyon dito. Napahilot nalang ako sa sentido.
"Pwede tumahimik ka muna kahit ilang minuto lang? Sumasakit kase ang ulo ko." Napapabuntong hiningang sabi ko dito.
Pero mukang hindi manlang ito natinag sa sinabi ko dahil tinitigan pa ako nito at ngumiti sa akin ng pagkatamis tamis.
"Good!" Sabi ko nalang at tumahimik nga ito at nagumpisa na akong magmaneho.
I just shaked my head when I glanced at her. She was all smiling and it creeps me out.
"Will you please stop smiling like that?" Saway ko dito. Sumimangot ito.
"Tumahimik na nga ako. Pati ba naman pag ngiti bawal? Akala ko pa naman anghel na bumaba ka sa langit pero bakit ang sungit sungit mo? Boyfriend pa naman kita. Dapat mabait ka sa akin." Sabi pa nito.
"Miss-"
"Hindi Miss ang pangalan ko." Humalukipkip pa ito.
"Whatever your name is. First, I'm not your boyfriend. And second, you will tell my mother that we don't have any relationship." Paliwanag ko dito.
"Tagalogin mo nga ako. Puro ka English. Nakakaiyak! Wahh!" Sabi pa nito. I smirked. This weird woman.
"Kanina may paenglish english kapang 'what are you waiting for? Let's go!'" Ginaya ko pa ang tono ng pananalita nito. Umismid ito.
"Iyon lang ang alam ko. Napanuod ko lang iyon. Para bagay tayo! Ayii! Feeling ko ang ganda ko pag tinititigan mo ako! Ihhh! Kinikilig ako." Sabi pa nito.
I took a deep breath. Mukang kapag pinatulan ko ang kalokohan ng babaeng ito ay magiging pasyente ako ng Mama ko. I smirked.
This is the fourth time that I encounter her. The last time I talked to her was a week ago. Narinig ko pa kung paano nito pag initan ang manok daw ni San Pedro. At gagawin daw niyang chooks to go. And what the f**k is chooks to go?
Napapailing nalang ako at hinayaan itong magdadaldal ng magdadaldal.
Kung kagay nito ang magiging girlfriend ko na daig pa ang armalite ni Hermes. Huwag nalang. Magtitiis nalang akong tawaging lumot at agiw ni Gabriel at Mikhael. At Santo naman ni Emperor.
"Hoy, boyfriend. Magsalita ka naman dyan." Untag nito sa akin. Hindi ko siya pinansin.
"Kita mo 'to. Napakasuplado. Pero nung huli tayong mag usap. Tawa ka pa nga ng tawa sa akin. Tapos nagpahula ka pa nga sa akin. Pero sino kaya iyong dalawang babae sa buhay mo ano? Siguro ako iyong isa? Wahhhh! Puta! Kinikilig talaga ako. Tapos gusto mo din ipakilala kita kay San Pedro?" Nakangising tanong pa nito.
"Tahimik!" I hissed. She just pouted her lips.
Akala ko ay tumahimik na ito pero ini on lang nito ang stereo ng sasakyan ko. At sinabayan ang kanta.
Akala ko ay 'di pa handang
Muling tumibok ang damdamin
Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko
Napapreno tuloy ako bigla dahil sa kanta. Pero hindi manlang ito natinag at talagang humarap pa ito sa akin at madamdaming sinabayan ang kanta.
Hindi kailangang umimik
Nagdadaldalan lang sa tingin
Saan ka ba nanggaling bakit ngayong lang?
Bigla akong napasulyap dito. Ngumiti lang ito sa akin. Tapos ay hinawakan pa nito ang pisngi ko at inalis ang salamin ko sa mga mata.
Oh kay tagal kitang hinanap
Oh kay tagal ko ring nangarap
Na makapiling ka
Oh aking mahal...
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
Oh anong saya ang nadarama
I swallowed hard. Para kaseng nanuyo ang lalamunan ko dahil sa simpleng pagkanta nito.
'di kailangang magpanggap
Walang kailangang baguhin
Sadyang ginawa para sa isa't isa
'di kailangang magmadali
Buti na lang 'di pinilit
Alam ko naman na ikaw ay darating
Oh kay tagal kitang hinanap
Oh kay tagal ko ring nangarap
Na makapiling ka
Oh aking mahal...
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
Oh anong saya ang nadarama
I don't know why, but I found myself staring and smiling at her without any reason. I found her amusing yet sexy while singing like crazy.
Oh heto ako ngayo'y iyong iyo
Bago mag-alala nais kong malaman mo
Ooh
Oh kay tagal kitang hinanap
Oh kay tagal ko ring nangarap
Na makapiling ka
Oh aking mahal...
Pangakong hindi ka iiwanan
At hindi pababayaan
Oh anong saya ang nadarama
Oh anong saya ang nadarama
Nawala ang ngiti sa labi ko when all I can see was her. Only her. And I can see a rainbow and butterflies as her background.
"f**k!" I hissed to my self.
Akala ko ay 'di pa handang
Muling tumibok ang damdamin
Ngunit bigla kang dumating sa buhay ko...
Agad kong ipinilig ang ulo ko at dali dali kong inioff ang radio. At basta ko nalang hinablot ang salamin ko sa mata at isinuot ulit. This is not happening to me. It can't be. Sumimangot itong nagpapadyak sa loob ng sasakyan ko. Ako naman ay hindi ko ito pinansin at nag umpisa na ulit akong magmaneho.
"Ang KJ mo!" Sabi pa nito. Umismid ako.
"It's my damn car. I will do whatever I wanted to do." Inis na sagot ko.
"Wahhhh! English na naman! Bakit hindi mo ba nagustuhan iyong kanta? Team song ko sayo iyon!" Giit nito.
"Team song? Ano ka teenager?"
"Aba, ikaw na nga lang hinaharana ko ayaw mo pa? Ganda ko kaya." Sabi pa nito and she even flipped her hair. I smirked.
"Pinaghirapan ko pa namang piliin iyon. Ang ganda ganda ng lyrics. Patok na patok sa ating love story." Dagdag nito
Habang tumatagal ko itong kasama parang nagugulo ang isip ko. Pati t***k ng puso ko ay nakikisama sa gulo. I sighed. Hindi ko na ito kinausap kahit daldal ito ng daldal hanggang sa makarating kami sa bahay. Napangiwi ako ng magmura ito.
"Anak ng teteng! Ang gaganda ng mga bahay dito! Yayamanin! Magkano kaya ang bahay dito kapag bumili?" Tanong pa nito. Ngumisi ako sa kanya.
"Bakit? Bibili ka?" Hamon ko dito. Ngumisi din ito sa akin.
"Oo! Bakit? Akala mo ikaw lang mayaman?! Mayaman ako. Huuu! Anong akala mo sa akin poor? Hoy, rich din ako. Magkano ba iyan oh?" Tanong nito sabay turo sa isang bahay na nadaan namin sa loob ng subdivision.
"That simple house cost 50 million." Mayabang na sabi ko.
Natawa ako ng halos lumuwa ang mga mata nito sa sinabi ko.
"50 million?!" Malakas na tanong nito. Tumatawang tumango ako. Nagbilang ito sa daliri at saka umirap sa akin.
"Kayo na mayaman. Ako na ang puro barya ang pera." Nakaingos na sabi nito.
Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa bahay ng hindi na ito nagdadaldal. Pero naririnig ko pa rin itong paulit ulit na sinasabi kung ano ang mga pwedeng bilin sa 50 million. Napapangiti nalang ako ng palihim dito. She was really weird.
"Wow? Boyfriend bahay mo ito?" Tanong nito ng makapasok na kami sa bakuran ng bahay ng mga magulang na.
"Nope, sa parents ko. And please, tell her the truth. Na wala tayong relasyon at hindi kita girlfriend. I know my mother. Hindi siya titigil na mapakasal ka sa akin kapag nalaman na girlfriend kita kahit hindi." Malumay na paliwanag ko dito.
Tinitigan ako nito at maya maya ay sumimangot. Humalukipkip pa ito.
"Ayoko nga. Boyfriend naman talaga kita. Sa kasalan din naman mauuwi ang pagmamahalan natin. Teka lang, hindi ko kase dala iyong ebidensya ng pagmamahalan natin." Nakangising sabi nito.
"You will tell her the truth. Kung hindi ipadadampot kita sa mga pulis." Pananakot ko dito.
Lalong nalukot ang magandang muka nito. Oo inaamin ko maganda siya kahit brusko siyang kumilos.
"Oo na. Oo na. Sasabihin ko na kay mother-in-law." Nakaingos na sabi nito.
"Good." Sabi ko dito at nauna na akong bumaba ng sasakyan.
Hindi ko naman na ito kailangan tawagin dahil kasunod ko na agad ito. Nakangisi ito ngayon sa akin. She have a ridiculous smile on her face.
"Sus! Nagandahan ka na naman sa akin! Huwag ganon boy! Nalalaglag iyong panty ko! Wala pa naman yatang garter iyong suot ko kaya maluwag na." Tinapik tapik pa ako nito sa balikat.
Napatutop nalang ako sa nuo ko sa paraan ng pagsasalita nito.
"Mattheo anak!" Napangiwi ako ng marinig ko ang boses ni Mama.
Napakunot ang nuo nito na tinitigan ang babaeng kasama ko.
"Uy, mother-in-law, goodevening po." Nagbless pa ito sa natulala kong ina. "Kamusta po kayo? Hindi naman po sinabi ni boyfriend na ang ganda ganda at ang bata bata pa ng nanay niya. Para lang po kayong magkapatid." Sabi pa nito.
Napamaang ako ng yakapin ito ng Mama ko at mukang tuwang tuwa dito. At inaya pa itong maupo sa sofa na naroon. Itong babae naman na whatever her name is ay ngumisi pa sa akin.
"Naku, pasensya kana dyan sa anak ko, hija. Napaka stiff kase niyan. Puro nalang trabaho." Sabi pa ni Mama.
"Naku, okay lang iyon Madame-"
"Call me Mama, tutal ay girlfriend ka naman na ng anak ko." Dagdag ng Mama ko.
"Iyon nga po Mama, okay lang po talaga. Sanay na po ako kay boyfriend. Mahiyain po talaga siya. Pero kahit boring po siya e, mahal na mahal ko iyang anak nyo!" Sabi pa nito.
"Hey! What are you talking about? Di ba ang usapan natin sasabihin mo kay Mama ang totoo?" Inis na sabi ko dito at hinaklit ko ang braso nito.
"Mattheo Andrew! That is not the proper way to treat a woman!" My Mama hissed at me.
"Ma! Wala kaming relasyon! Ni hindi ko nga siya kilala! Alam ko na alam nyong nagsisinungaling siya!" Inis na sagot ko.
"Huwag ka naman ganyan boyfriend. Alam ko naman na hindi ako sosyal manamit. Hindi rin naman ako mayaman. Hindi rin ako matalino at nakapagtapos ng pag aaral. Pero huwag mo naman akong ikatwa sa nanay mo. Ang barya ko hindi basta basta nauubos pero ang pasensya ko sayo konting konti nalang!" Sabi pa nito at nagpahid ng luha sa mga mata. Napailing ako.
Kung hindi ko lang alam na magaling itong umarte maniniwala ako na nasaktan ito sa sinabi ko.
"Oh, hija. Don't cry. Hindi naman sinasadya ng anak ko. Pagpasensyahan mo na siya. Ako na ang humihingi ng paumanhin." Sabi pa ng Mama ko.
"Ma!" Apila ko.
"Shut up, Mattheo!" Pinanlakihan ako ng mga mata ni Mama.
Lalong nalukot ang muka ko ng sulyapan ko itong babaeng weirdo at binelatan pa ako. Mukang tuwang tuwa ito sa nangyayari.
"Boyfriend, sabihin mo na kase kay Mama. Huwag mo naman akong ikahiya." Sabi pa nito. At bumaling sa Mama ko na halatang halata ang amuzement sa mga mata.
"Oh, oww!" Nasabi ko nalang.
"Mama, mahiyain po kase itong anak nyo. Pero ako po talaga ang girlfriend niya. Totoo ho. Wala pong halong joke. Nahihiya po siyang ipakilala ako dahil hindi nga po ako nakatapos ng pag aaral tapos mahirap pa po ako. Tapos wala na po akong mga magulang. Nagflylalu na po sa heaven at kainuman na si San Pedro. Kaya po iniisip namin na baka hindi nyo ako matanggap para sa anak nyo. At baka isipin nyo po na pera lang ang habol ko. Pero mahal na mahal ko po siya tagos hanggang bituka." Patuloy na daldal nito.
"Oww!" Manghang manghang sabi ni Mama at binigyan ako ng makahulugang ngiti. "Don't worry hija. Ngayon palang, gusto na kita para sa anak ko. Welcome to the family." Sabay yakap nito sa babae.
Ngayon ko talaga masasabi na nasa malaki akong gulo. At nasa malaki akong laro. Ito namang babaeng ito may ngiting tagumpay.
"Ano nga palang pangalan mo hija?" Tanong pa ni Mama.
"Maria Angelette Sta. Maria!"