Akala ko ay tapos na ang kalbaryo ko ng makilala nito ang Mama ko pero dumating pa si Papa at nakisali sa gulo. Talagang ikinansela daw niya ang meeting niya para makilala ito. Mukang tuwang tuwa ito sa nangyayari. At sa babaeng kaharap namin ngayon sa hapag kainan. Oo inimbitahan siya ng parents ko na dito kumain ng hapunan. Na talagang hindi niya tinanggihan. Napapailing nalang ako dito kapag mapapatingin ito sa akin at saka ngingisi. Katabi kase ito ni Mama kaya katapat ko siya. "Bagay na bagay talaga kayo nitong si Matt, Maria." Sabi pa ni Mama at ipinaglagay pa nito ng wine sa baso niya si Maria Angelette Sta. Maria. "Sinabi mo pa, mahal. Sawakas may ipinakilala na rin sa aming girlfriend itong unico hijo ko. At hindi na kami magtataka kung magpapakasal man kayo." Dagdag pa ni Pa

