Part 11

4106 Words

Kanina pa ako dito sa library daw ito ng bahay nila boyfriend. Ibang klase talaga ang mayayaman. May palibrary library pang nalalaman. Akala ko dati sa mga eskwelahan lang uso ang mga ganito. Pero hindi pala, dinaig pa iyong national library sa dami ng libro dito. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit lumabo ang mata ng anak nila. Siguro binasa na halos lahat dito ni boyfriend ang mga libro. Ang kakapal pa naman. Samantalang ako pag nakakita ng makapal na libro nahihilo na ako. Basahin pa kaya? Sila na! "Mada-" "Mama, Maria. Mama." Sabi ng Mama ni boyfriend. Napangiwi akong tumingin sa gawi nito. Matama itong nakatitig sa akin. Talagang pinanindigan na nito na ako ang mamanugangin niya at talagang pinatigas niya na tawagin ko siyang Mama. "Teka lang naman po. Huwag nyo naman po akong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD