bc

Liwanag Sa Dilim

book_age18+
96
FOLLOW
1K
READ
murder
dark
billionairess
gangster
tragedy
twisted
others
abuse
mxm
seductive
like
intro-logo
Blurb

Madilim na ang paligid. Tanging ang buwan na lamang sa kalangitan ang siyang naging ilaw ko upang makita ang daan.

Wala na ring mga tao sa labas. Lahat ng mga bahay at establisyemento ay nakasara na.

Tanging ako na lamang ang narito at patuloy na naglalakad.

Puno ng mga pasa ang katawan ko. Ang damit na suot ko ay gula-gulanit. Wala rin akong suot na pang-paa. Hinang hina ako.

Hindi ko alam kung saan patungo ang mga paa ko. Wala akong tiyak na destinasyon.

Basta ang tanging nasa isip ko lamang ay makaalis sa purgatoryong pinanggalingan ko.

Kung saan ang dating malinis na ako ay puno na ng dumi. Hindi literal na dumi. Kundi dumi sa aking pagkatao at dignidad.

Hindi ko alam kung sa daraanan ko bang ito ay may maaaninag akong liwanag– na siyang sasagip sa akin mula sa purgatoryong aking pinanggalingan.

Liwanag Sa Dilim

written by: talklikeaboss

All rights reserved.

2022 ©️

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 "Ruben, bumangon ka na nga riyan. Maaga pa tayong pupunta sa pamilihan ng mga isda." Sigaw sa akin ni Nanay sa labas ng aking kwarto. Kahit na gusto pa ng katawan ko na matulog at humilita, hindi naman pwede. Kailangan ko ng bumangon dahil paniguradong dakdak na naman ang aabutin ko sa aking nanay. Pagbangon ko sa higaan ay agad ko itong inayos. Tapos ay lumabas na ako sa aking kwarto. Nagtungo ako sa kusina upang maghilamos ng mukha at mag-toothbrush. "Ruben, huwag ka ng mag-almusal. Mahuhuli na tayo. Baka wala na tayong maabutan na sariwang mga isda." Sabi pa ni nanay habang inaayos ang mga gamit na dadalhin sa pier. Alas tres ng umaga nagsisimula ang araw namin ni Nanay. Kailangan naming gumising ng maagang maaga upang magtungo sa pier para umangkat ng mga isda na amin namang dadalhin sa palengke at ititinda. Ako na lamang ang katuwang ni Nanay sa buhay kaya wala akong choice kundi ang tulungan ito. Noong disiotso anyos ako ay namatay ang aking ama dahil sa isang malubhang sakit. Noon ay may kaya pa kami dahil isang seaman si Tatay. Lahat ng gusto ko'y nakukuha ko. Pero mula nang nagkasakit si Tatay, unti unti kaming naghirap. Lahat ng naipundar nila ay unti unting nabawasan para gamitin sa pampagamot ni Tatay. Kaya heto, 'yung dating marangyang buhay na mayroon kami noon ay nawala na. Mabuti na lamang nga bago mamatay si Tatay ay nakabili na sila ng pwesto sa palengke na siyang aming pinagtitindahan ng isda sa loob ng limang taon. "Ano ba, Ruben? Tutunganga ka na lang ba riyan? Hala, sige na! Lumabas ka na ng bahay. Susunod na ako." Doon ako nabalik sa huwisyo nang pansinin ako ni Nanay. Kinuha ko na ang mga dadalhin naming banyera sa pier at lumabas na ng bahay. Ilang saglit lang ay nakalabas na rin ng bahay si Nanay. Isa isa na naming sinakay sa owner jeep ang mga banyera. Pagdating namin sa pier ay hindi na magkandamayaw ang mga tao. Rinig na rinig mo sa parking lot ng pier ang mga sigawan at tawaran ng mga kagaya naming umaangkat rin ng isda. "Oy, Aling Marta! Halika na rito. Nakahanda na ang mga isda mo. Sinalansan ko na iyan." Tawag ni Manong Ben kay Nanay. Isa sa mga suking mangingisda namin. "Nako, Ben. Sariwa ba iyang mga isda mo? Baka kahapon pa iyan? Alam mo namang ayaw ng mga suki ko sa bilasang isda." Tanong ni Nanay habang sinusuri ang mga isda. Ako naman ay hinilera na ang mga banyerang dala namin upang paglagyan ng aming mga bibilhing isda. "Huwag kang mag-alala, Aling Marta. Mas sariwa pa sa iyo 'yan." Biro ni Manong Ben kay nanay. Nagtawanan naman ang dalawa. Matapos ang isang oras na pakikipagtawaran ni Nanay ay isa isa ko nang inakyat sa owner jeep ang mga napamili naming isda. Nang makasakay si Nanay ay mabilis kong pinaibis ang sasakyan patungo sa palengke. Sabi ng mga tao rito sa lugar namin, gwapo raw ako. Matangkad, may kayumangging balat at maipagmamalaking katawan. Sa totoo lang ay hindi ko napapansin ang mga iyon sa aking sarili. Pakiramdam ko kasi ay pangkaraniwan lang akong tao. 'Yung tipong gumigising sa umaga upang gawin ang mga bagay sa loob ng maghapon. Maski ang katawan ko ay hindi ko rin namamalayan na lumalaki na pala. Hindi ako batak sa gym gaya ng mga kaedaran ko. Nakuha ko siguro ito sa palaging pagbubuhat ng mga banyera ng isda. Sabi nga sa palengke, mas marami pa raw kaming customer dahil sa akin. Ginagamit ko raw ang angkin kong kagwapuhan para pumunta sa amin ang mga mamimili. Madalas ay mga babaeng single, matrona o mga bakla ang aking mga napagbibilhan. Hindi ko alam kung totoo ba iyon, dahil ang alam ko lang ay sariwa ang mga paninda naming isda kaya maraming bumibili sa amin. Alas kwatro y trenta nang makarating kami ni Nanay sa Pamilihang Bayan ng San Joaquin. Mabilis kong binaba ang mga banyera ng isda sa sasakyan. Nang makarating kami sa pwesto ay agad kong inayos sa tiles na mesa ang mga isda. Pinaghiwa-hiwalay ko ito at sinabuyan ng tubig. Nagsuot naman ako ng maluwang na damit na walang manggas at apron. Sa mga ganitong oras ay nagsisimula na ang araw ko sa palengke. Ako ang toka sa pagtatanggal ng hasang at paglilinis sa mga isda habang si nanay ang nag-aassist sa mga customers namin. Kasama ko rin ang pinsan kong si Buknoy na siyang katulong namin rito. Sa palengkeng ito ay marami na ring nag-alok sa akin ng kung ano ano. Madalas ay mga baklang customer namin ang nag-aalok sa akin na makipag-s*x ako sa kanila kapalit ang malaking pera. Pero hindi ko iyon tinatanggap dahil malaki parin ang respeto ko sa sarili ko. Kahit na hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo at pagtitinda lang sa palengke ang trabaho ko, hindi ko parin isinasaalang alang ang katawan ko para lang kumita ng malaki. "Nay, magpahinga na po muna kayo. Ako na ang bahala rito sa palengke. Pumunta muna kayo kay Aling Lucy para mag-almusal. Dalhan mo na lang ako ng kape rito." Sabi ko kay Nanay na kasalukuyang nag-aayos ng aming paninda. "Mabuti pa nga, anak. Wala paring laman 'tong tyan ko. O, sige. Ikaw na munang bahala riyan." Sagot naman ni Nanay. Sakto namang pag-alis ni Nanay ay dumating ang matagal na naming customer na si Jillian. "Hi, Papa Ruben." Bati nito. Ngumiti naman ako sa kanya. "Anong sa'yo, Jillian?" Tanong ko rito. Natigil ako sa ginagawa ko nang hawakan ni Jillian ang kamay ko. Napatingin ako rito. Malagkit naman ang pagkakatitig sa akin ni Jillian. "Pwede bang akin ka nalang?" Sagot nito habang naka-kagat labi pa. Napa-nganga ako sa sinabi niya. Kung hindi pa ito muling nagsalita, baka naestatwa na ako sa kinatatayuan ko. "Joke lang! Eto naman." Sabi pa nito sabay hampas sa braso ko. "Syempre, alam mo na. Dalawang kilong tilapia, dalawang kilo ring galunggong. 'Yung malalaki, ha? Kasing laki ng muscle mo." Dagdag nito na may kasama pang pagkindat ng mata. Napabuntong hininga nalang ako at inasikaso ang mga binibili ni Jillian. Si Jillian ay dating japayuki. Noong mamatay ang asawa nitong hapon, hindi na siya muling nakabalik ng japan. Kaya naman nagtayo na lang ito ng karinderya na malapit rito sa palengke. Masarap ang mga lutong ulam ni Jillian kaya doon kami madalas kumakain ni Nanay kapag hindi kami nakakapagluto ng pagkain namin. Isa si Jillian sa mga babaeng nagkakandarapa raw sa akin. Pero hindi ko binibigyang pansin iyon dahil malaki ang respeto ko sa kanya. Para na rin kasing ate ang tingin ko rito dahil sa agwat ng edad namin. Kaya kahit anong pagpapapansin ang gawin niya ay hindi ko nalang binibigyan ng kulay. Iniisip ko na lang na nagbibiro lang ito. Gaya ng ginawa niya kanina. "Heto na, Jillian. 450 lahat." Sabi ko rito at inabot ang dalawang supot ng isda. Ngumiti naman ito sa akin habang inaabot ang 500 pesos. "Keep the change." Sabi pa nito. Kumindat pa ito sa akin bago tuluyang umalis sa pwesto namin. Napabuntong hininga nalang ako. Araw araw ay ganito ang nae-encounter ko sa palengke. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin at gustong gusto nila akong matikman. Pakiramdam ko nga'y ang dumi dumi ko't ang baho dahil sa uri ng trabaho ko. Pero parang wala silang pakialam sa panlabas kong anyo. Kaya tinatawanan ko nalang sila kapag binibiro nila ako ng ganun. Hindi pa ako handang ibigay ang p*********i ko kung kani kanino. Dahil gusto ko itong ilaan para sa una at huli kong magiging nobya. "Oh, Ruben. May benta ka na ba?" Hindi ko namalayan na narito na pala sa pwesto si Nanay. "Ay, 'nay. Kayo pala. Opo, meron na." Sagot ko rito. Inabot naman sa akin ni Nanay ang isang cup ng kape. "Mabuti naman kung ganun. Mamaya nga pala'y uuwi ako ng maaga. Ikaw na munang bahala rito sa palengke. Masakit ang ulo ko. Kagabi ko pa ito iniinda." Dagdag ni Nanay. "Ganun po ba? E, bakit hindi nalang kayo umuwi ngayon, 'nay? Baka mas lalong lumala ang sakit ng ulo mo kapag nagtagal ka pa rito. Tsaka, kaya ko naman po. Ipapahatid nalang kita kay Buknoy." Nag-aalala kong sabi. Ilang araw na ring iniinda ni Nanay ang pagsakit ng ulo niya. Sinabi ko na sa kanyang ipacheck up niya na iyon pero ang lagi niya lang dahilan ay dagdag gastos lang daw iyon. Senior Citizen na si Nanay kaya prone na ito sa mga sakit. Kaya hangga't maaari ay ako na lamang ang tumatao rito sa pwesto. "Hindi na, anak. Dito na muna ako. Mamaya'y biglang dumagsa ang mga tao." Depensa pa ni nanay. "Nay, huwag ng makulit. Nandito naman si Buknoy para tulungan ako pagkahatid sa inyo. Sige na po." Pangungumbinsi ko. Hindi rin nagtagal ay napapayag ko si Nanay na umuwi na muna ng bahay. Sakto naman ay nakarating na rin ang pinsan kong si Buknoy. "Ihatid mo agad si Nanay sa bahay para makapagpahinga." Utos ko rito at binato sa kanya ang susi ng sasakyan. "Areglado, boss." Sagot nito at inalalayan si Nanay palabas ng palengke. Nang makaalis si Nanay at Buknoy ay nagdatingan naman ang mga suki namin. Isa sa mga inassist ko ay baklang parlorista na si Anne. May-ari siya ng salon na malapit lang din rito sa palengke. Kapag humahaba na ang buhok ko ay si Anne ang gumugupit sa akin. Minsan na nitong nahawakan ang b***t ko habang ginugupitan ako. Galit na galit ako sa kanya noon. Muntikan ko na nga siyang masuntok. Kung hindi lang ako naawat ng mga kasama niya ay baka napatay ko na ito. "Hi, Anne. Anong sa'yo?" Bati ko rito. Tipid na ngumiti sa akin si Anne. "S-sa iba nalang ako bibili. Wala pala si Aling Marta." Sabi nito na parang may takot. Pinigilan ko ito sa tangka niyang pag-alis. Tumingin naman ito sa akin ng may pagtataka. "Pasensya ka na pala sa nagawa ko sa'yo kamakailan. Dala lang ng bugso ng galit 'yon. Pasensya ka na." Paumanhin ko rito. Kahit na wala akong kasalanan sa nangyari, ako na lang ang humingi ng dispensa sa kanya. Mula kasi nang mangyari ang hindi inaasahan sa pagitan namin, hindi na bumibili ng isda sa amin si Anne. Kung bumili man ay si Nanay ang napagbibilhan niya. "W-wala iyon. Kasalanan ko rin naman." Sagot nito. Ngumiti naman ako bilang tugon. "Ano nga palang sa'yo?" Tanong ko rito. Tinuro naman niya ang mga bibilhin niyang isda. Isa isa ko na itong nilinisan at tinanggalan ng hasang. Pero habang ginagawa ko iyon ay hindi matanggal ang tingin sa akin ni Anne. Nang minsang hulihin ko ang mga pagtitig nito sa akin ay agad naman siyang nag-iwas ng tingin. Napangisi nalang ako. Siguro'y hindi parin ito nakaka-move on sa ginawa niyang pambabastos sa akin. "Heto na." Inabot ko kay Anne ang supot ng isdang binili niya sabay kinindatan ito. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha ng baklang si Anne ng kindatan ko ito. Hindi na nga nito nagawang kunin ang kanyang sukli dahil mabilis itong naglakad palayo. Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya. "Oh, bakit parang kinikilig na umalis 'yong si Anne?" Sabi ni Buknoy na kararating lang. "Ewan ko." Kibit-balikat kong sagot. "Nako, insan. Baka naman bumigay ka na?" "Tarantado!" Sagot ko rito at binatukan siya. "Humingi ako ng dispensa sa nagawa ko sa kanya kahit wala naman akong kasalanan." Dagdag ko. "Ha? Dapat hindi mo na pinatawad ang baklang 'yun. Baka mamaya'y ulitin lang niya sa'yo 'yung ginawa niya." "Sa tingin mo ba'y uulitin niya parin iyon sa tindi ng takot na ginawa ko sa kanya?" Sagot ko rito. Napaisip naman si Buknoy. "Oo nga, 'no?" Si Buknoy ay pinsan ko sa side ni Mama. Kumpara sa akin, si Buknoy ang marami ng experience. Sa bakla, sa matrona o sa mga single mom pa. Bulakbol kasi ito noong nag-aaral pa. Kaya kapag walang siya pera, ginagamit niya ang katawan niya upang dumiskarte. Hindi kasi sila gaya namin noon na may kaya sa buhay. Kumbaga, isang kahig isang tuka. Kaya gaya ko'y hindi rin ito nakapagtapos ng pag-aaral at pinili nalang na magtrabaho rito sa palengke. "Oo nga pala, insan. Kilala mo ba si Tanya?" Pag-iiba ni Buknoy. Kunot-noo akong napatingin rito. "Tanya? 'Yun ba 'yung babaeng nagtatrabaho sa isang agency sa Maynila?" Panghuhula ko. "Iyon nga. Tumpak!" "Oh, bakit? Anong mayroon sa kanya?" Tanong ko rito. Matagal na nakapagsalita si Buknoy. Hindi rin ito makatingin ng tuwid sa akin. Para bang nahihiya itong magsalita. "Huy! Ano bang meron kay Tanya kako?" Tanong ko ulit. "Ano kasi," pagsisimula nito habang napapakamot sa ulo. "Inaalok niya kasi ako ng trabaho sa Maynila. Waiter raw sa isang sikat na restaurant. Triple raw ang sahod at may tip rin." Sagot nito. "So? Aalis ka rito sa palengke?" Napakagat-labi si Buknoy. "Kung okay lang sa'yo. Pero kung hindi, okay lang rin naman." Natawa ako sa sinagot nito. "Ano ka ba, insan? Syempre, ayos lang sa akin. Okay nga iyon, e. Atleast malaki ang sahod mo. Makakapagpadala ka ng pera sa Nanay mo. Ayos lang sa akin iyon. Walang kaso–" "Ruben! Ruben!" Naputol ang pagsasalita ko nang humahangos patakbo sa pwesto namin si Delilah, ang kapitbahay naming kumare ni Nanay. "Oh, bakit Delilah?" Kunot-noong tanong ko rito. "Ang nanay mo... natumba at walang malay." ~~~~

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.6K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.1K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

Lick It Harder (SSPG)

read
38.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook