Chapter 6

1159 Words
I plotted another plan. I will cook for baka sakaling kapag nalaman nilang nag-effort ako baka mas mahiya sila at sabayan akong kumain. I know how to cook. Living with two guys in the house requires a lot of motherly instinct. Kahit palaging nandyan si Nana para sa amin, sinikap pa rin naming matuto sa mga gawaing bahay para kahit konti may maitulong din kami kaya Nana. I will cook sinigang na hipon, adobong manok at sinabawang gulay. I love these dishes,these are my  mom’s favorites. Hinanda ko ang mga kakailanganin ko sa pagluluto. Tinutulungan parin naman ako ng house help nila but I chose to do most of the stuff. Sinisimulan ko nang ayusin ang mga niluto ko sa table nang biglang pumasok si Tanner sa kusina. “Uh, you cooked? I ordered foods.” “What? You are wasting your money. Ang dami niyong pwede lutuin sa bahay.” Disappointed na sagot ko. “I didn’t know that someone will cook for us. We usually order foods for dinner.” “Okay.” Inayos ko pa rin ang mga niluto ko sa mesa pero dahil nawala na ako sa mood, sinabi ko na lang kay manang na kapag wala pang bumaba para kumain ay sila na ang kumain sa niluto ko. Pumasok na ako sa kwarto kahit hindi pa ako kumakain sa kadahilanang nawalan na rin ako ng gana. I just took a warm bath. I checked my social media accounts and slept afterwards. Linggo ngayon at maaga akong gumising para magsimba. Napag-usapan na namin ni Aries na magkita na lang kami para kumain at gumala for today. Hindi na ako nagpaalam pa sa tatlo kasi alam kong tulog pa sila. Masama pa rin ang loob ko sa nangyari kaya minabuti ko nang maagang umalis sa kanilang mansion. Pagkatapos nang Sunday mass, nagkita kami ni Aries sa isang Korean Restaurant malapit sa mall para kumain pagkatapos namin kumain ay diretso na kami sa arcade. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng maka-receive ako ng messages galing kay Prince at Arjo. From: Prince Maaga ka raw umalis, saan ka? Gala tayo. From: Arjo I know you are with Aries now. Tell me where you are. ASAP. From: +639999999 Where are you? You can’t just leave the house like that. You are under our roof, so you can’t just make all the people in the house worry this early. Alam kong kay Tanner galing yung huling text. Si Prince na lang ang nireplyan ko and told him to relay the message. To: Prince I attended my usual Sunday mass. I’m with Aries sa mall, near the university. I am fine, uuwi ako before dinner maybe. No need to worry. Nasa kalagitnaan ako ng paglalaro sa basketball dito sa Quantum nang biglang may umakbay sa akin. So sobrang gulat ko sa kanya ako nabato yung bola, sapol pa sa gwapo niyang mukha. Hindi ko akalaing susundan niya ako rito. “Let’s go.” Aya neto sa akin na hawak ang pisngi na niya doon siguro nalakasan ang tama ng bola. “Hala, ginagawa mo po rito?” magalang na tanong ko sa kanya. I never used kuya to address him because I just don’t want to. “Busy si Prince at Arjo sa mga school works. Uh, they told me to fetch you here.” “No need to do that po. I don’t want to be a burden to you three and I have company naman. I cannot ditch him coz he cleared his schedule for me too.” “Uh, okay. I’ll just go with you two, then.” “Luh, ano ka third wheel?”  “Third wheel, then.” Imbis na mag-enjoy kami ay naging kompetisyon ang nangyari. Sa mga laro sa Quantum hanggang sa kainan. “Saan tayo kakain?” tanong ko sa dalawa. “Sa Rileys na lang Hyacinth. I know you love their foods there.” “No, let’s try the Italian restaurant near Abys.” Sabat naman ni Tanner. Naasar na ako sa pagpipilitan ng dalawang kaya minabuti ko na lang na kumain sa Jollibee. Mas tipid pa. Iniwan ko silang dalawa at diretso akong pumasok ng Jollibee. I ordered palabok with chicken. Nakita ko sa pila si Tanner pero si Aries hindi na. So, I texted him. To: Aries Hey, sorry. Bawi ako sa university kapag nagkita tayo. Where are you na? From: Aries It’s alright. I have an emergency kaya di na ako sumunod. Basta bumawi ka a. Pucha! Badtrip ‘yang Aceres na ‘yan ha. Lahat na lang ba ng Aceres, annoying. Lol see you at univ. I chuckled kasi talagang annoying ang Aceres sa paningin niya simula ‘nung maging crush ng kapatid niya si Arjo. Imagine your sister being head over heels to your rival. Hindi ko alam kung bakit hindi sila magkasundo halos sa lahat ng bagay. Sumasakit ang ulo ko sa dalawang ‘yon. Nakangiti kong binaba ang cellphone ko. “You seem hooked with the guy.”  . “Ha?” hindi ko na-gets pinagsasabi niya. “Hakdog!” barumbadong sagot niya sa akin. “Hakdog mo ay bilog.” Balik ko sa kanya. He just chuckled at kumain na siya. Hindi ko inexpect na kumakain siya sa fastfood. Wala sa mukha niya ang kumakain sa ganitong mga kainan e. Nakatitig na pala ako sa kanya nang magsalita siya. “What? You will just keep staring at me? Tell me if you have a crush on me, I’ll gladly accept it.” Nag-iwas agad ako ng tingin. Nagulat ako sa sinabi niya. I opened my mouth to say something pero walang lumalabas sa bibig ko. I just continued eating kunwari wala akong pake sa sinabi pero sa totoo lang bumilis ang t***k ng puso ko doon. I don’t know, I am not bragging or something but I always get those from guys pero bakit iba ang epekto nung siya na ang nagsabi. Kakakilala pa lang namin tapos puro kagaguhang encounters ang mga yun. Para na kaming nag-date dahil siya na ang kasama buong hapon sa paggala ko. Naka-shades at hoodie jacket siya na gray at maong plus naka-cap pa. Ayaw niya siguro ng issue ulit kaya nagsuot na lang siya ng pang-lowkey. Nagpunta kami sa bookstore para magtingin ng mga libro tapos sumama ako sa kanya kasi bibili daw siya ng pabango niya. Palabas na kami sa pinagbilhan niya ng perfume nang may maraming mga batang nagtatakbuhan papuntang gitna ng mall. Naitulak ako ‘nung isa na muntik na akong nasubsob mabuti na lang nahawakan niya ako. Hindi pa kami nakakayos dahil sa nangyari nang biglang siya naman ang natulak kaya bumagsak kami pareho sa sahig ng mall saktong bagsak naman ako sa kanya. Wala sa sariling nasabi ko sa kanya ang, “Your lips are sweet.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD