Alas nuebe na nang umaga pero di pa rin nakikita kahit anino nung tatlong ugok pagkatapos ng encounter sa dining kanina. Nakita kong palabas nang kanyang kwarto si Prince kaya hinarang ko siya.
"Saan punta mo?" tanong ko sa kanya.
"Swimming." Tipid na sagot niya sa akin.
"Wait. Sasama ako. Pustahan tayo. Swimming race, and matatalo may isang wish na tutuparin sa panalo. Deal?"
"Bakit nararamdaman kong may kagaguhan kang gagawin?"
"Pinagsasabi mo? I am just bored ah. Ayoko naman lumabas ngayon. Basta huwag ka madaya a."
Alam kong mahirap kong tatalunin si Prince dito kasi varsity siya nang swimming team ng university. Nagpunta na ako sa kwarto at mabuti na lang nagdala ako ng bikini dahil alam ko namang malaki ang swimming pool nila. Dumiretso na ako sa pool area nila. Prenteng nakaupo si Prince sa isang lounge doon. Nang mapataingin siya sa gawi ko ay biglang nalaglag ang kanyang panga. Alam ang itsurang ganito ni Prince.
"Laway mo. Epal mo." Mapang-asar kong saad.
"Pinagsasabi mo?" Sagot niya ng makabawi siya.
"Ano? G na?"
"Tara."
Nagsimula na kaming magpaligsahan ni Prince. Kailangan kong maipanalo 'to dahil kung hindi wala na hindi ko magagawa ang aking misyon. Hindi ko alam pero nawalan ng competitive powers si Prince dahil natalo ko siya. He will never ever accept defeat kung swimming ang pag-uusapan.
"Yey! Panalo ako. Grant my wish!"
"Magbihis ka na nga!"
"Biglang naging masungit. Hmp. Bat ka nagpatalo? Lumaban ako fair and square ha."
"I can't concentrate, okay? Why do you have to wear that one of shit."
Nalaglag ang panga ngayon sa sinabi niya.
"Bikini tawag dito tanga."
"I don't care. Magpalit ka na nga. Sabihin mo na lang 'yung wish mo mamaya."
Naguguluhan ako sa lalaking 'yun. Biglang nagsusungit na parang first time niya akong makitang naka-bikini.
Prince is the happy-go-lucky type of guy, akala niya yata joke ang lahat. He's tall with a very athletic type of body. Walking heartbreak ang nickname niya sa campus. Basta nakapalda kasi papatusin niyan. Kung kilala mo siya kahit siguro naka-serious mode siya, alam mong in just a flick of a finger may kagaguhang gagawin 'yan.
Bumaba na ulit ako. Nakita kong naghahanda si manang ng meryenda at sinabi niyang para kay Arjo iyon na nag-aaral sa garden nila. I offered help, ako na ang nagdala ng meryenda para sa kanya.
"Arjo, Meryenda. Tsaka about yesterday, sorry talaga. I didn't know." Nakangiting sabi ko sabay upo sa tabi niya.
"It's okay. I know better now. Pupuntahan ko na naman sana siya after kitang mahatid dito sa bahay but my friend texted me that she's with another guy na. Wtf, right? I am just thirty minutes late if ever but she has another guy na."
To ease the situation tinanong ko na lang siya tungkol sa readings niya. Sinasagot niya naman ako pero nasa binabasa niya pa rin ang mata. I just watch him read his readings. He is bound to law school kaya he studies a lot. He never gets tired of seeing makakapal na libro. He always stays in the library but he still has a very wide social life. Hindi ko alam kung paano niya nagagawa 'yun.
"Hindi ka pa napapagod mag-aral nang mag-aral?"
"Nope."
Kinuha ko ang librong hawak niya at hinila ko siya papuntang loob ng kanilang bahay.
"Let's play." Hamon ko sa kanya.
He chuckled, "What are you? A kid?"
"Sige na. Bored na ako dito sa mansion niyo oh. Gusto ko sanang lumabas kaso hindi naman available si Aries ngayon."
Si Aries ay blockmate ni Arjo. Aries is his rival, simula high school pa lang kami sila na ang laging naglalaban sa school. You will never have a chance to step into their world kapg nagpapagalingan sila. Pero I end up being friends with them. Aries was my kuya Maru's friend kaya naging friends kami.
"Do not go out with that guy." Matigas ne'tong sambit.
"So let's play chess, then."
"Boring"
"So, anong gusto mong laruin?"
"Bahay-bahayan." He chuckled again.
"Ulol!" binatukan ko siya.
"Bato-bato-pick na lang. Unang makapunta sa dulo ne'tong napakahabang hagdan niyo ang magiging panalo. Ang panalo ay may premyo. And the winner will decide. Okay?"
"Hays, bata pa ba tayo? Pero sige na nga. Whatever makes you sleep at night."
Tuwang-tuwa ako nang pumayag siya. He just can't resist me. Nanalo ako kasi dinaya ko siya sa pamamagitan ng pagbanggit-banggit ko sa pangalan ng kapatid ni Aries na matagal na niyang crush. He can't tell his feelings towards her because his ego is saying no. Nakasimangot na bumalik sa garden si Arjo. Kinuha na niya ang kanyang gamit at lumipat na sa study para doon na mag-aral. Two down, one more to go.
Si Tanner na lang ang hindi ko pa nakikita kaya't talagang hinanap ko siya para paglaruin siya or whatever that will make him turn a favour to me. Thirty minutes bago ko siya nahanap sa isang stockroom sa kanilang bahay. Marami siyang gamit doon. Old stuff like his childhood toys, isang motor na mukhang matagal nang hindi ginagamit, tools at mga libro. Hindi ko pa siya masyadong kilala kaya hindi ko alam kung paano ko kukunin ang loob niya.
"What do you need?" tanong niya.
"Hmmm. I can I ask a favor?"
"Yeah, what is it?"
"Can we play?"
Inirapan niya ako, "Are you a kid? Get out."
"Luh, suggestion ko lang naman. Bored na bored ako sa bahay niyo e. Ang laki-laki ne'to tapos parang walang kabuhay-buhay. Wala man lang kahit ni isang family picture."
"Okay, do you play Call of Duty?"
"Oh! Yes sir. Anong rank mo na ba sir?"
"Legendary." Walang emosyong sagot niya.
"Aguy! Taas."
"Are we going to play or what? I have work here. Don't waste my precious time."
"Okay na."
We set our game, 1v1 on Killhouse. Wala, failed na ako sa part na 'to.
"You should practice. You're so weak."
I mimicked what he said. Natatalo ko nga minsan 'yung mga kapatid ko nang ganito kahit Legendary na sila pero iba 'tong lalaking 'to. Malakas, pwedeng magpabuhat kapag kakampi mo siya. I'll try that in the future.
"Do you want to pay your debt to me now?"
"Ah yes. I will give you the money later."
"I don't need the money naman. Can you just eat lunch with me?"
"What?"
"Please."
"Okay."
Naawa na siguro siya sa itsura ko kaya pumayag na siya. Ang tagal niyang kumbinshin. Kailangan pang gamitan ng major pa-cute. Ang gwapo niya talaga kahit masungit. Anak nang pating na lalaking 'to parang walang flaw sa katawan.
Dahil nakumbinsi ko na si Tanner, pinuntahan ko na si Prince na ngayon ay nanonood sa Netflix ng Crash Landing On You. Don't get the wrong idea, natuto lang silang manood ng KDrama dahil sa akin. Sinabi ko na sa kanya ang wish ko.
"Eat lunch with me."
"'Yung lang? Kailangan mo pang makipagpaligsahan sa akin sa swimming? Aba, matindi. Or you just want me to see your body ha?"
"Luh, ulol! Bakit ko gugustuhing ipakita sayo ang katawan ko? Tanga ne'to."
"I don't know, maybe you like me?"
"Eww. Mandiri ka nga sa mga sinasabi mo. Tse, basta lunch ha."
Iniwan ko na si Prince na kung ano-ano ang sinasabi. Hindi ko siya maintindihan. Simula nung galing kami sa bar nung nag-celebrate kami nung success ko. Naging extra na siya. Parang anytime masusuka ako sa diri sa mga ginagawa at sinasabi niya.
Kumatok ako sa study kasi doon ko huling nakita si Arjo.
"O! Ano na naman?"
"Your consequence for losing to me is..... tententanan! Have lunch with me."
"Oh bakit? Di ka sasamahan ni Prince? Doon ka magpasama. Always available 'yun para sayo except kahapon kasi takot daw bumagsak. Ikaw ba naman ang batuk-batokan at hahamunin ng siraan ng friendship kapag bumagsak, edi matatakot talaga ako."
"Whatever. Lunch."
It is already 12:30 PM, nakapaghain na ang mga house help nila ng lunch kaya sinabi ko na pakitawag na 'yung tatlo. Sobrang hesitant pa niyang pumunta kaya I assured her na pupunta ang mga 'yun. Unang dumating sa dining area si Prince na umupo kaagad sa tabi ko.
"Wow, lunch date ba 'to?"
Inirapan ko lang siya.
Sunod na pumasok si Arjo na nakapamulsa. Nagulat siya nang makitang nakaupo na sa tabi ko si Prince.
"Ay sumasapaw." Baling ni Prince kay Arjo.
"She invited me to have lunch with." Sagot naman ni Arjo kay Prince.
Nagtatalo ang dalawa nang biglang pumasok si Tanner sa dining area.
"You have company to eat your lunch, why do you still need me here?"
Tumahimik naman ang dalawa.
"Settle down, let's eat." Ngumiti ako sa kanilang tatlo.
"Hindi pa pala ako gutom." Saad ni Prince sabay tayo sa upuan at lumbas na nang dining.
"Madami pa akong aaralin, Hyacinth. Papadala ko na lang kay manang 'yung lunch ko sa study." Ngiti ni Arjo sa akin bago lumabas.
"You can't let us three eat together unless you have grandpa with you. Stop trying so hard."
Diretsong puna ni Tanner bago ako tapikin sa balikat at iniwan din ako.
I am devastated. How can they not be grateful that they are eating good foods with their family? Nakakalungkot na ang yaman-yaman nila pero ganun ang asta nila sa harap ng grasya. Never lost hope is my motto so I decided to try again to convince them to eat dinner.