Chapter 4

1254 Words
Thanks God it's Friday. Sobrang busy namin the whole week dahil sa deadlines. Maaga ang uwian ngayon dahil nag-overtime naman daw sila kahapon. Nasa lobby ako nang tinawag ako ni Arjo. "Hyacinth!" "Oh, napadpad ka dito?" "Wala kang pakialam, amin naman 'to." "Okay?" "Okay." Nasapo ko na lang ang noo ko sa sagot niya. Minsan talaga ang sarap niyang kausap. I swear. Try niyo, masaya siya. "Let's go to your house. Pack your things that are good for a week." "Anong meron?" "You didn't know?" "Magtatanong ba ako kung alam ko? Bobo ne'to." "Talino mo a." Sagot na naman niya. "Bakit ba ang sungit mo? Meron ka ba?" Ngisi ko sa kanya. "Check your phone." I checked my phone. Nakita ko ang text ni kuya Maru doon na sinabi niya na may business trip sila sa Milan. Isang linggo silang mawawala ni kuya Marvin dahil kikitain din daw nila ang mga target investors nila expansion ng business ni daddy. Sinabi din niya na wala din si nana ngayon sa bahay dahil may importanteng lalakarin daw siya para sa pamangkin niya. "Okay lang naman na sa bahay na lang ako, Arjo. No need to babysit me, I can manage naman. Tsaka alam ko busy ka sa pag-aaral mo kaya ayoko din makigulo sa condo mo." "Hindi na ako sa condo nakatira. Sa Magnate Mansion na." Walang emosyong sagot ne'to. "Hala, nakakahiya. I can manage naman e." "Kukuha ka ba ng gamit mo o kakaladkarin na kita rito?" "Bakit ba ang sungit mo?" Inis na tanong ko sa kanya. Kanina pa siyang wala sa mood makipag-usap sa akin. Hindi naman siya ganyan e. "Wala. Sumama ka na please. Madami pa akong gagawin e." "Okay, let's go. Don't be grumpy na." Dumaan muna kami ng bahay bago pumunta sa Magnate Mansion. Ang bahay na ito ay nakalaan para sa kanilang magpipinsan. Bata pa lang nakakapunta na ako dito pero ngayon na lang ulit ako nakabalik ng matagal dahil simula nung mag-college sila Prince at Arjo they moved out. Siguro dahil kompleto na silang tatlo na nasa Pilipinas kaya bumalik na sila sa mansion. Kumain na kami sa labas kaya tinulungan na ako ni Arjo na dalhin ang gamit ko sa guest room na inihanda para sa akin. There are many changes inside the house, ang dating vintage style ne'to ay ginawa nang modern. Mukhang bago na din ang mga chandelier dito. Nang maayos ko ang mga gamit ko, I wash my body and do my night skincare routine. I aslo updated my brothers na nandito na ako sa mansion ng mga Aceres. Hihiga na sana ako nang may kumatok sa pinto. "Hey, what's up, madlang people?" bungad ni Prince. "Kailangan mo?" "Wow, bahay mo?" Sagot niya sabay batok sa akin. "Sorry hindi ako ang sumundo sayo. May exam sa major e bawal umabsent baka bumagsak." "Kailangan ka pa nagkaroon ng paki sa grades?" "I am a changed man now." Sagot niya na sobrang proud pa. "Kaya pala grumpy si Arjo na sumundo sa akin." "May date daw kasi dapat siya pero natalo siya sa pustahan namin kaya siya sumundo sayo." Tawang-tawa pang sagot ne'to. "Hayop ka pala e. Minsan lang 'yun magkaroon nang ka-date. Hoy! Bakit mo naman ginawa 'yun? Tanga ka talaga." Yamot kong sabi sa kanya. "Sana tinawagan niyo na lang ako! I am guilty tuloy. Anong gagawin ko?" "Hayaan mo na. Kasalanan ba nating uto-uto 'yung si Arjo?" "Ano bang pinagpustahan niyo para matalo siya? Hindi naman 'yun natatalo sa 'yo e." "So, you're telling that I am weak?" "Anong ginawa mo para manalo?" "I used his weakness." Ngisi niya sa akin. "Dumbass!!!" sigaw ko sa kanya. Dahil guilty pa rin ako sa nangyari kay Arjo, I texted him. Baka nag-aaral siya at ayoko na siyang istorbohin pa. To: Arjo I am sorry. Dumbass talaga si Prince. From: Arjo It is okay. Rebound lang pala ako. Worth it naman na hindi ako pumunta lol. Goodnight. Kinaumagahan, alas otso na ako nagising. Amoy na amoy ko 'yung mga nilulutong pagkain sa kitchen. I went there very excited. Pagpasok ko ng dining room parang nasa isang buffet restaurant ako sa dami nang pagkain na nandoon. Fried and plain rice, hotdogs, bacons, eggs, French toast, milk, chocolate drinks, juice and coffee at marami pang iba. Nakakalula sa dami parang isang batalyon ng sundalo ang kakain doon. Dahil hindi ako sanay kumain mag-isa, naghintay pa ako ng ilang minuto baka bumaba na 'yung tatlo. Pero thirty minutes na ang nakalipas pero wala pa rin akong kasama sa hapag. Nagulat ang isang house help nila nang nakita hindi ko pa ginagalaw yung mga pagkain. "Hija, bakit hindi ka pa kumakain?" "I feel bad po na kakain na ako nang wala pa 'yung mga kasama ko. I mean 'yung magpipinsan." "Huwag mo nang alalahanin yun hija. Kumain kana, wala kang mahihintay sa tatlo." "Ha? Bakit po?" "Kasi hindi pa sila nagkakasamang kumain simula nang tumira na silang tatlo dito, maliban na lang kung pupunta ang lolo nila rito." "Kahit minsan po? I mean na silang tatlo lang? E, bakit po ang dami niyong niluto? Sayang naman po ang mga 'to." "May paraan na kami kung paano i-handle ang mga hindi makakakain hija. Sige na, kumain ka na. Huwag mo nang hintayin 'yung tatlo." "Sayang naman po ang mga ito tsaka hindi po ako sanay kumain mag-isa e. Pwede po bang tawagin niyo na lang po yung mga kasama niyo para sabay-sabay nap o tayong kumain. Please po, ako na pong bahala mag-explain sa kanila." Ang hirap din pilitin ni manang na tawagin ang kanyang mga kasama pero sa huli wala din siyang nagawa kundi tawagin sila. I kinda enjoyed eating breakfast with them. They have a lot of stories about their lives. I enjoyed hearing their jokes 'to. Ang street smart nila. Ang ingay namin sa kitchen ng mga Aceres. Ang saya nila kasama. I wonder if the guys ever experience this. Mga rich kid talaga. "Why are you guys so noisy?" si Tanner na papasok nang dining area na nakapang jogging attire. I think he already went for a jog because he is already soaking with his own sweat. Ang hot niya tingnan. Nakita niya ako kaya tumango na lang siya at dumiretso sa ref para kumuha ng bottled water. Nakatayo lang siya doon at pinapanood kaming kumakain. Inalok siya nang isa sa mga house help nila pero he declined. "Good morning! Ma—" naputol ang sigaw ni Prince nang makitang ang daming tao sa dining area nila. Kagigising niya lang siguro kasi gulo-gulo pa ang kanyang buhok at humihikab pa habang papasok ng dining area at may eye mask pa siya sa kanyang leeg. Nahinto siya sa paglalakad dahil siguro sa gulat. Si Arjo naman ay dire-diretso ang lakad kaya muntik na niyang mabangga si Prince na hanggang ngayon ay nakatayo parin sa bakuna ng dining area. "Bakit ka ba nakaharang sa da—okay. Good morning everyone. Eatwell." Sabi ne'to nang nakitang kumakain kami. Inalok ko ang tatlo na sumabay na sa aming kumain pero kumuha lang si Tanner ng tubig, si Prince ang umupo sa tabi ko at si Arjo naman ay nagre-fill lang ng kanyang tasa ng kape at umalis na sa dining area. I will feel very lonely in this big house for my remaining days here if the guys will continue doing this. And because I am a sucker for having a happy meal every day, I already made a decision to make these three eat meals together when they are home.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD