Sa madilim na silid kung nasaan nakagapos ang binatang si Cloud ay may dalawang anino na pumasok sa silid at pinagmamasdan ang lalaki. Kahit man nakapikit ang mga mata ni Cloud ay ramdam niya ang presensya nang dalawang taong pumasok sa silid na kinaroroonan niya. Dahan-dahang naglalakad ang dalawa palapit sa kinahihigaan ni Cloud, nang akmang hahawakan na sana ng isa ang taling nasa kamay ng binata ay mabilis na nagmulat si Cloud at malakas na sinipa ang taong ito. Napaatras naman nang kaunti ang taong ito pero nakakagulat na nakatayo pa siya ng maayos pagkatapos nang nangyari. Nagulat naman ang kasama ng nakaitim na lalaki at mabilis na nagtaas ng kamay. "Cloud! Dito kami para tulungan ka!" Sigaw ng boses babae na kasama ng lalaki Sandali napatigil sa Cloud at nakatingin lamang sa d

