Ilang linggo ang nakakalipas matapos ang malagim na nangyari kina Alex at Gladys, kaagad na nakahanap ng pansamantalang matutulugan si Alex kasama ang kanyang asawa at sina Ara at David. Gabi na at nakatulala lamang si David sa kalangitan na puno ng mga nagkikintabang mga bituin. Kumikinang ito na tila nagbibigay ng saya at pag asa ngunit lungkot at pighati ang tanging nararamdaman ni David sa mga oras na ito dahil sa nangyari sa kanyang pinakamamahal na ama. Napapatingin na lamang ang tatlo sa binata na nakatingala sa langit at tahimik na inaalala ang kanyang namayapang ama, nakakalungkot isipin na hindi man lang nailibing ang kanyang ama sapagkat nakasama na ito sa pagsunog ng bahay. Malungkot lamang na nanunuod ang tatlo lalo na si Gladys, ngunit alam naman niya na hindi siya ang kai

