Habang nag uusap ang dalawa sa may sala, si Angel naman ay may kung anong hinahanap sa loob ng kuwarto ng kanyang ina. Pagkakita niya sa litrato ay napangiti nang mala anghel ang bata pagkatapos ay lumabas kaya lang naroroon pa rin ang kanyang ina. Si Chain naman ay naiintriga talaga sa pangyayari sa buhay ng mag ina. "Naku, nakakahiya na yung pinagsasabi ko. Sige, magluluto muna ako ha? Mas mabuti pa na dito ka nalang muna kumain" sambit ni Vanessa at umalis na papunta sa kusina para magluto. "Uncle!" Sigaw ng bata Mabilis namang napabalikwas si Chain at malapit ng mahulog sa inuupuan niya na tinawanan lang nang bata. "Your so silly, Uncle" tawa ng bata. Napanguso nalang si Chain. Grabe naman kasi itong batang to, gulatin ba naman yung taong magugulatin? "Uncle" sambit uli ng bata

