Tanghaling tapat at kasalukuyang naglalakbay sa kawalan si Chain. Bakit ba naman kasi nakakalito ang left at right? Malay ba naman niya na kaliwa pala ang left at kanan ang right. Akala niya kasi ay baliktad, ayan tuloy, baliktad din ang daan na napuntahan niya. Paano na lang niya mahahanap ang dating girlfriend ng kapatid ng kanyang amo kung siya nga di mahanap kung nasaang daan na siya banda. Nakakalito talaga, bakit ba kasi left and right ang nakalagay? Pwede namang numero nalang. Ano ba yan! Nakakatawa na sa ganitong sitwasyon ay nakuha pang isisi ni Chain ang direksiyon. Hindi niya akalain na kahit sa U.S pala ay matindi din ang init minsan, pero syempre mas malala sa pinas. Habang naglalakad si Chain at patingin-tingin sa kung saan ay di sinasadyang may nakabangga siyang isang

