Sa loob ng isang madilim na kuwarto ay nakahiga si Cloud at wala pang malay, nakatali ang kanyang mga kamay sa gilid ng kanyang hinihigaan at maraming mga nagbabantay na guwardiya sa labas ng pintuan. Sa isang sulok naman ay nakaupo ang isang matandang lalaki habang nakatingin lamang kay Cloud na nakahiga at puro sugat ang buong katawan. Ilang minuto pa ang lumipas ay unti-unting nagmulat ang mga mata ni Cloud at unang nasilayan ng kanyang mata ay ang matandang matiim na nakatitig sa kanya. "Your awake" "Lolo" mahinang banggit ni Cloud at akma na sanang uupo siya ng biglang mapansin niya na nakakadena ang kanyang mga kamay. "Lolo, why--" hindi pa natatapos ni Cloud ang sasabihin at kaagad na pinutol na ito ng matanda. "You deserved that, kapag hindi ko yan ginawa ay anong balak mong

