Nang makalagpas ang lalaking humahabol kay Jenna ay napahagulhol na lamang siya. Mariin siyang napapikit at mabilis na kinuha ang kanyanh cellphone. Kaagad niyang na i-type ang numero ni Cloud at tinawagan. Kagat-kagat niya ang kuko habang nakalagay sa tainga ang cellphone habang naghihintay na sumagot ang lalaki. Mahigit apat na ring ay mabilis na nasagot ito ng nasa kabilang linya. "Hello? Jenna? Where the heck are you?!" Rinig niyang sigaw ni Cloud sa kabilang linya. "Cloud" pigil na iyak na sambit ng dalaga. "Tulong, please.....tulongan mo ko" bulong ni Jenna Nanlaki naman kaagad ang mga mata ni Cloud. "Where are you? Tell me" "H-hindi ko alam eh, basta nasa may gubat ako" umiiyak at pilit na imik ni Jenna. "Cloud, natatakot na ako. Please help me" "Calm down, just calm down.

