Mariin ang tingin ni Lerrione sa kanyang anak habang pinapakinggan nito ang sinasabi ni Alex. "Dad, please tell me the truth" Napatingin na lamang si Lerrione sa kanyang anak, hindi niya inaakalang masyadong matalino ito para mapansin iyon. "Anak, I-" "Dad, magsisinungaling ka na naman ba? Tell me dad, si Cloud ba?" Napaiwas nalang ng tingin ang kanyang ama. "So siya nga? He's my half brother?" Hindi makapaniwalang saad ni Alex sa kanyang ama. "Why didn't you tell me?!" "If I told you, what would you do?!" "Siya ang may kagagawan ng lahat ng to! Namatay yung anak ko dahil sa kanya!" "Xander, iba ang sinasabi ng lolo niya! Masisisi mo ba siya kung puro kasinungalingan lang ang sinasabi sa kanya?" "Kung alam mo yung buong katotohanan, bakit mo pa itinago?! Bakit hindi mo pinigilan

