"May gusto sa isa't isa si Jake at Valentine, si Harry naman ay may gusto kay Zia. Magkapatid si Zia at Jake, magkambal ang dalawa. Samantalang ako ay may gusto kay Valentine pero dahil nga may gusto na siyang iba ay nagpaubaya nalang ako Hindi naman kami masyadong kilala sa school na pinapasukan namin, normal lang kaming estudyante noon na gustong maging memorable ang high school life namin. Hanggang sa isang araw, may nag transfer sa school at iyon ay si Dianne ang ina mo, Gladys" pagpapakilala ni Lerionne sa ina ni Gladys. Kaagad namang nawala ang antok ni Gladys at akmang iimik na sana nang biglang hinawakan ni Alex ang mga kamay ng babae at nginitian ito, naiintindihan naman ng dalaga kaya napatango na lamang ito. "Mabait si Dianne, matalino, maganda at talented. Halos lahat nasa

