"Hey" marahan na sambit ni Cloud kay Jenna na umiiyak lang pero isang malakas na hampas ang natamo ng lalaki pero nakakapagtaka na isang black belter ang nanghampas pero parang hindi man lang nakakaramdam ng sakit si Cloud sa halip ay dahan-dahan pa niyang hinaplos ang buhok ng dalaga. "Gago ka! Akala ko iniwan mo na ako eh. Buset ka talaga!" Inis na saad ni Jenna habang umiiyak. Napangiti na lamang si Cloud sa inaasta ng mapanakit na babaeng ito. Napahinto naman sa paghampas si Jenna ng may mahawakan siyang parang isang malaking peklat sa may braso ng lalaki. Tumahan sandali si Jenna at mabilis na napatingin sa braso ng lalaki, nagtaka naman si Cloud at napakislot na lamang nang biglang ipadaan ni Jenna ang mga daliri sa peklat na nasa braso ng lalaki. Saka lamang napansin ni Jenna na

