Nakatitig lamang si Cloud kay Jenna na masamang tumitingin sa kanya. Bigla namang uminit ang ulo ni Jenna at malakas na hinampas ang braso ni Cloud. Nagulat naman ang bartender sa lakas ng pagkakahampas ng babae, masyadong malakas ang loob ng babaeng ito na hampasin ang lalaking to. Ngunit laking gulat na lamang nito ng hindi sumigaw o nagalit si Cloud sa ginawa ng dalaga. "What do you think your doing?!" Inis na sigaw ni Jenna kay Cloud na nakatingin lamang sa babae. Pero nang maalala na naman ni Cloud ang narinig niyang boses kaninang umaga ay kaagad itong napasimangot at tumalikod sa babae at nangalumbaba. Mas lalo pang nataas ang kilay ni Jenna sa ginawa nang hampas lupang lalaking ito. "Hoy lalaki! Bakit mo ko tinatalikuran ha?!" Sigaw ulit ni Jenna at marahas na ipinaharap ang

