Nakarating si Xian sa apartment na kasalukuyang tinutuluyan ni Macy para sa pinapagawa ni Gladys sa kanya. Namumutla pa ang mukha ni Xian at inilabas ang duplicate key na binigay ni Macy sa kanya. Well, torpe din kasi ang dalawang ito at hindi na napapansin ang sarili sa mga ikinikilos nila. Gabing-gabi na at nakapatay na ang ilaw sa loob ng apartment at halatang natutulog na si Macy. Napalunok si Xian at pilit kinalimutan ang mga nangyari kanina. Parang istatwa na nakatayo lamang si Xian at nakatingala sa apartment ng dalaga. Mabilis na pumasok sa loob si Xian at binuksan ang apartment ng dalaga, pagkapasok niya ay nanuot sa kanyang pang amoy ang mabangong halimuyak ng mga rosas na nakadisplay sa sala. Binuksan din agad ni Xian ang kuwarto ni Macy at talagang hindi pa nag lock, lingi

