Gabi na at papasok na sa eroplano si Chain, siya kasi ang pumalit sa paghahanap ng dating girlfriend ni Angelo. Hindi niya alam pero masama ang kutob niya, para bang may masamang mangyayari. Pilit namang lumunok ng laway ang lalaki para pakalmahin ang sarili. Kapareho ng oras, sa loob ng apat na sulok ng madilim na kuwarto ay may isang lalaki na nakaupo lamang sa mamahaling upuan at may isang tao na nakatayo sa tabi nito. Mayroon ding babae na nakaupo sa may sofa at sosyal na umiinom ng tea. "Kamusta ang pinapagawa ko sayo? Sigurado na ba?" Tanong ng lalaki na nakaupo sa mamahaling upuan sa babae na magarang umiinom ng tea, mabilis na napatingin ang babae dito at madaling ibinaba ang tasa. "Yes, sigurado akong malalagasan na ng kakampi ang lalaking yun" may bahid ng galit ang mga mata

