Kasalukuyang nasa loob ng high-tech na kuwarto si Gladys. Hinanda kasi ito ni Alex para mapanatiling ligtas ang kanyang mag-ina. Malaki na ang tiyan ni Gladys at nakaupo lamang siya sa isang malambot at mamahaling upuan hawak hinahaplos niya ang kanyang malaking tiyan. "Libra, can you let me see the CCTV footage outside?" Mahinang sambit ni Gladys. "Yes" sumagot naman ang isang AI robot na ginawa mismo ni Alex at nakaprogram ito na sumunod sa utos nilang dalawa lamang. *Ang isang AI o Artificial Intelligence ay isang area ng science kung saan ang isang machine ay mayroong pagiisip na parang katulad ng isang tao na may sariling program na sumunod sa kung sino man ang gumawa nito.* Sa pagsagot na ito ni Libra *pangalan ng AI robot* ay biglang bumukas ang isang flat screen tv at ipinakit

