Gabing-gabi na ngunit sa oras na ito ay nagkakagulo sa loob ng hospital. Nagpaikot-ikot lang si Gladys dahil sa kaba at takot sa maaaring mangyari kay Alex. Wala namang ipinagkaiba ang takot na nadarama ni Jenna habang nakaabang sa Emergency Room kung nasaan si Cloud. "Gladys! Jenna!" Rinig nilang sigaw nang bagong kararating lamang na si Vanessa. Medyo natagalan ito sa pagpunta dahil pinatulog muna niya ang kanyang anak na si Angel bago pumunta sa hospital. Sobrang laki ng takot niya nang marinig niya ang balitang isinugod sa hospital si Angelo pati ang mga kapatid nito. "Kumusta sila?" Salubong niyang tanong kina Gladys na umiiling lang hudyat na hindi rin nila alam kung ano ang lagay ng tatlong magkakapatid ngayon. "Miss Gladys" rinig nila ang pagtawag nina Xian sa pangalan ni Glad

