ELI POV
may nakita ako kanina isang tao siguradong may kinalaman siya sa pagpapaputok kanina -me
Bakit hindi mo sinabi sa akin kanina? -kuya
Wala ka kanina, mahuhuli ko sana siya pinigilan ako ni kyle pero hindi ko sinabi sa kaniya na may sinusundan ako -me
Mabuti at pinigilan ka niya at nakita ka niya baka kung ano na nangyari sayo kung magisa ka -kuya
Kaya ko ang sarili ko -me
Alam ko ayoko lang mapahamak ka -kuya
Huwag kang mag alala kuya ginawa pa nila ako mafia princess kung hindi ko kaya sarili ko -me
Hindi ba kayo tatayo diyan? Diyan nalang ba kayo dalawa? -sum
Andoon sila malapit sa dalampasigan may party dun mga nagsasayaw sila may mga fire dancing at mamaya daw yung bornfire
Sige na kuya pumunta ka na dun dito muna ako -me
Halika na -kuya
Ayoko ikaw nalang alam mo naman hindi ako marunong sumayaw -me
Okay ka lang ba diyan? -kuya
Okay lang ako sige na -me
Pumunta na siya dun masaya ako dahil nagiging close na sila sa isa't isa
May umupo sa tabi ko
Mag isa kananaman bakit ayaw mong makisali sa kanila? -kyle
Bakit ikaw hindi nakikisali sa kanila? -me
Ayoko -kyle
Ayoko din -me
Hoy louie ang tahimik mo na nga hindi kapa marunong sumaway ayusin mo nga yung saway mo! Para ako nanonood ng kawayang sumasayaw! -kyle
G*G* -louie
Nagsitawan lang sila
Sira kaba bakit pinahiya mo yung kaibigan mo? -me
Masanay kana ganto talaga kami asaran yung bonding namin -kyle
Nagiba yung music yung music na pangpartner na sumasayaw nakita kong nagpapartner partner sila
Partner ni bryle si krystal, louie and Winter bagay sila parehas sila tahimik michael and Ayisha, lance and victoria nakita kong medyo nahihiya pa si victoria kuya kevs and fiona kahit lagi silang nagaaway sum and dustin kuya and sab nakita kong ngiting ngiti si sabrina mukhang makakalovelife na si kuya hindi na mainitin ang ulo niyan at musingit
Naupo sa tabi ko si Eloisa
Oh bumalik ka? -me
Wala akong kapartner -Eloisa
Ay oo nga asan ba si Raven
Asan ba si Raven? -kyle
Hindi ko alam bigla nalang siya umalis kanina -Eloisa
Baka nagCR -me
O humanap ng chicks -kyle
Prince ayain mo naman yung kakambal kong sumayaw dun hindi pa nakakaranas yan ng sinasayaw -Eloisa
Pwede ba Eloisa tigilan mo yan -me
Pagpumupunta kasi kami nun nagparty lagi nalang siya nakaupo katulad ngayon kaya ayain mo naman siya -Eloisa
Sige -Kyle
Ayoko -me
Tumayo si kyle sa harap ko inilahad niya yung kamay
Pwede ba tayong magsayaw? -kyle
Yiiiee nakakakilig -Eloisa
Ayoko -me
Ano bayan Elisabeth pumayag kana -Eloisa
Edi ikaw nalang makipagsayaw sa kaniya -me
Kinuha ni Eloisa yung kamay ko at pinatong sa kamay ni kyle tinulak niya ako patayo medyo na outbalance pa ako dahil sa pagtulak niya sa akin naalalayan naman ako ni kyle
Sige na prince isayaw mo na yan -Eliosa
Sige -kyle
Nga pala prince kaya pala hindi siya nakikisayaw dahil parehas kaliwa ang paa niya hahahaha -Eloisa
Bwusit talaga si Eloisa
Tuturuan ko siya hahahaha -kyle
Hindi ako marunong sumayaw -me
Huwag kang mag alala tuturuan kita -kyle
Nilagay niya sa leeg yung dalawang kamay ko tapos yung dalawang kamay niya sa bewang ko
Sundan mo lang ako kaliwa kanan kaliwa kanan -Kyle
Sinundan ko yung sinasabi niya
Aray -kyle
Sorry -me
Naapakan ko yung kawaliwang paa niya
Inulit niya ulit
Kaliwa kanan kaliwa kanan -kyle
Sinusundan ko yung sinasabi niya
Aray -kyle
Binitawan ko na siya
Babalik na ako dun nasasaktan lang kita -me
Pinigilan niya ako
Susuko ka nalang agad? -kyle
Nilagay niya ulit yung kamay ko sa leeg niya at yung kamay niya sa bewang ko
Ipatong mo yung paa mo sa paa ko -kyle
Ha? -me
Dali na ipatong mo na -kyle
Ipinatong ko yung paa ko sa paa niya sobrang lapit ng katawan namin sa isa't isa
dug dug dug dug
Ayan -kyle
Sumayaw na siya
Sabihin mo lang kung nabibigatan kana bababa ako -me
Ang gaan mo nga kumakain kaba? -kyle
Syempre ano sa tingin mo sa akin hindi kumakain -me
Oo hahahahaha -kyle
Sumasayaw lang siya
Biglang dumulas yung isang paa ko kaya na out balance ako
Kumapit ka ng mabuti -kyle
Naka alalay lang siya sa akin binalik niya yung kamay ko sa leeg niya
Higpitan mo kung ayaw mong malalag -kyle
Ang lapit na nang mukha namin sa isa't isa
KYLE POV
Ang cute kanina ni Eli nung naapakan niya yung paa actually hindi naman masakit nagdrama lang ako hahahaha
Ang hirap niyang turaan parehas kasi kaliwa yung paa
Sumayaw lang ako nakatungtong yung paa niya sa paa ko Biglang dumulas yung paa niya kaya na out balance pero nakahawak ako sa kaniya
Kumapit ka ng mabuti -me
Naka alalay lang ako sa kaniya binalik ko yung kamay niya sa leeg ko
Higpitan mo kung ayaw mong malalag -me
Sobrang lapit ng mukha namin kanina pa mabilis yung t***k ng puso ko hindi ko alam kung bakit
ELOISA POV
Natawa ako nung nakita kong naapakan ni Eli yung paa ni prince hindi talaga siya marunong magsayaw hahaha mukhang mahihirapan magturo si prince sa kaniya
Napangiti nalang ako nung pinigilan niya umalis si Eli hindi ko alam kung anong ginawa ni prince sumasayaw na sila marunong na si Eli kaya sobrang lapit nila sa isa't isa
Natumba si Eli pero naka alalay lang sa kaniya si prince ang sweet bagay sila at okay ako kay prince dahil nakikita ko masaya si Eli kay prince at alam ko din masaya din si prince kay Eli kung saan masaya yung kakambal ko dun ako
Ang saya natin ah
Umupo siya sa tabi ko
Kaya naman pala ang sweet nila noh? -Raven
Oo masaya ako para sa kanila -me
Tayo ba? Hindi ba tayo magiging kasweet nila -Raven
Pwede ba Raven tantanan mo ko dun ka nalang sa mga babae mo -me
Kanina pa ako naiinis sa kaniya ayain daw ba ako magswimming kanina tapos iiwanan din ako nakakita lang ng mga babae sino na naman ang hindi magagalit dun sige ikaw ayain ka tapos iiwanan ka din diba magagalit ka?
galit ka paba sa akin? Sorry na -Raven
Dapat kasi hindi mo nalang ako inaya tapos iiwanan mo lang din pala ako -me
Sorry na binalikan kaya kita dun pero wala ka naman -Raven
Ano sa tingin mo iintayin kita dun? Swerte mo naman -me
Eto naman papangit ka niyan pagnakangiti ka gumaganda -Raven
Ano sinasabi niya sa akin na panget ako
Ano gusto mong palabasin na panget ako -me
Hindi naman yun yung ibig kong sabihin -Raven
Sige ano ibig mong sabihin? -me
Na masgumaganda ka pagnakangiti ka -Raven
Pwede ba Raven iwanan mo nalang ako dun ka nalang sa mga babae mo -me
Tumayo siya pumunta siya sa harap ko
Umalis ka diyan pinapanood ko sila Eli -me
Hinahawi ko siya inilahad niya yung kamay niya sa harap ko
Pwede ba kita maisayaw miss binibini? -Raven
Ganto palang yung pakiramdam na maynag aayaya sayo sumaway lahat kasi na nakakasayaw ko si kuya papa lolo sila lang
Ano na nangngawit na ako dito? -Raven
Yan ba yung sinasabi mo sa lahat na nagiging babae mo? -me
Ikaw palang yung inaya kong magsaway sila yung nagaaya sa akin -Raven
Yabang -me
Uulitin ko yung tanong ko Pwede ba kita maisayaw ms. Binibini? -Raven
Ayoko -me
Ano ba yan Eloisa? Halika na hindi kaba naiingit sa kanila lahat sila sumasayaw -Raven
Hindi -me
Haist bahala ka nga sa buhay mo mag aaya nalang ako ng iba -Raven
Lumakad siya
Sige mag aya ka huwag mo na akong kakausapin -me
Bumalik ulit siya
Eto naman hindi naman mabiro pumayag kana kasi -Raven
Pilitin mo pa ako hahahaha -me
Eloisa please pumayag kana -Raven
Lumuhod siya pinagtitinginan kami ng mga dumadaan
Ano kaba? Tumayo ka nga diyan -me
Pumayag ka muna -Raven
Oo na sige na -me
Tumayo siya tatayo sana ako
Wait lang huwag ka munang tumayo uulitin ko yung tanong ko sayo Pwede ba tayong magsayaw ms.Binibini -Raven
Inilahad ko yung kamay ko sakaniya
Papayag din pala ang dami pang sinasabi -Raven
Sumayaw na kami nakita kong nakapatong yung paa ni Eli sa paa ni prince kaya naman pala marunong nangsumayaw
Sumayaw na kami
Hindi kana galit sa akin? -Raven
Hindi ako kumibo
Huwag ka nang magalit sa akin hindi ko na uulitin yun -Raven
Dapat lang kapag inulit mo ulit yun hindi na talaga kita kakausapin -me
So bati na tayo? -Raven
Tumango ako
Ngumiti siya sa akin ngumiti din ako sa kaniya
Hindi ko alam pero magaan ang loob ko kay Raven kahit sabihin nila sa akin na huwag akong lalapit dito pero hindi ko mapigilan na lumapit sa kaniya
SABRINA POV
Sobrang saya ko dahil kasayaw ko ang gusto ko tao si Yohan Oo gusto ko na siya kahit kahapon ko lang siya nakilala na love at first nga eh Natatakot naman akong sabihin sa kaniya dahil baka mamaya hindi niya ako gusto sasarilin ko muna yung nararamdaman ko
Nagulat nga ako dahil niyaya niya akong magsayaw syempre omoo agad ako mapapakipot paba ko ako na nga itong inaaya
Sabrina -Yohan
Sab nalang -me
Sab kamusta si Eli nung mga nakaraan na araw? -Yohan
Nadismaya ako akala ko kung ano na yung sasabihin niya
Okay naman siya kaya lang hindi talaga siya ngumingiti nun pero ngayon mukhang may improvement na -me
Thank you dahil andiyan kayo sa tabi niya Hindi niyo siya nilayuan alam ko naman na minsan masama ugali niya ay hindi pala minsan madalas hahaha sana huwag niyo siya iiwan dahil ngayon lang siya ulit nagkaron ng kaibigan -Yohan
Hindi mo kailangan magThank you dahil ginawa namin yun dahil gusto namin hindi naman masama ugali niya mabait nga siya kaya lang minsan ang sungit niya hahahaha pero okay lang naman sa amin yun -me
Kahit nga kami nasusungitan nun hahahaha -yohan
Si sum yung unang naging friend niya pinakilala lang kami ni sum sa kaniya -me
Sum? Yung pinsan ni prince? -yohan
yup -me
Kapangalan ko din pala yung may prince din kasi ako sa pangalan -yohan
Prince kyle pangalan niya pero ayaw niyang tinatawag na kyle kasi kahit nga yung pinsan niya ayaw niya na tintawag siya kyle dahil yung mama lang niya tumatawag sa kaniya nun -me
Mama lang niya? -yohan
Oo kaya lang wala na yung magulang niya si Eli pala kyle yung tawag kay prince nagulat nga kami dahil hindi siya nagalit -me
Hindi siya kumibo maynasabi ba akong masama
Okay kalang ba? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan? -me
W-Wala wala kang nasabi na hindi ko nagustuhan okay lang ako -Yohan
Tapos ngumiti siya ang gwapo niya sh*t lalo ako nahuhulog sayo Yohan
Mukhang mahal na mahal mo si Eli at Eloisa -me
Super sobrang mahal ko sila gagawin ko ang lahat ma protektahan lang sila -Yohan
Ang swerte nila sayo -me
Swerte din naman ako sa kanila dahil kahit ganun ugali ni Eli mahal ako nun -Yohan
Ako din mahal din kita
Nakikita ko naman na mahal namahal ka nung dalawa -me
Masaya siguro kapag maykapatid? -me
Only child lang kasi ako kaya hindi ko kaya hindi ko naranasan magkaroon ng kapatid
Minsan Oo Minsan Hindi dahil ang kukulit nila hahahaha wala kabang kapatid? -Yohan
Only Child -me
Meron ka naman na kaibigan na parang mga kapatid mo na rin Ako pwede mo akong maging Kuya -Yohan
Kuya? Kapatid lang turing niya sa akin ang sakit naman yun
Ngumiti ako sa kaniya kaya lang pilit dapat hindi nalang ako nagtanong bwusit ang sakit nun pakiramdam ko na busted ako
Okay ka lang ba? Natahimik ka diyan gusto mo na bang magpahinga na? -Yohan
Hindi ako okay ang sakit sobrang sakit gusto kong sabihin sa kaniya yun
Okay lang ako, magpahinga na tayo -me
Sige -Yohan
Nauna na akong maglakad sa kaniya
Saan ka pupunta? -Yohan
Nadereretso kasi ako
Magpapahinga lang ako pakisabi sa iba -me
Tumakbo na ako naiiyak ako ganto pala yung pakiramdam ng broken hearted lintik ang sakit
Pumasok na ako sa room namin nakita ko sila bryle at krystal naghahalikan nagulat pa sila ng pumasok ako hindi ko sila pinansin pumasok na ako sa kwarto nahiga ako
Mommy ang sakit pala huhuhu -me
Parang gusto ko nang umuwi bakit ba kasi sumama pa ako dito
YOHAN POV
anong nangyari dun bigla nalang siyang tumakbo naupo nalang ako nakita ko yung dalawa kong kapatid may kasayawan mukhang ang sasaya nila
Kasayaw ni Eli si prince si Eloisa naman si Raven nabahala ako kay Eloisa baka mamaya mahulog siya dito at masaktan lang siya
Nakita ko naman si Eli mukhang masaya siya masaya ako kung saan sasaya si Eli matagal na siyang hindi nagiging masaya simula nung nawala sila at hindi ko ipagkakait sa kaniya ang nagpapasaya sa kaniya kahit na ayaw ko sa lalaki na yun para sa kaniya