YOHAN POV
Asan si sab? -sum
Sabi niya sa akin magpapahinga lang daw siya -me
Mapapahinga? nagulat nga kami bigla siya pumasok sa bahay nung tinawag ko hindi niya ako pinansin mukhang bad mood -krystal
Badmood? Ang saya saya namin kanina ah
Pupuntahan ko lang saglit -ayisha
Tumayo na si sum at umalis
Anong ginagawa niyo dun ha?-Raven
Nakangising sabi niya
Pwede ba Raven tigilan mo yung Girlfriend ko -Bryle
Tinatanong lang ang sungit nabitin ba? -Raven
Siraulo talaga si Raven
Aray! -Raven
Binatukan siya ni prince
Kung ano ano sinasabi mo Raven -prince
Mukhang si prince yung leader kanilang grupo dahil napapansin ko hindi sila umaangal kapag sinasaktan sila ni prince
Sige kuya batukan mo pa kabastos bastos ng bunganga -sum
Ikaw kaya batukan ko -Raven
Kumapit siya sa braso ni prince
Kuya oh! -sum
Ang sabi ko batukan mo ulit ako -Raven
Nagsitawanan lang sila napangiti nalang ako
SABRINA POV
Sab -Ayisha
Andito ako -me
Nasa kusina ako kumakain ng ice cream
Halika na magboborn fire na tayo -Ayisha
Sige -me
Tinago ko na sa ref yung ice cream
May problema kaba? -Ayisha
Wala naman -me
Kumakain ka kasi ng Ice cream kapag kasi may problema kalang saka ka kumakain ng Ice cream -ayisha
Kilala niya talaga ako
Tara na iniintay na nila tayo -me
Lumabas na ako sumunod lang siya huwag ka nangmagtanong please
Nakita ko sila nakapabilog tapos may apoy sa gitna
Ayun kumpleto na tayo -sum
Tumingin sila sa akin pati si yohan hindi ko nalang siya pinansin
Sab dito ka -Eli
Tinapik niya yung sa tabi niya katabi din ni Yohan nakatingin sa akin si Yohan pero maspinili kong maupo sa tabi ni Ayisha
Dito na lang ako -me
Ngumiti ako sa kaniya para hindi siya maghinala
Kumpleto naman na tayo magsimula na tayong maglaro -sum
Ano lalaruin natin? -dustin
Truth or dare -sum
Ayoko niya hindi ako sasali -victoria
Walang KJ dapat kasali lahat -sum
Naglabas siya ng bottle
Okay uumpisahan ko na alam niyo naman siguro yung laro nato -sum
Tumango lang kami pinaikot na niya yung bottle na tapat kay Krystal
Ako na magtatanong tutal ako naman ako nagpaikot -sum
Pumayag naman yung iba
Truth or dare -sum
Truth -krystal
Mahal mo ba si bryle? -sum
ano ba yan sum magtatanong ka nalang ang dali pa -dustin
Pakialam mo ba dali na krystal sagutin mo na -sum
Sobrang mahal ko si bryle sobra hindi ko alam kung ano mangyayari sa akin kapag nawala siya -krystal
I love you -bryle
I love you too -krystal
Hinalikan ni bryle si krystal
Bryle get a room -prince
Nagsitawanan lang sila
Ako naman ang magpapaikot -krystal
Pinaikot niya na minalas malas nga naman sa akin pa natapat
Sabrina Truth or dare -krystal
Kinakabahan tuloy ako
Truth -me
Bakit hindi mo ako pinansin kanina derederetso kalang sa kwarto? Sabihin mo yung totoo kilala ka namin sabrina -krystal
Bakit ba kasi andoon sila
K-Kasi... Ano? -me
Kasi ano -krystal
Nainis ako kay Yohan -me
Nakayuko lang ako
Bakit ka naiinis? -krystal
Isang tanong lang krystal -me
Tumingin ako kay yohan nakatingin lang siya sa akin nakakahiya
Pinaikot ko na yung bottle natapat kay Eli
Eli truth or dare -me
Truth -Eli
Anong rason bakit hindi ka ngumingiti at ang lamig mo minsan? -me
Nakatingin lang kami kay Eli hindi parin siya sumasagot
Okay lang kung hindi mo sagutin -me
Pasensya na hindi ko pa kayang sabihin -Eli
Okay lang -me
Ngumiti ako sa kaniya
Paikutin mo na -me
Hindi mo na papalitan yung tanong mo? -Eli
Hindi na wala na akong maisip na tanong -me
Pinaikot na ni Eli yung bottle natapat kay Yohan
Kuya Truth or dare -Eli
Dare -Yohan
Tapang nagdare siya nakangisi naman si Eli
Humalik ka ng isang babae sa grupo natin sa lips ha ikaw bahala kung sino gusto mong halikan -Eli
Tumayo siya yumuko nalang ako sigurado kong hindi niya ako hahalikan dahil kapatid lng ang turing niya sa akin
Ano na kuya? halikan mo na -Eloisa
Oo na -Yohan
Nagulat ako dahil asa likod ko siya tinignan ko siya ngumiti lang siya Tapos Hinalikan niya ako
YOHAN POV
Dapat kasi hindi nalang ako ng Dare ng Truth nalang ako bwusit hindi ko alam kung sino yung hahalikan ko sa kanila
Si Ayisha? Fiona? Victoria? Winter? Sum? O Si Sabrina?
Si sab yung pinaka close ko dito kaya lang paghinalikan ko siya baka lalo siya mainis sa akin hay... bahala na
Pumunta ako sa likod ni Sab nakayuko lang siya
Ano na kuya? Halikan mo na -Eloisa
Magkambal nga kayo
Oo na -me
Tumingin sa akin si Sab ngumiti lang ako sa kaniya Tapos Hinalikan siya nakita kong gulat na gulat siya
I'm sorry Sab
Nakita kong pumikit siya tumugon siya sa mga halik ko Hindi ko mapigilan yung halik ko sa kaniya ang lambot ng labi niya ang tamis siguro sa gamit niya na liptint o anuman yun pakiramdam ko naadik ako sa mga halik niya
Get A room! -Kevin
Panira talaga ng moment tong bakla nato
Yumuko lang si Sab bumalik na ako sa pwesto ko
Kuya ang sabi ni Eli halikan lang laplap mo na yata si sabrina hahahahah -Eloisa
Bulong sa akin ni Eloisa ang dami talagang kalokohan ng babae na to
Tinignan ko si sab nakayuko lang siya
Kuya paikutin mo na -Eloisa
Pinaikot ko na tapat kay Kevin
Truth or Dare -me
Truth -kevin
Willing kabang magmahal ulit? -me
Nasaktan na kasi si kevin nun simula nun nawalan na siya ng gana sa mga babae iniwan lang naman siya ng pinkamamahal niya pinagpalit siya sa isang lalaki
Hindi ko alam, Hindi pa yata ako handa sa mga ganiyan hahahaha -kevin
Ang arte mo! -Raven
Paki alam mo ba -kevin
Lagi nalang nagaaway yung dalawa na yun
___
ELI POV
Ang daming nangyari ngayon araw nato hindi ko alam kung kaya kong isa isahin
Nasa veranda ako ngayon ng tinutuluyan namin
Tumingala ako
Marga and Nikki sana napatawad niyo na ako sa nagawa ko unting unti ko nangnapapatawad yung sarili ko kayo din sana kahit unti unti lang din, Marga nameet ko ulit si mommy pero galit na galit siya sa akin huwag kang magagalit sa kaniya naiintindihan ko naman kung bakit siya galit sa akin kasalanan ko naman talaga, ang cute ng pamangken mo si Rex napakabait niyang bata mukhang hindi sayo nagmana ang sungit mo kasi hahahahaha napakagwapo bata nun alam mo na kung kanino nagmana. Miss na miss ko na kayo sobra -me
Biglang humangin ng malakas alam ko pinapanood nila ko
Maydumampi na kumot sa balikat ko
Bakit andito ka? Tapos ganiyan pa yung suot mo ang lamig lamig kaya -kyle
Hindi ako makatulog -me
Sabi sa akin ni Mom na kapag hindi ka makatulog may gumugulo sayo o may iniisip ka -kyle
Gumugulo
Alam kong iniisip mo yung nangyari kanina -kyle
Alin dun maraming nangyari eh gusto ko sabihin sa kaniya
Nakaupo lang kami sa sofa dito sa veranda
Ano ba nangyari sa parents mo? Nasabi kasi sa akin ni sum nawala na sila -me
Hindi siya kumibo dapat pala hindi ako nagtanong
Okay lang kahit hindi mo sagutin -me
Namatay sila dahil sa car accidents -kyle
Sorry -me
Okay lang matagal naman na yun -kyle
Ngumiti siya sa akin
Siguradong kung nasaan man sila pinapanood ka nila at binabantayan patay nga sila sa paningin ng mga tao at isip but buhay na buhay sila sa puso mo -me
Ganiyan din yung nararamdaman ko buhay si marga at nikki sa puso ko hinding hindi ko sila makakalimutan
Nakatingin lang siya sa akin
What? -me
Bakit ang bait bait mo na? -kyle
Mabait naman talaga ako -me
Oo nalang -kyle
Ngumiti nalang ako
Ayan dapat lagi kang nakangiti mas maganda ka kapag nakangiti ka -kyle
Bkit ba lagi nilang sinasabi yun panget ba ako paghindi ako ngumingiti
Tara na bumalik na tayo sa room lumalamig na -kyle
Sige -me
bumalik na kami sa room magkahiwalay room ng boys at girls
Good night Eli -kyle
Good Night -me
Pumasok na ako sa room namin mga tulog na yung kasama ko pero wala si sab asan kaya yun nahiga nalang ako sa tabi ni Eloisa inayos ko muna higa niya ang likot talaga niyang matulog
SABRINA POV
Lumabas mo na ako magpapahangin nakita kong nasa veranda si Eli at kyle napangiti nalang ako naupo ako sa sand malapit sa bahay namin tumingala ako ang daming star pinagcoconect ko sila gamit yung daliri ko hahahhaha
Ang ganda noh? -
Naupo siya sa tabi ko
Bakit ka andito? -me
Eh ikaw ano ginagawa mo dito dis oras ng gabi mamaya may mangyari sayo -Yohan
Concern ba siya sakin
Nagpapahangin lang ako -me
Magpapahangin? Oras na kaya ng tulog -Yohan
Paano ako makakatulog? Sumasagi sa isip ko yung ginawa mo! -me
I'm sorry hi- Yohan
Okay lang -me
Hindi ko kayang marinig yung sasabihin niya na hindi niya entensiyon na halikan ako dahil dare lang yun ganun ayokong marinig masakit eh
Tumayo ako
Sige na pumasok kana magpapahangin lang ako dito gusto kong mapag isa -me
Sige pero huwag kang lalayo ah -Yohan
Tumango lang ako tumayo na siya at umalis naglakad lakad lang ako
Bakit kasi siya pa yung nagustuhan ko pwede naman si louie michael lance bakit siya pa?
Ang sakit sakit bwusit naramdaman kong may tao sa likod ko
Sabi ko diba gusto ko mapagisa! -me
Hindi na ako nakalingon pa dahil tinakpan niya ng panyo yung ilong ko gusto kong humiyaw pero hindi ko magawa pumipiglas ako pero masyado siya malakas
Please Help me
Black Out