Jace’s POV
“Baby mo mukha mo!” Singhal niya sa akin. She looks upset but she’s still pretty. Kung hindi niya lang ako ipapapulis, baka sugurin ko siya ngayon ng yakap. Napapailing na lang ako sa naiisip ko.
“Sorry na talaga kung tinawag kitang Ate kanina. Nakita mo naman diba ‘yung mga lumapit sa akin?” Iyon na lang ang sinabi ko kahit gusto ko na naman siyang asarin.
“Oo na. Wala na iyon.” Sobrang seryoso siya habang nagmamaneho at hindi ako sanay sa ganoon. Kaya pinipilit kong pagaangin ang atmosphere. “Kaibigan ko ang Mama mo kaya ituring mo na lang akong Tita m—"
Natawa ako sa sinabi niya. “Tita? My real age is 24. At sa totoo lang konti lang ang halos five years gap natin, kaya paano kita magiging Tita? Baby, pwede pa.” hindi siya sumagot. Is she really pissed off because of me? I somehow felt the need to ask. “Ayaw mo ba akong kasama?”
“Hindi.” She immediately answered.
“Nagagalit ka ba sa akin?”
“Hindi.”
“May problema ba?”
Duon niya ako biglang tinapunan ng matalim na tingin. “Please. ‘Wag ngayon.” She looks so desperate to hear silence. Kaya naman tumahimik na ako. I know, she recently went through a bad break up. Kaka-break lang din namin noon ni Bea nang marinig ko silang nag-uusap ni Mama sa phone.
At hindi ko talaga maintindihan ang ex niya — na boss nila ni Mama. Paano niya nagawang lokohin ang katulad ni Riya? She’s perfect. Palagi ngang sinasabi ni Mama na maghanap ako ng babaeng katulad niya dahil mabait talaga siya at mapagkumbabang tao. Bonus na lang talaga na maganda siya. Magaling pa siyang magluto dahil laging nag-uuwi si Mama ng mga pagkaing ibinigay niya.
Ano kayang sakit ang tumubo sa utak ng ex niya at niloko siya?
Hindi ko alam ang buong kwento pero sigurado akong kawalan niya ang ginawa niya kay Riya. Bukod sa ugali niya at cooking skills, alam naman ng lahat na isa siyang talented na babae. I am one of her millions of fans.
Isa ako sa mg ana-addict sa fantasy world na ginawa niya tungkol sa mga vampires at Pinoy superheroes. The way she illustrates her stories and the way she delivers every scene is just amazing. Kaya nga kumita at naging sikat na publishing house ang pag-aari ng ex niya ay dahil iyon sa kanya, kaya sino ang walang-hiyang iyon para saktan ang babaeng ‘to?
I gave her the silence and peace that she needs. Hanggang sa maghalungkat siya sa backseat. “Ako na.” pagpi-prisinta ko. “Ano ba ang kukunin dito? Just focus on the wheels.”
“Salamat. Kunin mo na lang d’yan ‘yung pink na plastic bag. May apples ‘yun. Kumain ka tapos subukan mong matulog. I know you’re tired.”
Napangiti ako. Kahit wala siya sa mood, she still cares for others. Halatang walang halong pretentions. “Thank you. Ikaw?”
“Busog pa ako.” Sabi niya.
Hindi na ako nahiyang kumain. I did that quietly.
“Hindi naman ako galit sa’yo.” Pagsiismula niyang magpaliwanag. “Madami lang talaga akong iniisip saka bata ka pa para tawagin akong baby kaya umayos ka.”
“Nagsasabi lang naman ako ng totoo. I will never call you tita or ate ever again.”
“Okay, fine.” Naglahad siya ng kamay. “Riya Del Rio.”
Kinuha ko ang kamay niya, “Jace Lim.” Saglit lang kaming nagkamay pero may kakaiba akong naramdaman dahil sa paglalapat ng mga palad namin. At hindi ko na naman ma-control ngayon ang pagiging madaldal ko. “Pasensya na talaga kung medyo sumobra ako sa kulit. I am just curious. Halos two months mo akong aampunin, gusto ko lang naman na maging close sa’yo.”
Hindi siya nakasagot and I took that chance to look at her closely.
Kahit alam kong nasa late twenties na ang edad niya, pakiramdam ko, kaedad ko lang siya. Siguro, dahil na rin iyon sa mahaba niyang buhok na popular sa mga babaeng college students. Ironically, her long hair makes her look young. Her body is curvy in the right places and her face is just pure and natural. Wala siyang ka-make-up make-up ngayon. Tinanggal na din niya ang shades na suot niya kanina kaya nakahantad ang brown niyang mga mata.
“Okay ka lang?” tanong niya sa akin nang maramdaman niya yatang nakatitig ako sa kanya.
“Yeah. I’m still breathing!” sabi ko, that’s also to remind myself to breath. Kakatingin ko kasi sa kanya, nakalimutan ko na yatang huminga. I just took a bite from my apple to divert my attention and looked away.
“Good. Gusto mo ulit ng music?” she asked me after pausing the music earlier just because I called her baby.
“Oo naman!” Nang buksan niya ang player sa kotse niya, natuwa agada ko nang madinig ang ilang RnB songs na paborito ko. Parehas pa kami ng mga kantang nasa playlist namin kaya naman sigurado akong magkakasundo kami. Dahil duon, mas marami akong bagay na naikwento sa kanya na wala namang kinalaman sa mga iniisip niya.
I intentionally did that to divert her attention too.
Alam kong masyado na siyang madaming problema kaya umaasa akong kailanganin niya ang katulad kong distraction.
Riya’s POV
If he is trying to distract me from what’s causing me to be grumpy, well it’s working. He exactly knows how to do this. Madami siyang nakakaaliw na kwento tungkol sa mga bagay-bagay and I never had such a long trip to our home before. Ngayon pa lang.
Noong huli akong umuwi dito, si Papa ang nagmamaneho at nakatulog lang ako. Although, we are complete that time, masyadong tamad mag-kwento ang kapatid ko at si mama kaya natutulog na lang ako sa biyahe. All of our trips going home are boring and simply not engaging. Hindi katulad ngayon. At dahil kay Jace, nabago ang takbo ng byahe ko. Bawal matulog ngayon dahil bukod sa ako ang driver, hindi niya ako tinatantanan sa mga kwento niya.
Tawa ako ng tawa sa mga nakakatawa niyang banat at libre akong okrayin siya sa mga waley niyang jokes. Para ngang ang tagal na naming ginagawa ito. Akala ko talaga kanina, matatakot na siya sa akin dahil sa pagsusungit ko pero hindi naman pala niya sineryoso ang attitude ko kanina. Which is really amusing.
“Alam ko, pagod ka lang.” iyon ang sinabi niya nang humingi ako ng tawad sa kagaspangan ng ugali ko minsan.
Hindi ko tuloy maiwasang maisip na sana nga ganyan na lang din si Ed noon.
Kapag nag-aaway kami, palagi siyang nakikipag-kumpetensya sa galit ko. I am just being irrational to him, kahit alam naman niya kung saan nanggagaling ang galit na ‘yon. I can’t help but remember him. Kung naging mapagpasensya lang siya sa akin, iyong mga alaala naming nag-aaway ay masasaya sigurong memory ngayon.
But I can’t completely blame Ed. Siguro nga, naging toxic din ako sa kanya noon kaya niya ibinaling sa kapatid ko ang pansin niya. It was also my fault. Paiyak na sana ako nang magkwento si Jace tungkol sa kalasingan nila ng mga kaibigan niya na pati mga gamit sa resort na pinuntahan nila ay napagdiskitahan pa nila.
The way he delivers his story is really funny.
Halos nawala na sa isip ko si Ed. At madami pa siyang ikinuwento. Hindi ko na nga namalayan ang oras.
Sa loob lang ng isang daan at dalawampung minuto, naging panatag na ang loob ko sa kanya. Hindi na kasi talaga siya nahihiyang magkwento sa akin na parang malapit na kaibigan na din niya ako.
Naikwento din ni Jace na may mga kasama siya bago kami nagkabanggaan. Kaya lang umalis na ang mga iyon at naglalakad na siya sa kahabaan ng Harrison Road nang hablutin ng snatcher ang bag niya. Hindi naman niya agad naibulsa ang mga pangunahing gamit na kailangan niya tulad ng cellphone at wallet dahil mas convenient daw para sa kanyang isukbit ang lahat ng dala sa backpack niya. Bibili lang daw sana siya ng inumin ng mawala na ang bag sa tabi niya. Hindi pa nangyayari sa akin ang bagay na ‘yon dahil hindi naman ako gala pero alam ko ang pakiramdam ng maagawan. Kaya siguro hindi na ako nagdalawang-isip na tulungan siya. Mas gusto kong manahimik sa bahay kapag may libre akong oras. Mas gusto kong magkape at makinig ng music. Iyon yata ang pinaka-malaking difference namin. That brought me to my question. “Eh ano ba kasing gagawin mo sa Sagada?” The answer to that question is really intriguing. Base sa mga kwento ni Melissa, hindi naman daw noon adventurer ang anak niya. And as far as I can remember, Jace is a shy boy. Itong paggagala niya lalo na dito sa Sagada, siguradong may dahilan.
Biglang dumilim ang awra niya dahil sa narinig na para akong may nasaling na emosyon sa puso niya. “Magpapagaling ng broken heart.” Sabi niya.
Oh, so; broken hearted din siya?
“Ipinagpalit ka sa mas bata?”
Umiling siya. “Sa mas matanda.” Pagtatama niya sa sinabi ko.
“Hah? Ang tanga naman no’n!” napatutop na lang ako sa bibig ko nang mapagtantong ex pa rin niya ang tinawag kong tanga at medyo nakaka-offend ang sinabi ko. “Sorry.”
Tumawa na lang siya. “Paano naman siya naging tanga? Mayaman ‘yon. Oh, ako ito, pinaampon sa’yo ni Mama kasi wala akong pera.”
“Tanga siya kasi masarap kang kasama.” Babawiin ko ba ang sinabi ko? Hindi naman siya nag-react kaya hinayaan ko na lang.
Jace’s POV
I am very popular for being easy-to-be-with. Hindi lang si Riya ang unang babaeng nagsabi noon pero may nasagi siya na kung ano sa puso ko nang sabihin niyang masarap akong kasama. Gusto kong sampalin ang sarili ko ngayon dahil sa nararamdaman kong ‘to. Bata ang tingin niya sa akin, hindi ako dapat kiligin ng ganito. This is insane. I am insane.
Most girls think that men can’t feel this fuzzy feeling. Nagkakamali sila.
I first felt this when I met Riya for the first time. Sa opisina iyon nila Mama. Nagpunta ako duon para ihatid iyong naiwan ni Mama na pagkain noon, I think I was just in fourth year high school that time, sobra na niyang sikat noon at palagi siyang busy sa opisina kakagawa ng episodes ng mga webtoon at comics na siya mismo ang nagsulat. Maswerte akong masilip siya sa loob ng araw na iyon. Duon ako unang beses kinilig sa buong buhay ko. At hindi ko na iyon naramdaman sa ibang babae, kahit kay Bea.
For some reason, I can still feel that fuzz right now, lalo na at nanggaling mismo sa mga labi niya na masarap akong kasama. She doesn’t have any idea how those words generate happiness in me.
“Bakit pala dito? I mean, sa dinami-dami ng lugar sa mundo, bakit dito ka pa napadpad?” napalingon ako sa itinanong niya. Gusto niya ba talagang malaman?
“I came here to find healing and peace. Lahat naman yata ng taong troubled-heart kailangan ng haven.”
Riya’s POV
Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Parang hindi naman siya mukhang broken hearted. Mas tama yatang sabihin na siya ang heart-breaker. Hindi ko nilalahat pero karamihan sa mga lalaking katulad niya, totoong manloloko. He has that cute smile, and bunny-like teeth na kapag nginitian ka, mamatay ka sa kilig. ‘Yung mga mata niya, nakuha niya kay Melissa pero lalaking-lalaki pa rin ang dating. Saglit pa lang kaming magkasama pero napansin ko na agad na mayroon siyang mannerism na pagkagat-kagat sa labi. Napapalunok tuloy ako dahil ang sexy sa paningin ng ginagawa niya. Hindi naman siya ang unang lalaking nakita kong gwapo. I’ve seen a lot of good-looking men in my life but his effect on me is different. It’s something I can’t even explain.
Ed is handsome too. Pero iba ang karisma ng anak ni Melissa.
Nagsusumigaw sa buong katawan niya ang mga salitang gorgeous at hot.
“Hindi ka naniniwala?” natatawang tanong niya sa akin sabay umismid. “’Yan naman ang hirap sa inyong mga babae. Porque gwapo akala niyo playboy na. Niloloko din kaming mga gwapo nuh?” walang kaabug-abog niyang pahayag.
“Sino bang may sabing gwapo ka?” sinubukan ko pa talaga siyang soplahin pero nang tumitig siya sa akin at magtama ang mga paningin namin, parang gusto kong kainin ang sinabi ko… dahil gwapo naman talaga siya. Maporma din at halatang pinipilahan siya ng mga babae at binabae sa school.
“Bakit, hindi ba ako gwapo sa paningin mo?” sa huli, ako lang ang talo.
Umiling na lang ako. Kasalukuyan pa rin akong nagmamaneho pero wala siyang pakialam kung nakakaistorbo na siya sa concentration ko. Dire-diretso lang ang pagkukwento niya. Ginagap pa niya ang kamay kong nasa manibela! “Hoy Jace! Maaksidente tayo! Bitiwan mo nga ang kamay ko?” pagtataray kong muli sa kanya.
“Bakit ba ang sungit mo? Am I making you feel uncomfortable?” is he trying to seduce me? Sinasadya pa niyang ilabas ang dila niya para tuksuhin ako.
“Nonsense! Isa! Umayos ka ha?!” literal na sumisigaw na ako pero imbes na maalarma siya, mukhang ine-enjoy pa ng kumag ang pagpa-panick ko.
“I’m sorry, I can’t help it. Ang cute mo kasi, para kang baby.” He’s obviously amused. At hindi ko iyon maintindihan. I am not trying to be cute! I don’t want to be cute! It’s kind of irritating. Tinapunan ko siya ng nanlilisik na tingin kaya umayos siya ng upo. Mukhang wala siyang balak na tigilan ang pang-aasar sa akin. But in all fairness, hindi naman siya talaga nakakainis. Pakiramdam ko rin, ginagawa niya lang ‘to para maging close sa akin. Ganoon naman din kasi ang pagkakakilala ko sa kanya.
“I’m sorry. Ayoko lang naman na mailang pa tayo sa isa’t isa since matagal pa bago ako mapuntahan dito ni Mama.” He explained.
“Ang bait-bait mo kasing anak, ‘no?” I sarcastically said. Hindi siya pwedeng iwan mag-isa ni Melissa sa bahay dahil bulagsak siya sa bahay. How inconvenient. I guess you can never have it all.
Napangisi lang siya. “Mom, can’t let me go home without her. Natatakot pa rin siyang iwan akong mag-isa sa bahay.”
“Yes, sir. Kasi makalat ka daw.”
Hindi na kaligtas sa akin ang malungkot niyang ngiti. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi siya nagsalita.
Hindi ko na kailangang magtanong. Nararamdaman ko din kasi ang sakit. He’s probably thinking of something painful. Katulad ko. Hanggang ngayon, gusto ko pa ring magwala sa galit at sakit. I have been fooled around by the people I loved. Mas masakit na sarili ko pang kapatid ang gumawa ng kaligayahan ko. I’m sure, whatever’s on his mind, we are just feeling the same way. That made me jump into conclusion. Na baka kaya hindi siya pwedeng mag-isa dahil suicidal siya. I immediately erased the idea. Bakit naman siya magiging suicidal? Hindi siya perfect, but he is okay. He’s okay-okay.
Mayamaya’y inilipat ni Jace ang music sa kotse ko na parang may karapatan siya. Hindi ko na nagawang mag-protesta dahil agad na tumugtog ang makapagbagbag-damdaming “How do you heal a broken heart” na sinabayan pa niya. Lalo tuloy akong naging emosyonal kaya napangawa na ako pagdating sa chorus. Marahas kong naapakan ang brake saka sumubsob sa stirring wheel. Kahit hindi ko tingnan si Jace sigurado akong hindi na nito alam ang gagawin sa mga oras na iyon.
Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang inaalala ang mga bagay na hindi ko noon agad nakita. Mga senyales na ang relasyon namin ni Ed sa loob ng sixteen years ay matagal na palang sira. Mabuti na lang talaga hindi ko agad isinuko sa lalaking ‘yon ang bataan. After all the attempts, hindi ako bumigay. Kung hindi, nakakahiya naman ‘yon sa mga magulang ko. I knew how much they trust me. And on a second thought, baka iyon nga ang dahilan kung bakit mas pinili ni Ed ang kapatid ko. Trish is very much liberated than me.
Magkaiba kami ni Trish dahil lumaki akong conservative.
I am always that perfect daughter who’s afraid to make mistakes and Trish is always that girl who gets everything she wants through her own ways. What a spoiled brat.
Lalo lang lumakas ang pag-iyak ko nang hagurin ni Jace ang likod ko. Why does he even have to do that?
Nahihiyang pinunasan ko ang mga luha ko. I can’t believe I broke down and cried in front of him. At first, I thought that he’d make fun out of this, but as I look at his face, I immediately saw his genuine care. He’s not saying a word. Naroon lang siya sa tabi ko at pilit na pinagagaan ang loob ko habang hinahagod pa rin ang likod ko.
“Sige lang, iiyak mo lang ‘yan. You have all the right to feel pain.” Sabi niya.
For the first time, I don’t want to shut him out of my life. Sa pagkakataong ito, gusto kong makinig sa kanya. Kung anuman ang sinasabi niya ngayon, it is helping me to accept that I am just a human being. Nasasaktan din. Ngayon, hindi ko kailangang mag-panggap na okay ako dahil walang masasaktan na kapatid at mga magulang ko. I am free to cry until my eyes tire. I am free to feel this hate and injustice.
Iyon naman talaga ang nangyari pagkatapos kong malaman ng hindi sinasadya ang kawalang-hiyaan ni Ed at ni Trish. And I thank Jace for that. Inilabas ko ang lahat ng iyak at hinayaan ko siyang yakapin ako ng mahigpit. In his arms, I feel the safest. Parang duon, walang pwedeng manakit sa akin. Hindi niya ako pinatatahan ngayon, he wants me to cry out loud. At ilang minuto rin akong nakakulong sa bisig niya hanggang sa ako na lang din ang lumayo at magpunas ng sarili kong mga luha.
“Gusto mo ako na mag-drive?”
“May lisensya ka?”
“I used to. Kung hindi ako nanakawan, baka nandito pa ‘yung lisensya ko, pero maingat naman akong driver. Hindi ako kaskasero. I swear, you are safe with me. Iingatan kita pati ang kotse mo.” Kahit hindi naman niya sabihin, nararamdaman ko namang ligtas ako sa kanya. Through Melissa’s stories, alam kong kilala ko na siya. So, I gave him my complete trust. Hindi naman niya siguro ibabangga ang kotse ko. Tahimik akong nakipagpalit ng upuan sa kanya. He even helped me wear my seatbelt. Now, I am entrusting my life on him.