Chapter 3

3351 Words
Five Years Ago “Babe, ano bang dream wedding mo?” Masyado akong abala sa mga drafts na pinaparevise sa akin ni Melissa kaya hindi ko agad naintindihan ang sinasabi ni Ed, Eward Hidalgo, Junior CEO ng publishing company na pinagtatrabahuan ko. Ed owns half of the InkPublications. Madami ngang nagsasabi na kahit hindi na ako magsipag sa mga ginagawa kong projects, sigurado na ang future ko. As if I really wanted to rely on my fiancé for that. Hindi naman ako katulad ng ibang babae na pinalaki para maging house wife. Mamamatay ako kapag tinigil ko ang pagiging illustrator ko. “Babe, narinig mo ba ako?” untag ni Ed sa malalim kong pag-iisip. Kung hindi pa niya inangat ang baba ko habang nakatayo siya sa harap ng lamesa ko, hindi ko pa siya makikita. “Huh? Sorry, Babe. Marami na kasi ang nakaabang sa new edition ng Duchess. Kailangan ko lang habulin ‘yung deadline ko.” Finally, nabitawan ko din ang mga ginagawa ko at nakapagpaliwanag sa kanya habang nakatitig pa sa mga mata niya. Sumimangot si Ed. He’s obviously disappointed. “Minsan na lang kita makasama tapos ganyan ka pa?” Sa pagkakataong iyon, binitawan ko na ang hawak kong digital pen at nilapitan siya para yakapin. “Sorry na. Huh? Babawi ako sa’yo. Mamaya, dinner tayo?” Paglalambing ko. “Sa bahay ninyo?” konting lambing lang, alam kong bibigay din siya. “Oo. Sa’n mo ba gusto?” Hindi na siya nagsalita. Kaya nagpa-cute na lang ako. Usually kapag ganoon, hindi na siya nagagalit at pinapatawad na niya ako, pero sa pagkakataong iyon, mukhang sumama talaga ang loob ng nobyo ko dahil basta na lang niya akong iniwan duon. He quietly walks away. Hindi naman ako nag-alala dahil sigurado akong mapapatawad din niya ako mamaya. Nagpapakipot lang iyon. Masyado akong nalulong sa kwento ng babaeng isinusulat at iginuguhit ko kaya hindi ko na namalayang inabot na ako nang umaga. Alas-singko na nang mangalay ang kamay ko sa kaka-drawing. Napatutop na lang ako sa noo nang maalala si Ed. Tumingin ako sa cellphone kong nakapatong lang sa lamesa ko at wala akong nakitang message duon. Inisip ko na lang na baka galit pa rin siya sa akin kaya tiniis niyang hindi ako kamustahin magdamag. O baka mas lalo pa siyang nagalit dahil ang diner na pinangako ko ay nakalimutan ko na naman. Iniligpit ko na lang ang mga gamit ko. Worth it naman ang lahat dahil natapos ko na ang pina-rerevise sa akin ni Melissa. Una kong pinuntahan si Ed sa condo niya sa Makati, malapit sa building ng opisina namin pero wala siya duon kaya dumiretso na ako sa bahay. Beinte-quatro anyos na ako pero duon pa rin ako nakatira sa bahay ng mga magulang ko kasama ang teenager kong kapatid. Kung hindi ako nagkakamali, fifteen lang siya. Malambing si Trish at makulit kaya masaya akong madatnan ang boyfriend ko sa bahay namin na nakikipaglaro sa kapatid ko ng scrabble nang umagang iyon. Si Trish ang unang nakakkita sa akin at tumayo agad siya para salubungin ako. “Ate! Oh, Kuya Ed, sabi ko sa’yo uuwi na si Ate eh! Mabuti na lang at dumaan ka dito bago pumasok.” Napangiti ako kay Ed nang tumingin siya sa akin. Akala ko talaga mag-aaway na naman kami pero natuwa ako sa effort niyang magpunta dito sa bahay para abangan ako. Niyakap ko agad siya at hinalikan sa pisngi. Napakalas na lang ako agad nang marinig si Papa na nagkunyaring nasamid. “Ang aga naman niyan.” “Good morning, Sir.” Sabi ni Ed. “Good morning.” Ganting bati ni Papa bago siya naupo sa sofa at nagbuklat ng diyaryo. “Pasalamat ka talaga, Riya, mabait itong si Ed.” Si Mama iyon na kalalabas lang sa kusina niya bitbit ang isang bandehado ng pancit na niluto. Inilapag ni Mama iyon sa hapagkainan namin. “Kumain na kayo habang mainit pa ‘to.” “Sorry.” Bulong ko kay Ed na nginitian lang ng mabait kong nobyo. Hinawakan ko ang kamay niya saka ko siya hinila papunta sa lamesa. “Puro ka trabaho. Baka naman pwede kang magpahinga?” minsan lang magsalita ang Papa ko kaya natahimik ang lahat. “Kapag iniwan ka ng lalaking ‘yan, iiyak ka talaga.” Napasimangot akong tumingin sa katabi ko. Pilit na ang ngiti ni Ed. Sa pagkakataong ‘yon, mukhang wala na akong kakampi sa araw na iyon. Hanggang sa pisilin ni Ed ang kamay ko. “Pa, hindi ko po gagawin ‘yun. May mga plano na ako para sa amin.” Kinikilig na ngumiti si Mama at ang kapatid ko. “Ang sweet talaga ni Kuya Ed. Kapag laki ko, magkaka-boyfriend ako nang katulad niya.” LALO akong napangalngal nang maalala iyon. Nagprisinta na si Jace na magmaneho kanina nang magsimula na naman akong mag-i-iiyak. Mabuti na lang at reliable ang signal ko sa phone kaya sinusundan ngayon ni Jace ang online map ko. “Uy, bakit? Baby…” alam kong sinusubukan lang niya akong patahanin pero hindi ko kayang ihinto ang pag-iyak. “Gusto mo ng ice cream?” he suddenly asked as if I am a little child. Napalingon ako sa kanya. “Saan? Nasa gitna tayo ng Halsema?” tinutukoy ko ang cliff road papunta sa Sagada. “Baka may madaanan tayong tindahan pero libre mo na ‘yun huh? Nagugutom na ako eh.” Kung anuman ‘yung ginawa ni Jace, effective iyon dahil nadistract ako. Isa pa, mukhang na-trigger din ang gutom ko dahil sa sinabi niya kaya hindi na ako nagprotesta. Nakakita nga kami ng iisang bahay sa gilid ng kalsada na may tindahan. Ipinarada muna ni Jace ang kotse ko sa gilid at tumingin kami duon ng mga pwede naming bilhin. Narinig ko agad ang tiyan ni Jace kaya bahagya akong natawa pero hindi naman siya nag-demand ng kanin kahit may tindang lutong ulam ang tindahan kaya ako na ang nag-offer. “Kain tayo niyan?” tanong ko sabay turo sa mga nakapaskil na combo meals sa tindahan na iyon. Nakatitig sa ulam si Jace, napalunok saka tumango. “Gusto ko ng bopis.” Ako na ang umorder at dinagdagan ko na rin ng extra rice. Ayaw na ayaw kong may kumakain sa loob ng kotse ko pero dahil mausok sa labas gawa ng mga dumadaang truck at kotse, napilitan akong pumayag na duon kumain. Wala namang ka-arte-arte ang lalaking ito kahit wala kaming gamit na kubiyertos. Mukhang kahit marami namang pera ang Tatay niya at si Melissa ay hindi lumaking maselan si Jace. “Sanay kang mag-travel, ano?” tanong ko sa kanya habang pinanunuod siyang kumain. “Wala akong bahay kaya dapat sanay akong mag-travel.” Sagot niya sa gitna ng pagnguya. “Ano’ng ibig mong sabihin? Hindi mo ba bahay ang bahay ni Melissa?” “Nope. Kay Mama ‘yun. Nakikitira lang ako sa kanya tapos minsan, nagpupunta ako sa Tatay ko pero hindi ko rin bahay ‘yun dahil sa pamilya niya iyon.” ayaw na ayaw ko ‘yung lalaking nagsasalita kapag may laman ang bibig pero bakit ang charming pa rin ng batang ito? “Alam mo, masyadong kumplikado ang buhay ko. ‘Wag mo ng uriratin.” Pagkasabi noon, nakita kong patapos na siya sa pagkain. “Busog ka na?” gulat na tanong ko. “Oo. Bakit, papakainin mo pa ako? Game pa ako d’yan!” “Naku, tigilan mo na. Hindi ka pwedeng magkalat kung saan-saan.” Napangiti siya sa sinabi ko. Ang ibig kong sabihin e, hindi siya pwedeng maging pakalat-kalat lalo na’t wala siyang pera. Kapag napa-trouble siya, damay ako. Pero mukhang iba ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko. “Sabagay.” Ngingiti-ngiting sagot niya, “Alam ko namang worried kang tuluyan na akong ma-kidnap ng ibang babae.” Sinundan niya pa iyon ng kindat saka niya iniligpit ang mga kalat niya at ibininukas ang pinto. “Makikihugas lang ako ng kamay, tapusin mo na din ‘yan tas itong sukli sa akin, ibibili ko na lang ng ice cream ha.” Tumango na lang ako. Tapos na akong kumain nang nakangiti siyang bumalik sa kotse ko bitbit ang tatlong popsicle sticks. “Tingnan mo, Riya, na-gwapuhan sa ‘kin ‘yung tindera, binigyan ako ng libreng pinipig crunch!” parang bata siya kung mag-kwento. “Hindi napogian sa’yo ‘yun. Baka mabait lang talaga siya.” “Grabe naman ‘to. Gwapo ako sabi ni Mama.” Napaikot ang eyeballs ko dahil sa pagbubuhat niya ng sariling bangko. “Mama mo ‘yun e.” he laughed at my remarks. Duon ko na-realize na talagang gwapo siya. “Oo na. Gwapo ka na. Tigilan mo na ‘yang pagkakalat ng killer smile mo. Pagkatapos natin dito, umalis na tayo huh. Baka maabutan pa tayo ng gabi sa daan.” Maliksing sumaludo siya. “Yes Ma’am.” Mabilis niyang kinain ang dalawang popsicle sticks saka ipinagpatuloy ang pagda-drive. Pagkaraan ng ilang minuto, hindi na siya nakatiis. “Ano’ng nangyari sa’yo, bakit nagpapakalayu-layo ka?” sinasabi ko na nga ba at ako naman ang uusisain niya. Pinilit ko na lang na ngumiti. “Broken-hearted din ako.” I nonchalantly answered. “Sabi na. Nung nabunggo pa lang kita, naramdaman ko na ang negative energy. Kaya siguro sinigaw-sigawan mo ako. Menopause ka na ba?” “Gusto mong maglakad papuntang Sagada?” Natatawang kinurot niya ang pisngi ko. “Joke lang naman! ‘Di ka na mabiro!” “Aray! Meron ka bang kilala na nasa 29 years old pa lang menopause na?!” “Oo na. Binibiro lang kita e! Hindi ka naman mukhang menopausal. You don’t look old. Ang totoo niyan, crush nga kita e!” Natigilan ako sa sinabi niya. Alam kong biro lang iyon pero parang may kaunting kurot sa puso ko ang sinabi niya. Umirap na lang ako para ikublki ang kaunting kilig na nararamdaman ko dahil duon. Kaedad siya halos ng bunso kong kapatid. Hindi pwede akong kiligin sa kanya. “Uy, tutulugan mo ako?” reklamo niya nang humarap ako sa bintana at pumwesto para maidlip. “Bakit ba? Pagod ako.” Hindi na siya tumutol. “Sige, pero kapag nasa Sagada na tayo kailangan gumising ka ha. Hindi ko alam kung saan ang bahay mo.” “May map ka oh!” Tinuro ko sa kanya ang cellphone ko na nasa dashboard. “E basta gumising ka. Sige ka, kapag naligaw tayo, hindi ko kasalanan ah!” “Oo na.” At nakaidlip nga ako nang matiwasay. My 29th Birthday Party Si Mama at Papa ang nag-asikaso sa party na iyon. Kahit hindi na nila sabihin sa akin, alam kong nasa likod ng preparasyon na iyon si Ed. I always knew that he loves to surprise me. Ang sabi pa niya noon, masaya siya kapag nakikita akong naiiyak sa gulat at saya. A kind of morbid love that I always look forward to. At dahil 29 na kami, inaasahan kong sa pagkakataong ito, marriage proposal na ang surpresa ni Ed. Para saan pang sa mamahaling hotel siya nagpa-reserve para sa kaarawan ko? Hindi siya magsasayang ng oras at pera para lang sa wala kaya sigurado ako, he’s up to something grandious. Naiisip ko na kung paano ko siya sasagutin ng “Oo” kapag inalok na niya ako ng kasal. Ang isipin pa nga lang na makikita kong naiiyak siya sa tuwa ay napapangiti na ako, paano pa kaya kung mangyari na iyon mamaya? Dahil sa International Project na pinuntahan ko sa loob ng anim na buwan, matagal ko ring hindi nakita ang pamilya ko. Isa na rin sigurong pa-welcome party iyon. Kaya excited talaga akong makasama ang kapatid kong naging mailap sa akin nang mga nagdaan na buwan. Mayroon siguro siyang pinagdadaanan. Babawi na lang siguro ako kapag nagkita na kami ulit. Kung may lalaki mang nanakit sa kanya, gagawa ako ng oras para maiganti si Trish. O baka naman nagtatampo pa rin siya dahil hindi ko siya naisama sa Seoul gaya ng pangako ko? Pero alam kong mapapatawad pa rin naman niya ako kapag nakita na niya ang regalo kong nasa loob pa ng kwarto ko sa hotel na iyon. Concert ticket sa paborito niyang k-pop group! Front seat with fan meeting. I’m sure she will forgive me. Madami na ang bisitang naroon, na kanina pa ako binabati. Pati ang mga magulang ko ay abala sa pag-iistima sa mga ito. Pero sa kabila noon, hindi nakaligtas sa akin ang ekspresyon ng mga mukha nila Mama at Papa. Para silang nag-aalala. Baka dahil hindi pa rin kasi dumarating si Trish? Siya na lang yata ang hindi ko pa nakikita mula pa kanina. Nung dumating ako two days ago, nasa gala naman si Trish kaya hindi pa kami nagkikita ulit pagkatapos ng anim na buwan. “Ma, nag-text na si Trish?” tanong ko sa kanya nang makalapit sa kanilang dalawa. “Hindi pa anak.” Nothing’s unusual. Ganoon naman siya katipid sumagot. Hindi na lang ako nag-alala. Prente na akong naupo sa silya ko habang nagsisimulang ipalabas ang video na ginawa para sa akin ni Ed. Hindi ko alam na talented siya sa video editing, o baka pinagawa niya lang kay Melissa? Hindi ako sigurado. Napalingon na lang ang lahat nang marinig naming bumukas ang pinto. At pumasok sa malaking event’s hall na iyon ng magkasama si Trish at Ed. Normal lang para sa akin ang bagay na iyon dahil alam kong matalik na magkaibigan ang dalawa. Pero ang hindi normal sa akin ay ang bahagyang pag-usli ng tiyan ng kapatid kong iniwan kong slim bago lumipad pa-South Korea. Nasa mukha ng dalawa ang kakaibang tensiyon na ngayon ko lang nakita. Hindi ako sigurado kung nag-aaway ba ang mga ito. “Ma, Pa. Andyan na sila Trish oh.” Sabi ko sabay turo sa kanila. Agad na lumapit ang Papa namin sa dalawa pero nagtaka ako kung bakit nagalit si Papa. Hindi ko man sila naririnig, alam kong hindi maganda ang mood ng tatay namin sa hitsura pa lang ng paglapit niya sa kapatid ko at kay Ed. Out of curiosity, tumayo ako para lapitan sila habang nanunuod pa rin ang mga bisita. “…umalis ka dito. Lubayan mo ang mga anak ko!” ‘yun ang narinig kong sinabi ni Papa kay Ed pagkalapit ko sa kanila. Umiiyak na si Trish. “Papa, tama na.” “Magtigil kang babae ka!” “Pa?” shocked na sabi ko pagkatapos kong marinig ang itinawag niya sa paborito niyang anak. Bunso ang tawag nila Mama at Papa kay Trish. What have she done to change their endearment? “Ano’ng nangyayari dito.” Nakita ko agad sa mukha ni Papa ang sakit. “Mag-usap-usap kayong tatlo.” Pagkasabi noon, nag-walk-out na siya. Sa gulat ko hinila ako ni Ed palabas ng hall. Oo, ako na birthday celebrant, kinaladkad ng boyfriend ko palabas sa party ko. Nakatitig lang ako sa kanya habang frustrated ang mukha niya na hindi malaman kung paano ako kakausapin. “Ed, ano’ng nangyayari?” kalmado kong tanong. “Ayoko na Riya.” Pagkasabi noon, mabilis na tumulo ang mga luha ko. “Pagod na ako’ng intindihin ka. I’m sorry. It just happened.” “Ano nga’ng nangyari?” Pinipilit ko pa ring magpakatatag kahit ang totoo’y nanginginig na ang buong kalamnan ko sa galit, takot at sakit. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. We’ve been together since highschool. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang abutin lahat nang gusto kong marating para ihanda ang sarili ko sa tahimik naming buhay may-asawa. Ni minsan, hindi ako nagsawa sa kanya kahit madalas kaming hindi magkausap. ‘Yung mga panahon na hindi siya nakakapunta sa akin kahit kailangan ko siya, nirespeto ko dahil alam kong hindi biro ang magpatakbo ng negosyo. We were partners. How can he give up on me now? “I love your sister.” That’s his only answer to these questions in my head. Parang gustong sumabog ng dibdib ni ko nang marinig ‘yon. At sa galit ko, nasampal ko siya, literal na nagwala ako sa hotel! Isa akong edukadang babae, pero totoo ngang hindi mo na maiisip ang diplomang pinagpaguran mo kapag nasaktan ka na. Nagmura ako, sumigaw, at nanakit. Para kahit konti maibalik ko man lang sa kanya ‘yung hapding nararamdaman ko ngayon. Pero mas lalo lang lumalim ang sugat nang awatin pa ako ng kapatid ko. “Tama na ‘te.” Niyakap pa niya ako. Ang kapal ng mukha! “Sorry, ate. Sorry.” Trish did not let me go until I sat down on the floor. Sinubukan niya ulit akong yakapin pero sinampal ko na din siya. “’Wag kang lalapit sakin.” Mariin kong utos sa kanya. “Siya ba ang Tatay niyan?” tahasan kong tanong. Nakumpirma ng mga naririnig ko sa paligid ang naiisip ko kanina kaya hindi na ako nagulat nang tumango siya para sagutin ang tanong ko. Mabuti na lang at nilapitan na kami ng mga security guard kung hindi, baka talagang nasaktan ko na siya. Tinulungan nila akong tumayo, samantalang si Ed ay nakaalalay sa bruha kong kapatid. Handa na akong kalimutang mayroon akong relasyon sa dalawang iyon, lalo na sa kapatid ko nang biglang sumakit ang tiyan niya. Dinagsa ng takot ang dibdib ko nang makitang marami ng umaagos na dugo mula sa pagitan ng hita niya. Maagap siyang pinangko ni Ed para itakbo sa ospital. I did not dare to follow them. I just went upstairs and cried. Kahit pa nag-aalala ako kay Trish, tiniis kong huwag sumunod sa ospital para tingnan ang lagay ng kapatid ko kaya hinahayaan ko na lang ang mga text ni Mama kaysa i-block ang number niya. Ayaw kong pag-isipan ng masama ang mga magulang ko pero sa tingin ko, alam na nila ang tungkol kay Trish at Ed pero hindi man lang sila nag-abala na sabihin sa akin ang totoo. Nagmukha akong tanga. Nakahinga ako nang maluwag nang balitaan ako ni Mama na maayos na ang lagay ni Trish at ng bata pero hindi nabawasan ang sakit. Ilang araw akong hindi nagpakita sa kanila kahit ilang beses na nila akong tinangkang kausapin. Pagkatapos ng ilang araw na paglulungga ko sa hotel, saka lang ako nagdesisyon na magpakita sa kanila pagkatapos makiusap sa text ni Papa na mag-usap kami bilang pamilya. Pumunta ako sa bahay gaya ng gusto nila para mananghalian pero hindi ako kumakain kahit ano pa ang iabot sa akin ni Mama. Halata namang nagsisisi ang kapatid ko sa nagawa niya pero paano pa ba namin maaayos iyon? Sinira na niya ang tiwala ko. “Anak, h-hindi lang talaga namin alam kung paano ipapaliwanag sa’yo.” Pagsisimula ni Mama habang tahimik kaming magkakaharap sa lamesa nang tanghaling iyon. “Wala naman na akong magagawa eh. Buntis na si Trish. Magpakasal kayo ni Ed.” Sagot ko. Ni hindi kumukurap. “Ate, hindi ko gagawin ‘yon. Tatapusin ko na lang ang-” Mabilis kong pinutol ang anumang sasabihin niya. “Magpapakasal ka sa kanya o hindi niyo na ako makikita sa bahay na ‘to kahit kailan.” Hindi nagsalita si Papa nang sinabi ko iyon. “Anak naman.” Ginagap ni Mama ang kamay ko. “Matanda na kami ng Papa mo. Kailangan ka ng kapatid mo.” “Kaya nga magpakasal siya kay Ed.” I sarcastically answered striking her with my deadly stare. “Babalik ako bago ang kasal ninyo at pagkatapos noon, tatapusin ko na ang webtoon na ginagawa ko saka ako mag-reresign.” Alam ng kapatid ko kung gaano ko kagustong maging comic artist. Siya pa nga ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko dahil alam kong ang kapatid ko ang nag-iisa kong number one fan. Paano niya nagawang saktan ako ng ganoon? Sa sobrang sanay na ako sa sakit, nakaya kong pigilan ang pag-iyak sa harap nila pero habang nakasakay na ako sa aking mirage papunta sa Sagada, hindi ko na maawat ang sarili sa pagmumukmok. Iyong paglayo lang ang nakikita kong paraan para makapag-move on. Gagawin ko iyon dahil mahal ko ang kapatid ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD