Nakarating na kami sa Sagada nang lingunin ko ang katabi ko. She’s sleeping like a baby now. Malayung-malayo ang hitsura niya ngayon sa matapang na babaeng umaaway sa akin kaninang tanghali. She must be super tired.
Napangiti ako nang maalala ang pagsipa niya sa akin kanina. Ako nga lang yata ang sinipa na pero masaya pa rin. How can I even complain? Sa dinami-dami ng tao kanina sa palengke, siya pa ang nakabunggo ko. Katulad dati, maawain pa rin siya at malambot ang puso. Yes, I know her before the incident earlier.
Hindi pa ako sigurado noong una dahil hindi na katulad noon ang buhok niya. Mahaba na kasi iyon ngayon at wala ng kulay. She also become skinnier. Masyadong malayo sa mga pictures niya sa social media. Pero nang makita kong naka-save sa cellphone niya ang number ni Mama, na-kumpirma ko ngang siya ‘yung babaeng sobra kong hinahangaan noon. My one and only crush.
Hindi na siguro maaalala ni Riya iyon pero nakatatak pa rin siya sa puso at isip ko. At mas lalong hindi ko makalimutan kung paano niya tulungan noon ang matandang babae na parating nakatambay sa tapat ng building ng ex niya.
Maraming tao ang nakakakita sa matanda na iyon sa araw-araw at tanging si Riya lang ang lumapit at nagmalasakit. Iyon ang unang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.
Si Lola Remedios ang palagi kong kakwentuhan ko kapag nakatambay ako sa InkPublications. Tinatabihan ko siya sa pwesto niya pagkatapos ng school hours ko.
Ganoon kasi ang routine naming ni Mama noong highschool ako. Ihahatid ako ni Mama sa school at pinipilit niya akong puntahan siya sa trabaho niya para sabay na din kaming umuwi. She even threw the spare key just to force me to wait for her at her office. Ayaw na ayaw ko kasing may mga taong tumitingin sa akin kaya hindi ko gustong magpunta sa mga public places kagaya noon.
And that routine only started when I cut myself.
Gusto lang ni Mama noon na ma-divert ang isip ko dahil nang mga panahon na iyon, lugmok na lugmok ako sa lungkot at self-hate. It all started when my parents got divorced. Nag-iisang anak ako at isa pang introvert kaya hindi naging madali ang sitwasyon na iyon sa akin. I always blame myself. Iniisip ko noong kaya sila naghiwalay dahil masama akong anak.
My parents used to be romantic with each other. Nabago lang ‘yun nang dumating ako. Sabi ni Mama, wala akong kasalanan, pero tuwing napapanuod ko ‘yung mga video tapes nila na nasa bahay lang, mas lalo akong nakukumbinsi na ako ang sumira sa relasyon nila. Nang dumating ako, they had to work their asses off to make a living. That’s one reason why they grew apart. Naging financially stable nga ang pamilya namin dahil sa sipag nila, pero nasira naman iyon. Lahat ng issues nila sa relasyon nila, biglang sumabog noong nasa second year high school ako. Hindi lang ako nagsasalita noon pero nasasaktan ako sa biglaan nilang pagpo-proseso ng divorce. Noong mga panahon na iyon, nagloko ako sa school, parating umiinom kasama ang mga barkada at literal na hindi na ako nag-aral. Mas lumala ako nang umalis si Papa papuntang Hong Kong at duon nagpakasal sa babae niya. Literal na nawalan ako ng direksyon sa buhay at ng rason para ipagpatuloy pa iyon.
How can I dare to live when I always see my mother cry?
Because I blame myself too much, hindi naging mahirap sa akin na hiwain ang pulsuhan ko. Then mom just saw me bleeding to death one afternoon when she got home from work. Nang magising ako, agad na kumunsulta si Mama sa psychiatrist at duon, unti-unti akong naka-recover. Natanggap ko na ang lahat. Ipinaliwanag din ni Mama na walang may kasalanan sa failed marriage nila ni Papa kung hindi silang dalawa dahil naging selfish daw sila.
At dahil sinabi ng psychiatrist ko na si Dra. Abuello na hindi ako pwedeng iwan mag-isa ni Mama kaya naisipan niyang dalhin ako sa office. She even got a permit from her boss to allow me stay within the building vicinity.
I was just 19 back then.
While this beautiful lady beside me is just in her early 20s that time. Iyong panahon na ‘yon ang una naming pagkikita. Kung hindi ako nagkakamali. Iyon ang kasagsagan ng kasikatan ng unang comics na ginagawa ni Riya. Available na sa internet ang the Duchess pero mayroon pa itong printed version na binibili pa rin ng mga fans. At aaminin kong isa ako sa mga batang na-adik sa comics na iyon.
Five Years Ago,
Inabutan ako ni Mama ng isang bote ng energy drink. Iyon lang kasi ang available sa ref ng opisina niya. My mother is working for this publishing house for printed and online books. Isang Ernest Carbonel ang may-ari noon na malapit ng magretiro kaya ipapamana na nito sa anak nitong si Edward ang lahat. Hindi ko naman kailangang marinig ang istoryang iyon mula sa Mama ko dahil alam sa buong Pilipinas ang tungkol sa mga Carbonel. Mas lalo pa ngang naging sikat ang mga taong ‘yon nang ibalita sa publiko ang engagement ni Ed sa illustrator nilang si Riya.
Riya Delos Santos is a webtoon artist and a legend in the making. ‘Yung series kasi na ginagawa niya ay nagkakaroon agad ng puwang sa global webtoon industry. Hindi na talo ang Edward na ‘yon sa kanya dahil bukod sa magaling si Riya sa ginagawa nito, maganda din ito at simple. Mga katangiang hinahangaan ko sa katrabaho ni Mama.
Kung magkasing-edad nga lang kaming dalawa, hindi ako magdadalawang isip na ligawan siya. She’s exactly my type. Kaya lang, dahil bata pa ako, alam kong hindi ako pag-aaksayahan ng oras ni Riya.
“Riya, halika na. Kakain na tayo.” Napalingon pa ako kay Mama nang maaktuhan niya akong nakatitig kay Riya. “Si Jace nga pala.” Dagdag niya.
Tumango lang ang babae saka ngumiti. “Hi Jace!” Hindi pa rin siya nakatingin sa akin pero sinisimulan na niyang iligpit ang mga gamit niya. “Give 3 minutes, Mel.”
“Okay.” Tinabihan lang ako ni Mama sa sofa saka ako binigyan ng tingin na nagbabanta. I smiled at her. Mayamaya’y hindi na din nakatiis si Mama at bumulong pa sa akin. “Bakit ganyan ka makatingin d’yan?”
Nagkibit-balikat lang ako habang nakangiti pa rin.
Pagkatapos ng tatlong minuto, sabay-sabay na kaming naglalakad sa hallway papunta sa elevator. Ngayon naman ang cellphone niya ang pinagkakaabalahan niya. Hindi na siya nawalan ng gagawin pero hindi nababawasan ang pagiging attractive niya.
“Pagkatapos nating mag-lunch saan ka na pupuna, ‘nak?” tanong sa akin ni Mama. Pero hindi agada ko makasagot dahil nabibingi ako sa kabog ng dibdib ko. “Anak?” untag niya sa pagkatulala ko.
“Babalik ako sa school kasi may kukunin ako.”
“College na siya, Mel?”
“Oo. Malapit na. Kaya lang, mukhang hindi pa siya makaka-graduate. Nagloko kasi itong batang ‘to.” Natatawang sabi ni Mama kay Riya habang hindi ako makapagsalita. Sa unang pagkakataon kasi, tinapunan ako ng sulyap ni Riya. Pagkatapos ng maiksing tingin na iyon, nagcellphone ulit siya saka nakangiting sinagot ang tawag mula duon.
“Oh, baby. Magla-lunch na po. Kasama ko si Mel saka ‘yung anak niya. Pupunta ako d’yan mamaya after lunch. Oh, okay. Sige. I love you.”
Nakikita ko sa mukha ni Riya kung gaano siya ka-sincere sa sinabi niyang iyon sa kausap niya, na obviously ay ang boyfriend niya. Naihiling ko tuloy na sana ganoon ang lahat ng babae. Hindi katulad ng mga may crush sa kanya sa school. Binibigyan nga ako ng mga love letters pero kapag nakita ko naman nakatambay sa kung saan, ibang lalaki din ang pinagkakaabalahan.
Kaya nga kahit madaming bab ae ang nagpapapansin sa akin, nananatili akong single.
Napahinto ako sa pagsakay sa sasakyan ni Mama nang makita kong lumapit si Riya sa isang matandang babae na nakaupo sa gilid na kanina pa sinisita ng gwardiya at pinapaalis.
“’Nay, bakit kayo nakaupo d’yan?” I thought she’s busy with her phone. Kaya nakakagulat na napansin niya pa iyon.
“Dito kasi nagtatrabaho ‘yung anak ko. Hihingi ako ng pagkain.” Sagot ng matanda.
“Ano ho bang pangalan ng anak niyo?” Hindi man lang nailing si Riya na tabihan ang matanda.
“Juancho Llama.”
“Ma’am wala naman po tayong employee na Llama dito. Kahit Juancho wala.” Singit ng gwardiya. “Nag-uulyanin na po yata ‘yan e.” dagdag pa nito.
“Halika ‘Nay. Kakain tayo tapos, hahanapin natin ang anak mo. Okay ba ‘yun?”
Naging emotional na ang matanda at nagpupunas ng luha na sumama kay Riya.
Tinulungan ko siyang alalayan ang matanda sa pagsakay sa kotse saka kami nagpunta sa malapit na restaurant. Habang kumakain, nakikinig lang si Riya sa usapan namin. Sumasagot siya kapag tinatanong at ni hindi ko kahit isang beses narinig na nagkwento siya ng tungkol sa sarili niya. Indikasyon na totoong selfless siya. Lalo pa nga niya akong napahanga nang totohanin niya ang sinabi kaninang tutulungan niya ang matanda sa paghahanap ng anak nito.
“Sure kayo, Mel? Kaya ko namang samahan si Lola Remi.” Tanong niya kay Mama nang magprisinta si Mama na sumama.
“Okay lang. Ikaw, anak. Bumalik ka na sa school.”
“Sasama ako, Ma.” I insisted.
Tatlo nga kaming nagpunta sa police station. Duon namin nalaman na matagal ng hinahanap si Lola Remedios. Galing pala siya sa isang bahay-kalinga para sa matatanda at wala na siyang pamilya. Ang anak na hinahanap niya sa building ng nga Carbonel ay matagal ng patay. Naiyak agad si Riya nang umiyak ang matanda pagkatapos marinig na hindi na niya makikita ang anak niya. Sa huli, naisoli namin ang matanda sa mga nag-aalaga dito at nagbigay pa ng number si Riya kung saan pwedeng lumapit ang bahay-kalinga para mabigyan niya ng tulong ang mga katulad ni Lola Remi.
HINDI ko tuloy mapigilan ang sariling hawiin ang buhok niyang nagkalat na sa maganda niyang mukha. Mahimbing pa ring natutulog ang niya pagkatapos ko siyang kalabitin.
Bahagya kong niyugyog ang braso niya. “Riya, andito na tayo.”
Duon pa lang siya napabalikwas. Umupo siya ng tuwid at nag-ayos ng buhok. “Kanina pa tayo dito?” her disheveled hair looks perfect.
Pero hindi ako nagpahalata na kahit ang buhok niya, inaakit ako. “Medyo lang. Saan ang bahay mo?”
“Ako na ang magda-drive.” I insisted. “Sabihin mo na lang sa akin. Kakagising mo lang eh.”
Hindi na nga siya tumanggi. Ibinigay niya sa akin ang direksyon at ilang minuto lang, nakarating na kami ang two-storey house nila.
“Ang laki naman ng bahay mo.”
“Kaya nga okay lang na tumira ka dito.”
Napangiti ako. “Thanks.”
“Dito ka na titira?” tanong ko habang tinutulungan siyang mag-unload ng mga pinamili niya kanina.
Masama ang tingin niya sa akin nang lumingon ako. “Bakit ka ganyan makatanong? Ikinukwento ba ako sa’yo ni Melissa?” she suspected.
Umiling ako. “Of course not!” as if she doesn’t know that she’s popular. Hello? Ang dami niyang fans na nag-a-upload ng mga facts tungkol sa kanya sa internet. Her house information is not even private anymore. “Alam ko lang na sa Manila ka talaga nakatira, thanks to your avid fans.”
Napatangu-tango siya. “Okay. ‘Yung kwarto mo, nanduon sa kanan. Akin ‘yung nasa kaliwa.” Sabay turo sa taas. Kalahati lang kasi ng kabuuhan ng bahay ang may second floor. Kaya malawak at malaki ang sala na mayroon pang fireplace at dining area. “’Wag kang magbabasag sa kwarto ah kasi kwarto ng Mama at Papa ko ‘yan.”
“Opo.”
“Okay lang sa akin na mag-inom ka, magwala ka, magkalat ka basta maglilinis ka. At ‘wag mo akong kakatukin o papasukin sa kwarto ko. Gets mo?”
“Hindi naman kita type ‘no.” I lied. Ayoko lang na mapraning siya kapag nalaman niya ang totoo kong feelings para sa kanya na hindi pa rin pala nawawala.
“Good.” Sabi niya saka ipinagpatuloy ang pag-aayos ng mga pinamili. Halata sa bahay na iyon na palagi itong nalilinis.
“May katulong kayo dito?” I asked out of curiosity.
“Wala. Pinapakisuyo lang nila Mama duon sa kaibigan nilang dito pa rin nakatira sa lugar na ‘to kaya malinis lagi dito.” Pagkatapos niyang maiayos ang mga pinamili, naghubad na siya ng jacket na suot. “Gusto mo bang mag-sindi ng kahoy d’yan?” Hindi kasi kami nagpakabit ng heater dahil magastos sa kuryente ‘yon.”
“Gusto mo ba? Okay lang naman sa akin kung wala.”
“Okay. Sige. Akyat na ako. Good night.” Pagkasabi noon, humakbang na siya papunta sa hagdan na nasa gilid ng sofa set.
“Teka, hindi ka magdi-dinner? Ipagluluto kita.” Pahabol ko.
“Magluto ka na lang d’yan ng gusto mo. Matutulog na ako.”
Nagkibit-balikat na lang ako saka naghalungkat ng pwede kong iluto.
***
Nagising ako sa mahinang katok mula sa labas ng kwarto ko. Iyon pa naman ang pinakaayaw ko; iyong gisingin mula sa mahimbing na pagkakatulog para lang makakita ng isang gwapong lalaking may hawak na isang tray na may lamay isang plato ng fried rice, two sunny-side ups, hotdogs, bacon strips at isang tasa ng kape.
“Good morning! Breakfast in bed. Wala ka pang kain mula kagabi kaya ipinaghanda na kita.”
Imbes na kiligin at mapangiti sa sweet gesture ni Jace, napasimangot agad ako. “Diba sabi ko sa’yo, ‘wag mo akong kakatukin?”
“Sorry. I was just worried. Sigurado nalipasan ka na ng gutom.”
Mas nag-init ang ulo ko. Ayaw kong may nakikialam sa akin. “Just leave me alone, will you? I don’t need you to worry about me.”
Nahalata ko agad ang pagkabigla sa mukha ni Jace. Napapahiyang umatras ito saka naglakad palayo. Kahit ako nagulat sa ginawa ko. Alam ko naman nagmamagandang loob lang siya pero ano’ng ginawa ko? Pinaandar ko na naman ang init ng ulo ko at ang pagiging rude ko. Mukhang nakasakit ako ng feelings. Bigla tuloy akong hindi mapakali. Pagkatapos kong bumalik sa kama para matulog, napabalikwas ulit ako ng bangon nang ma-imagine na umalis na ang anak ni Mel sa bahay namin. Hindi naman kakayanin ng konsensya ko na pabayaan siya. Melissa has been a good editor to her and a best friend for all those years. Kahit nga medyo basura na ‘yung ibang episode sa webtoon ko, ginagawan pa rin niya ng paraan kaya sino ako para tratuhin ng ganoon ang anak nito?
Mabilis akong nag-ayos ng sarili at nagmadaling bumaba.
Pilit akong nginitian ni Jace nang maabutan ko siyang kumakain sa baba. “Ano, lumamig na ulo mo?” he asked immediately.
Tahimik akong naupo sa upuang katapat niya. “Sorry.”
Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay saka nagpakawala ng bunting-hininga. “Sanay na ako. Ganyan din si Mama kapag puyat.”
Ngumiti ako. “Salamat sa pag-aalala mo. Kain na tayo?” Tumango lang siya saka niya ako nilagyan ng pagkain sa plato. Kinakain na kasi niya ang tinanggihan kong pagkain kanina. Tahimik lang siya habang nakatitig sa akin na tinitikman ang niluto niya. Hindi naalis sa akin ang tingin ng lalaking ito kahit pa nga kumakain din siya. “Ano’ng problema mo?”
“Wala lang. Nagbago ka na. Marami naman akong kilalang broken-hearted pero hindi naman naging masama ang ugali nila katulad mo.” Grabe naman siya sa akin. Natigilan na lang ako nang maunawaan ang sa sinabi niya. Ano’ng ibig niyang sabihin?
“Paano nasabi? Ngayon lang naman tayo nagkakilala? Ikinukwento talaga ako sa’yo ng Mama mo, ‘no?” kung makapagsalita kasi siya parang kilala niya ako. “Hindi. Tingnan mo, hindi mo na natatandaan na nagpupunta ako sa opisina ninyo noon?” Halata sa mukha ni Jace na nasaktan siya dahil hindi ko na talaga maalala na nagkakilala na kami noon. “Sorry, masyado akong busy noong mga panahong ‘yon.”
“Mukha nga. Pero nagbago ka na talaga. Bakit?”
“Ano bang pagkakakilala mo sa akin noon?”
“You used to be sweet, gentle and kind.”
Napa-“Wow” ako sa narinig sabay halakhak. “Grabe, santa naman pala ang tingin mo sa akin. Baka nagkakamali ka lang kasi hindi talaga kita maalala.”
Matagal akong tinitigan ni Jace habang may laman pa rin ang bibig niya at nakatitig sa akin. “What?”
“Forget it. Hayaan mo na. Naiintidihan ko na. Break up can really change people.”
Napakunot na lang ang noo niya. Mukha ngang may alam ang lalaking ito sa pagkatao ko. Alam kong walang panahon si Melissa sa anak para ikwento pa niya dito ang mga nangyayari sa buhay ko. Matagal na itong hiwalay sa Daddy ni Jace at ang batang ito ay walang permanenteng bahay dahil palagi itong bumibisita sa Hong Kong, kaya paano pa siya magkakaroon ng pagkakataon na maikwento sa anak niya ang buhay ko? Saka kilala ko naman si Melissa. Marunong siyang magtago ng sikreto. So, kung hindi pala si Melissa ang source ng mga nalalaman ni Jace tungkol sa kanya, saan niya napulot ang mga bagay na alam niya tungkol sa akin bukod sa mga avid fans ko?