Chapter 5

1442 Words
Napahalukipkip ako nang marinig ang sagot ni Jace. Duon ako nakabuo ng isang weird na conclusion. “Stalker ba kita?” Iyon lang ang nakikita kong rason kung bakit alam niya ang lahat nang tungkol sa akin. “Maganda ka ba?” he asked in a sarcastic manner. Inirapan ko siya. “Maganda lang ba ang ini-stalk?” ganting tanong ko saka pinaningkitan ng tingin ang batang ito. “Ako, oo. Kilala nga kasi kita kaya alam kong boyfriend mo si Ed Carbonel. Is he the real reason why you’re being grumpy?” he sounded like he’s just confirming because he already knows the truth. Galit na napabuntung-hininga ako. Mukhang wala siyang balak sabihin kung paano niya nalaman ang lahat ng iyon. Of course, hindi ako naniniwalang sa mga fans niya nakuha ang impormasyon. Although, hindi naman namin tinatago ni Ed ang naging relasyon naming dalawa, alam ko naman na hindi ako ganoon ka-sikat. Iyong level ng kasikatan ng mga celebrities ay iba sa stardom na mayroon ako. Naaalala lang ako ng fans kapag may na-release akong bagong volume or episode. Of course, my relationships are not that social media post-worthy. Kaya sino’ng maniniwala sa kanya? Unless, siya mismo ang stalker-fan na iyon? Kailangan kong mag-produce ng pasensya ngayon dahil baka masaktan ko ang lalaking ito. “Walang kinalaman sa lalaking iyon ang masama kong ugali. Ganito na talaga ako since birth, okay? Nawala ang lahat ng inis na nararamdaman ko nang ngumiti na si Jace at ibinalik ang pansin sa pagkain ng prutas na nakuha niya mula sa backseat. “I don’t think so. But, losing him is good for you.” Napalitan nga lang ‘yon ng pagtataka. Bakit naman good for me ang pagkawala ni Ed? Para nga akong nawalan ng direksyon nang mangyari ang lahat ng iyon. Ang goal ko lang ngayon ay ang matapos ang huling season ng webtoon ko. Pagkatapos kong mag-resign, wala na akong ibang plano kung hindi ang magkulong sa bahay namin sa Sagada at lustayin ang mga naipon ko hanggang sa pagtanda. Siguro, hihintayin ko na lang ang dapit-hapon ng buhako sa porch kasama ang isang bote ng wine. Habang nagsisintemiento ako, heto si Jace, enjoy na enjoy sa kinakain niyang mansanas na para bang siya ang nanalo nang ma-broken-hearted ako. “Are you mocking me?” bwisit na bwisit na ako sa lalaking ito sa mga oras na ‘yon. Bakit parang masaya pa siya na single ako ngayon at miserable? “Of course not.” Patuloy pa rin siya sa pagsasalita habang ngumunguya. “Alam mo, masaya lang ako kasi nagising ka na sa katotohanan.” “What do you exactly mean?” that’s it. Nag-iba na ang tono ko. Mukhang napasama pa ang pagmamagandang loob ko sa lalaking ito. Oo nga’t limang taon akong mas matanda sa kanya pero gustong-gusto ko na talaga siyang patulan. “Magkwento ka muna sa akin, sasabihin ko din sa’yo ‘yung gusto mong malaman.” Imbes na makipag-inisan pa sa lalaking ito, binitbit ko na lang ang plato ko saka umakyat sa kwarto. I need space. A lot of it. Kaya bahala na siya sa sala. Basta ako, okay na ako sa loob ng kwarto ko. NATAPOS ko na ang unang draft ng final episode nang maisipan kong sumilip sa bintana. Nakita ko duon si Jace na nakatambay habang umiinom ng isang bote ng beer. Malamang nakuha niya iyon sa ref ko. Mahilig din kasing uminom si Papa ng beer at palaging may ganoon sa ref. Nakita kong nagpapahid siya ng luha. Bigla ko tuloy naisip na baka nga kaya siya ganoon sa akin ay gusto niya akong damayan. He just probably know how it feels to be broken. How can I be so heartless? Pakiramdam ko tuloy masyado akong naging insensitive. Hindi ko man lang naisip na baka gusto lang din nito ng kausap. Tutal, wala na akong ginagawa, minabuti kong magsuot ng makapal na damit saka bumaba sa likod-bahay kung saan nakaupo si Jace sa isa sa mga bench na naroon katapat ng mga flower bed. “Gabi na ah. Bakit hindi ka pa matulog?” tanong ko bago tuluyang makaupo. “Hindi pa ako inaantok.” Garalgal ang boses niya nang sumagot sabay lagok sa hawak na bote. “Gusto mo?” alok niya. Kinuha ko sa kamay niya ang bote ng beer saka uminom rin duon. “Ayos dito ‘no. Nakakamanhid ‘yung lamig.” “Malamang.” I paused for a minute and looked at him. “May problema ka ba?” Mapait ang ngiting nasilip ko sa mga labi niya. Mabuti na lang at may light post kami sa likod bahay, naging madali para sa aking makita ang gwapo niyang mukha habang nakaangat ang isang sulok ng labi niya. Halatang hindi siya okay. Mayamaya, nagulat na lang ako nang takpan nito ang mga mata nang sariling palad. Iyon yata ang unang beses na may isang lalaking naging vulnerable sa harap ko, bagay na hindi ko kahit minsan nakita kay Ed. He is a strong-willed man. Pakiramdam ko palagi akong secured sa piling niya kaya bago sa akin ang pakiramdam na parang kailangan ako ngayon ng lalaking ito. Ayaw kong i-trigger ang pag-iyak niya kaya tinapik ko siya sa tuhod. “Alam mo, wala akong kayang ipayo sa’yo kasi nga diba, broken-hearted din ako.” Tumango ito. “Kaya mag-inuman na lang tayo. Magluluto lang ako ng pulutan.” Sumunod siya sa akin nang pumasok ako sa loob para magluto ng sisig. Nakatanghod lang siya sa ginagawa ko habang patuloy sa pag-inom. Nakiki-shot na din ako habang nagluluto. “Ano, tatambay ka lang d’yan? Magkwento ka. Magku-kwento din ako mamaya.” Sabi ko. Seryoso ang mga mata niya nang ipinukol iyon sa akin. Humugot muna siya ang malalim na buntong-hininga bago nagsimula. “Well, I just can’t accept the betrayal. Kung sinabi niya sa akin ng mas maaga na matagal na niyang gusto ‘yung matandang ‘yon, pakakawalan ko naman siya e. Hindi niya kailangang pagmukhain akong gago.” Bahagya ko pang tinawanan ang sinabi niya saka sumagot, “Kahit nga talaga mga gwapo naiisahan ano? At ang tanga niya kasi sa matanda ka pa niya ipinagpalit, e amoy pomada ‘yun. Ayaw niya sa fresh?” Natawa din si Jace pero sa isang iglap, nawala din iyon. Para ko pang nalasahan ang pait sa ngiti niya. “Silly. I’ve been with this amazing girl since high school. Bea is everything that I ever wanted and dreamt of. Ginawa ko ang lahat para sa kanya, then she stabbed me behind my back. She’s unbelievable.” “Baka naman kasi hindi ka niya talaga mahal? Baka naman pinilit mo lang siya kaya ang ending, ayan. Iniwan ka. O baka may nagawa kang mali? Have you tried asking her?” “Wow. Patapusin mo muna kaya ako?” Natatawang sabi ni Jace. Inikom ko ang bibig ko saka siya hinayaang magpatuloy sa kwento habang hinahain ko na na ang pulutan namin. “Sinabi naman niya na minahal niya ako pero ayaw niya iyong wala akong permanente at malaking income. I just never thought that she could do this to me.” Mataman akong tumitig sa kanya habang nilalagok pa rin niya ang laman ng bote na iyon. “Kahit sino namang babae, ayaw sa maliit lang ang income, pero kung talagang mahal ka nu’n kahit sa panaginip, hindi ka niya lolokohin.” “I agree. Hindi ko alam, baka bukod sa pera may iba pa siyang dahilan. Kaya nga kinakalimutan ko na siya.” “Good decision. Mabuti ka nga, hindi malapit sa’yo ‘yung umagaw sa girlfriend mo. Samantalang ako, kapatid ko pa.” I laughed hysterically. “Ang saya diba? Akala ko, mag-kuya lang ang relasyon nila, tapos after six months ng pag-alis ko, buntis na si Trish ng siyam na buwan? Snakes!” Hindi umimik si Jace. Did I over-share the information? Wala na akong pakialam. Hindi naman niya kilala ang kapatid ko at si Ed. “Gusto mo tapusin na natin sila?” “What?” bigla akong kinilabutan sa sinabi niya. For two straight minutes, nakatitig lang ako sa kanya. Hindi naman ako interisado sa sinabi niya pero parang gusto kong maniwala na kaya niya ngang gawin iyon. Nagulat na lang ako nang humagalpak siya sa katatawa. “Uy, gusto din!” tawa pa rin siya ng tawa kaya napairap na lang ako. “Kahit gustuhin ko, hindi naman ‘yon kakayanin ng kunsensya ko kaya nga heto, ako na lang ang lumayo. Wala rin namang silbi kung makikipag-agawan pa ako sa kanya. Hindi din ako mananalo dahil may anak na silang dalawa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD