Chapter 6

2263 Words
Riya’s POV “Then find a new love.” Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Parang ganoon lang kasi kadali iyon. Siya nga umiiyak pa sa panloloko ng ex niya, ako pa kaya na muntik ko ng pakasalan? Kunsabagay, ganoon naman talaga ang tao, nakakapag-payo sa iba nang mga bagay na hindi nila kayang i-apply sa mga sarili nila. “Baliw. I am not in the right shape to do that. Masyado pa akong broken, wala akong maibibigay sa lalaking mahahanap ko dahil naubos na kay Ed ang lahat ng pagmamahal ko. I don’t want to be unfair.” I told him honestly. He looked at me with an emotionless face. “What if I tell you that I am very willing to be your new love?” Marahan kong pinukpok si Jace sa ulo ng nahagilap niyang sandok. Mabilis niyang nasapo ang ulo niya saka siya nag-reklamo, “Aww!” “Sira ka talaga! Kung anu-anong kalokohan pumapasok d’yan sa isip mo! Isa pa, maawa ka naman sa Mama mo. Bigyan mo naman siya nang babaeng mas—” hindi ko na naituloy ang mga sinasabi ko nang biglang tumawa ng malakas si Jace. Para pa itong mapupugtuan ng hininga dahil sa kakatawa. Is he making fun of me? “Why so serious?” pagkatanong noon, bumalik na naman sa paghalakhak ang batang ‘to. Sa inis ko nilapitan ko na siya at pinagpapalo sa braso. Nahuli ni Jace ang pulsuhan ko at kinabig akong bigla palapit sa malapad niyang dibdib. Parehas kaming natahimik dahil sa tension nangingibabaw sa aming dalawa ngayon. At halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Paano ba lumaking hot ang batang ito? He has a nice warm chest. Pakiramdam ko, kaya kong tumira sa mga bisig niya at sumandal maghapon-magdamag sa dibdib ng binatang ‘to. Hindi ko alam kung nalasing ba ako sa kalahating bote ng beer na ininom ko o naliliyo lang ako dahil sa naaamoy kong alkohol sa hininga ni Jace. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit sa mukha ko. Hindi pa ako lasing dahil namalayan ko pa siyang tinatawid ang espasyo sa pagitan ng mga labi naming dalawa pero hindi ako umatras. Sinalubong ko ang halik niya nang nakapikit. Baka nga si Jace ang lasing. At ako? Nawawala sa sarili. May pag-internal screaming ang utak ko habang nilalasap ang tamis at pait sa labi ni Jace. Ilang minuto din naming tinikman ang labi ng isa’t isa nang mapasandal si Jace sa kanang balikat ko. Nakalapat dito ang noo niya habang nakatayo pa rin ako sa gilid ng counter katabi niyang nakaupo sa mataas na stool chair. “Let’s forget about them, please?” Narinig kong bulong niya. Sa huli, panakip-butas lang ang gusto ni Jace. Isang relasyong makakapagpalimot sa kanya sa babaeng mahal niya. I kinda like the offer but I am not that desperate to move forward. At ayokong gumamit ng ibang tao gaya ng gusto niya para lang makalimutan ang nanakit sa akin. Ayaw ko ring magpagamit. Sinaway ko ang sarili ko nang makaramdam ng sakit. Hindi naman ako bata para gawing big deal ang halik na pinagsaluhan namin pero bakit nasasaktan ang puso ko? Imbes na mag-react, tinapik ko na lang ang balikat ng lalaki. Naiintindihan ko siya. May mga taong ganoon talaga ang paraan ng pagmu-move on. Alam ko nga lang na hindi ako ganoon mag-isip. Mahal ko pa rin si Ed. At hindi ko pa makita ang sarili kong may kasamang iba. He pulled me closer as he stands before me. Nakalapat na ngayon sa balikat ko ang leeg niya habang nakayakap siya sa baywang ko. Matagal din kaming nasa ganoong pusisyon nang bumaba ang kamay ni Jace papunta sa kamay ko. Hinapit niya ako na para bang magsasayaw kami. And when he looked at my face, I met his drunk gaze. “Ano kaya kung tayo na lang?” sinabi niya iyon nang seryoso ang mukha niya at nakatitig nang mataman sa mga mata ko. Nagpapatawa ba siya? Mukha lang siyang nasa katinuan pa pero halata namang lasing na siya. “Tumigil ka. Lasing ka lang.” “Alam ko pa ang ginagawa ko.” Bahagya ko na siyang itinulak. “Umayos ka. Hindi na nakakatuwa ‘yang joke mo!” Pagkasabi noon, bumalik na ako sa upuan ko saka ipinagpatuloy ang pagkain at pag-inom. Nakangisi namang umupo na ulit si Jace sa harap ko at kumain din. Nagpapa-cute ba siya? Kasi kung oo, nagtatagumpay na siya sa ginagawang ‘yon. “Bakit? You don’t find me handsome?” he even asks that stupid question. As if naman na wala akong mata para makita na gwapo talaga siya. “Hindi ko kailangan ng gwapo.” Sabi ko. “Pero kailangan mo ako. Kailangan kita.” Sinimangutan ko siya at sinabing, “Hindi kita kailangan.” pero mukhang hindi nawawalan ng sagot ang lalaking ito. “Kakailanganin mo din ako.” “Hindi! Hindi ko kailangan ng lalaki!” “Kailangan mo ng love.” Kumindat pa si Jace saka ako inalayan ng finger-heart. Natatawang umiling na lang ako saka ininom ang natitira laman ng boteng hawak ko bago ako kumuhang muli ng mga alak sa cabinet. “Kung kailangan mo ng love, sabihan mo ako.” Natatawang dagdag ni Jace. “Siraulo.” Lasing na nga talaga ang lalaking ‘to. Pagkatapos naming maubos ang halos kalahati ng isang bote ng whisky, sabay na kaming kumakanta ng random songs habang lupaypay sa counter. Medyo mataas ang upuang nakalagay duon kaya nang sinubukan kong bumaba sa kinauupuan para kumuha ng tubig sa ref, nadapa ako. Susuraysuray akong nilapitan ni Jace, at dahil sa kalasingan, natumba siya nang nakapatong sa akin. Sa sobrang sakit ng ulo ko, hindi na ako nakapag-reklamo. Nawalan na lang din ako ng malay pagkatapos. *** HABANG tumatagal, mas nakikita ni Ed ang pinagkaiba ni Riya sa kapatid nito. Trish is just a stubborn kid. Katulad nang ginagawa nito ngayon. Nagkukulong ito sa kwarto dahil ayaw nitong kumain hanggang hindi siya ang nag-aasikaso dito. “Trish. Please naman. Lumabas ka na d’yan.” Iyon pa naman ang ayaw niya sa lahat ang nag-aasikaso. Nasanay siyang siya ang pinagsisilbihan. Kahit si Riya, alam ‘yon. “Ayoko.” At heto si Trish, sinasagad ang pasensya niya. Riya never acted like a spoiled brat, kahit noong mga bata pa sila. At inuuna nitong alagaan ang sarili kaysa piliing magpaalaga sa iba, kahit sa kanya. Iyon nga lang siguro ang dahilan kung bakit siya nahulog kay Trish. Having someone who actually needs him made him change his mind about Riya. Pero dahil sa inaakto ni Trish ngayon parang gusto niyang pagsisihan ang mga nagawa. Minahal na niya si Trish pero in love pa rin siya sa Ate nito. Gusto niya ang lahat kay Riya at ito ang babaeng pinapangarap niyang makasama sa pagtanda mula pa noon. Kung bibigyan siya ng pagkakataon na ibalik ang oras, gusto niyang baguhin ang mga naging mali niyang desisyon. Kung hindi siguro siya nagpadalus-dalos, baka nasa kanya pa ngayon ang babaeng pinangarap niya. Inihinto niya ang pagsuyo kay Trish at desperadong naupo sa couch at ibinukas ang kanyang cellphone. He searched for Riya’s profile in f*******:. Walang bagong update duon liban na lang sa pagbabago nito ng status. She’s now single and he can imagine all of their high school and college friends chasing after her ex-girlfriend. Para siyang napapraning pero wala siyang magawa. Ikakasal na sila ni Trish sa loob lang ng anim na buwang preparasyon. Hindi niya pwedeng talikuran ang kapatid ni Riya, pero paano niya tatalikuran ang nararamdaman niya para sa dalagang sinaktan niya? *** Nagising ako na parang nabasag ang bungo ko dahil sa sakit. “Aw.” Napahawak agad ako sa aking ulo nang mas lalo iyong sumakit dahil sa kaunti kong paggalaw. Hindi ako masyadong makakilos dahil parang ang bigat ng…. Kaya naman pala. Nakapatong sa akin ang magaling na si Jace. Tulog. Mukhang nakatulog kami sa ganoong pusisyon nang madapa siya sa akin. Pinilit kong kumilos at nanulak ngunit sadyang mas malakas siya kaysa sa’kin kahit lupaypay pa ang diwa niya. “Jace! Ano ba!” Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na paghinga saka umakyat sa dibdib ko ang kamay niya. Nanlaki ang mga mata ko. At sa pagkabigla, natuhod ko ang nangangalit niyang p*********i sa umagang iyon. “Awwww!” duon nagising si Jace at namimilipit sa sakit na gumulong palayo sa akin. “Shiiiiittt!” reklamo niya. Ngunit mas nilakasan ko ang pagsigaw ko. “Bastos!” habang nakatakip sa dibdib ang dalawa kong braso. Pinilit niyang maupo at nang mabawasan na siguro ang sakit pinilit niyang tingnan ako gamit ang hindi niya maidilat na mata. “Inaano ba kita?” “You. You scumbag touch my boob… again! Una, gamit ‘yang mukha mo tapos ngayon” nanlalaki pa ang butas ng ilong ko sa galit nang sabihin iyon pero imbes na maalarma ang lalaki, natawa pa ito. “Boob ba ‘yon? Akala ko stress ball.” “What? Are you calling me flat-chested? Naliliitan ka pa dito?” nahihindik na tanong ko sa sinabi niya. Maliit pa ito para sa kanya samantalang madami na ang nagsasabi sa aking pinagpala ang dibdib ko. Ang kapal ng mukha niya! I feel so insulted. “Well, I’ve seen a few and that’s a medium size.” “E kung sampalin kaya kita d’yan?” Mabilis siyang umilag sa akma kong pagpalo sa mukha niya. “Aw. Ang sakit! Kapag nabaog ako, pananagutan mo ba ako? Ang sakit ng ginawa mo sa’kin kaya dapat quits na tayo. Saka hindi ko naman sinasadya. Tulog din ako!” Inirapan ko na lang ang pagpapaliwanag niya. “Saka isa pa, Riya. Kung may masama akong balak sa’yo dapat wala kang damit nang gumising ka!” “Nakapatong ka sa akin, lalaki.” I tried to remind him. “Nadapa yata ako sa’yo kagabi, babae. Ang lampa mo kasi.” I can’t exactly remember that but by the looks of it, mukha ngang hindi naman niya sinasadyang makatulog habang nakapatong sa akin pati na ang parte ng paghawak sa boobs ko. Napatili na lang ako sa sobrang frustration. Hindi ako makapaniwalang napapayag ako ni Melissa nang ganoon lang na mag-baby sit sa anak niyang hot na may pagka-manyak. Hinihiling ko na lang na sana matapos na ang bakasyon ni Melissa para mawala na si Jace sa buhay ko.   Jace’s POV Gusto kong sipain ngayon ang sarili ko. How can I do that without being aware of what I am doing? Yes, I have been wanting to touch her after realizing that she’s my ultimate crush, pero hind isa ganoong paraan! Natuhod niya tulong ang… argh! Masakit pa rin, pero nakakatulong naman ang electric fan at ang yelo. Kasalukuyan akong nasa kwarto habang siya, naroon din sa kwarto niya. Itutulog ko na lang sana ang sakit nang makakita ako ng makapal na photo album sa gilid ng kama. Out of curiosity, kinuha ko iyon at ibinuklat. Wala akong pinalagpas na pahina. Ganoon na lang ang pamumula ng mukha ko nang makita ang teenage picture niya nang naka-bikini. Kung tama ang tantya ko, nasa sixteen siya nang mga panahon na kinuha ang picture na ‘to. Her body looks wonderful. I lied. Okay? Nagsinungaling ako nung sinabi kong medium ang size ng dibdib niya lalo na sa part na madami na akong nakitang boobs. I mean, isa pa lang ang naging girlfriend ko at lalong hindi ako manyak. Sixteen pa lang siya pero maganda na ang hubog ng katawan niya. Hindi na ako magtataka kung iku-kwento niya sa aking siya ang palaging nililigawan ng mga ka-schoolmates niya noon. It’s obvious, she’s drop-dead gorgeous. At kung naging ka-schoolmate ko siya noon, siguradong makikipila ako para sa atensyon niya. Hindi lang din kasi siya maganda, physically. Halata mo ring mayroon siyang magandang kalooban. Pagkatapos kong marinig ang kwento niya tungkol sa ginawa ng kapatid niya, I am expecting that she will curse her. Iniisip ko ring gugustuhin niyang saktan din ang kapatid niya dahil ganoon ako noon nang malaman kong may anak na si Daddy sa asawa niya. I wanted to hurt my brother so bad when I first learn that he existed. Pero iba si Riya. Nagparaya siya. Kinalimutan niya ang sarili at kinikimkim ngayon ang sakit na ginawa ng dalawang taong importante sa buhay niya. At habang nakikita ko ngayon ang lumang pictures nilang magkapatid, parang mas nararamdaman ko ‘yung sakit na nararamdaman ni Riya. She obviously loves her sister so much. At sobrang walang-kwentang kapatid ang batang ito na nakuhang saktan ang ate niya. Nagpabuntis pa talaga siya sa fiancé ni Riya? That’s frustrating. Hindi ko maiwasang magalit sa kanya. No one can ever justify the reason why she had to betray her sister. Wala rin naman akong makitang dahilan. Sa lahat ng pictures nila, palaging yakap siya ni Riya o di kaya’t hawak ni Riya ang mga kamay niya. Mabilis kong naisara ang album nang marinig ko ang mga yabag ni Riya sa labas ng kwarto. Parang palakad-lakad siya duon. Nang bahagya kong buksan ang pinto, nakita kong nakahawak siya sa cellphone niyang nag-ba-vibrate.  Ipinasok ko ulit sa kwarto ang ulo kong nakadungaw sa kanya. Baka kasi ibato niya sa mukha ko ang cellphone niya kapag nakita niyang nakikiusyoso ako sa kanya. Sa huli, hindi rin nanalo ang self-control ko. Lumabas ako at lumapit sa kanya. She was startled and almost jump. “Ano ba! Bigla ka na lang sumusulpot!” “Ako sasagot niyan.” Kumunot lang ang noo niya. “Bakit?” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD