Chapter 7

3031 Words
Riya’s POV Bakit niya sasagutin ang tawag sa cellphone ko? Mabilis kong itinago ang telepono ko nang makita kong nakatitig siya sa pangalang naka-paskil sa screen. “Para hindi ka na guluhin niyang ex-boyfriend mo.” He simply answered. Para namang may karapatan siyang magkaroon ng pakialam. “Okay ka lang?” “I’m sorry if I am stepping out of the line. Gusto lang kitang tulungan.” “This is my own s**t. I’ll take care of this on my own.” Duon lang huminto ang cellphone ko sa pagtunog. He raised both hands to surrender. “Fine. I’m just saying that if you needed me, I’ll be right here. One knock away.” Pinanuod ko lang siyang maglakad pabalik sa kwarto na ginagamit niya, ang kwarto ng mga magulang ko. Wala naman kasi kaming guess room sa bahay na iyon at dahil nasa kwarto ko ang mga kailangan ko sa pagtatrabaho kaya siya ang pinatuloy ko sa kwarto nila Mama. He’s just stay here temporarily anyway. Pagkabalik ko sa kwarto, tumawag na naman si Ed. Hindi ko alam kung ano’ng problema niya pero natutukso na akong sagutin iyon. Konting push pa niya siguro, sasagutin ko na ang tawag niya at hahayaan ko na siyang bumalik sa buhay ko. Para hindi mangyari ‘yon, walang pagdadalawang-isip na pinatay ko ang cellphone ko. Huminga ako ng malalim saka muling naiyak. I can’t even fight for him. Ano pa bang silbi nu’n kung ako din naman ang matatalo sa huli? Hindi ko kayang saktan si Trish dahil lahat ng sakit na nararamdaman niya, triple ang sakit para sa akin. I love my sister so much. Kaya kahit ang nag-iisang kaligayahan ko, handa kong isakripisyo para sa kanya. I might hate her but I will never hurt her. Iyon ang huli kong gustong gawin. Ipinikit ko na lang ng mariin ang mga mata ko saka ko hinayaang alisin ng antok ang lungkot. NAPAMULAT na lang ang mga mata ko dahil sa malakas na music sa baba. Mga paborito ko namang kanta pero may sumasabay pang maala-John Legend ang boses sa mga RnB songs na paborito ko. Maganda ang boses pero malakas. Nakakabingi!             Pagbaba ko, nakita ko nga si Jace. Naglilinis habang nakatali sa ulo niya ang puti niyang t-shirt. Nakahawak ang isang kamay niya sa mop na mukhang nakuha niya sa kusina at ang isa ay may bitbit na isang timba ng tubig. And as a cherry on top, he is wearing nothing but his old blue jeans. Ito ang tipo ng hitsura ng mga lalaking pwedeng maging hero sa mga pocketbooks at iba pang erotic novels. Hindi pwedeng magkamali ang mga mata ko. Isa siyang tunay na Adonis. Kahit sinong babae ang makakita sa kanya ngayon, gugustuhing magpakarga sa kanya.             “Gising ka na pala! Hindi na kita ginising kagabi para mag-dinner kasi alam ko, magagalit ka na naman. Saka, mabuti na din ‘yung nakapagpahinga ka. Mayroon akong nilutong sinangag saka nag-prito ako ng itlog, muntik na masunog. Pagpasensyahan mo na lang.”             Na-curious ako sa sinabi niya kaya nagmadali akong pumunta sa kusina. Malinis naman na iyon pero naamoy ko agad ang sinasabi niyang muntik ng masunog. Nang silipin ko ang pagkain na nakatakit sa food keeper, halos humagalpak ako sa katatawa nang makita ang kulay uling na itlog na mukhang na-deform din dahil wala akong yolk na makita at hindi iyon pabilog. “Ano ‘to?”             “Sinabi ko na. Itlog nga!”             “E parang pangliha ‘to eh!”             Natawa din siya. “Grabe ka naman! Ang judgmental mo ah.”             “Ganito din ang kinain mo?”             “Ano pa nga ba? Alam mo, ang babait ng mga kapit-bahay mo dito. Kanina, nakita nila akong nagwawalis sa tapat ng bahay tapos kinausap ako. Ayun, naging kaibigan ko na agad si Aling Phet. Sabi niya, ang gwapo ko daw.”             “Naka-topless ka eh.”             Nagulat pa siya sa sinabi ko. “Hala? Hindi naman ako nakahubad kanina. Ngayon lang ako naghubad kasi nabasa ‘yung damit ko. Ang lamig kaya sa labas!”             “Hmm… porque maganda katawan mo, pina-flaunt mo.”             He smiled as if he’s blushing. “Talaga? Maganda katawan ko?”             “Hindi. Joke lang. Magbihis ka na nga!”             Magluluto na sana ako ng pagkain ko nang makarinig ako ng malakas na katok mula sa gate. Ako na ang nagbukas at nakita ko nga duon si Aling Phet. Mukhang sinisilip niya ang lalaking nakilala niya kanina sa loob ng bahay namin.             “Ano ho ‘yon, Aling Phet?”             “Si Machete asan?” gusto kong irapan itong si Aling Phet. Akala mo naman nagdadalaga. “Boyfriend ba ‘yon ni Trish?”             Mukhang hindi pa niya alam ang nangyari sa amin ng kapatid ko. “Hindi ho.” Medyo naiirita ko ng sagot.             Duon siya napatutuop sa bibig niya nang may maisip. “’Wag mong sabihin na….”             “Hi po!” biglang lumabas si Jace at inakbayan ako!             “Akala ko ba iyong boss mo ang boyfriend mo?” well, that part of my life story is not a secret anymore. Ed even met this old lady before when we spend our Christmas in here two years ago.             “Wala na po sila nu’n Aling Phet.” Maagap na sagot ni Jace. “’Diba babe?”             Gusto ko siyang sikuhin pero inabot na sa akin ni Aling Phet ang dala niyang Tupperware. “Ito hija, isoli mo na lang mamaya kapag naubos niyo na. Alam ba ito ng Mama mo?”             Mabuti na lang at alam kong hindi niya mako-contact si Mama dahil nag-iba na ang number ang mga magulang ko noong isang taon. “Malaki na ho ako, Aling Phet.” Pinaalala ko lang sa kanya saka siya nag-antanda ng krus at umalis.             Mukha ba akong nasapian?             Duon ko na nasiko si Jace. “Aw!” nakayuko pa rin siya nang iwan ko siya duon. KUMAKAIN na kami ng sopas na ibinigay ng kapit-bahay namin nang masamid si Jace at umuubong kumuha ng tubig sa gripo para inumin. Nahimasmasan siya pagkainom. “Sino kayang nag-iisip sa akin?” “Baka si Aling Phet. Akala yata niya, inupahan kitang gigolo. Nasira tuloy ang balak niyang magpa-cute sa’yo!” Mas lalo siyang naubo sa sinabi ko. “O di kaya, ‘yung kumuha ng bag mo ‘yan. Wala yata siyang nahita duon kaya iniisip niyang isoli na lang.” dagdag ko sa pang-aasar sa kanya. “Grabe ka sa akin. Para sabihin ko sa’yo may tatlong cellphone ang bag na ‘yon. Credit cards at five thousand cash. Pwede nan gang makapagsimula ng bagong buhay ‘yung nagnakaw noon eh.” “Sus. E bakit para kang beggar kung kumain? Gustung-gusto mo yata talaga ‘yung luto ni Aling Phet eh! Nabubulunan ka tuloy.” I intentionally raised my eyebrows. “Bihira kasi ako makakain ng lutong bahay. Never na nagluto si Mama para sa akin. Kaya gusting-gusto ko iyong luto ng mga Nanay.” Parang gusto kong ma-guilty sa sinabi niya. Ako yata ang dahilan kung bakit nawalan ng time si Melissa na ipagluto siya dahil parati kaming nagpupuyat noon sa trabaho. “Hindi pa Nanay si Aling Phet. Matandang dalaga ‘yun na papalit-palit ng boyfriend. Muntik ka na niyang mabiktima.” Napadasal na lang siya. “Hindi ko alam” “Okay lang. Modus na ‘yan ni Aling Phet. Hindi ikaw ang unang biktima.” “Pero masarap siyang magluto. Nakakakain lang ako ng lutong ulam kapag bumibili ako sa labas o di kaya, kapag nagpapadala ka kay Mama ng niluto mo.” Iyon pala ang dahilan kung bakit ang gana niyang kumain noong nagstop-over kami sa Halsema para kumain sa isang tindahan duon. “Ano bang favorite mo?” “Kahit ano basta hindi instant.” “Kumakain ka ng nilaga?” Parang kumislap ang mga mata niya sa narinig. “Oo,” “Sige, maghiwa ka ng ingredients mamaya habang may tinatapos lang ako sa taas pagkatapos, ipagluluto kita.” “Talaga?” excited na tanong niya. “Opo.” I answered with a sigh. Sa sobrang saya niya, para pa siyang batang marahang tumakbo papunta sa akin saka niya ako sinugod ng yakap. “Thank you.” Ikinulong pa niya ang magkabila kong pisngi sa mga palad niya. Sa pagkakataong iyon, seryoso ang ekspresyon ng mukha ni Jace pati ang boses niya na akala mo hindi siya umakto nang parang bata kanina. “Seryoso ako sa sinabi ko sa’yo kagabi kaya pag-isipan mo.” Pagkasabi noon, dinampian niya nang marahang halik ang labi ko saka nakangiting bumalik sa kinauupuan niya. The other side of my brain is yelling at me. Bakit ko nga ba hindi sinaway ang lalaking ito nang halikan ako? Ang isa nama’y para na namang nakalutang sa ulap. Ang nakakatawa, nanalo ang parte ng utak ko na gustong mag-celebrate dahil sa halik na iyon. Is he really being serious about us being together? Baka naman mahulog lang ako sa wala? Kung pag-ibig na naman iyon, ayaw ko ng sumugal. Marami ng nawala sa akin dahil duon. Ang katinuan ko na lang ang mayroon ako, aalisin din ba iyon ng pag-ibig sa akin gamit ang lalaking ito? Nawalan na ako ng gana kumain. Hindi ko na naubos ang sopas. Bumalik na lang ako sa loob ng kwarto at naalala ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Ang halik, ang usapan nila, ang offer nito. “Ano kaya kung tayo na lang?” Ano bang set-up ang eksaktong ipinopropose niya? A rebound relationship? Sumasakit na naman ang ulo ko sa pag-iisip. Kaunti na lang matatapos ko na ang webtoon. Iyon ang dapat mas pagtuonan ko ng pansin kaysa ang lalaking winiwindang ang buong pagkatao ko. Pinili kong libangin muna ang sarili pagkatapos makapagguhit ng ilang pahina kaya nag-log-in ako sa f*******: account ko gamit ang laptop ko. Ang tagal ko ng hindi in-access iyon. Madami akong notification at messages pero mas inuna kong basahin isa-isa ang mga notifs. Nang i-tap ko ang message icon, kamuntik ko na mabitawan ang cellphone ko nang makita ang unang sender na naroon. Si Ed. Ayaw ko na sanang buksan, kaya lang may nabasa akong “still love” kaya napilit ako ng puso kong basahin ang s-in-end niya. “Riya, I don’t know why I am feeling this but I think I still love you. Call me whatever you want but I am just being honest. Please. Talk to me or just let me know where I can see you. I am desperate. Please.” Napaiyak ako sa nabasa ko. Ano bang gustong mangyari ni Ed? Dalawa kami ng kapatid ko? Mas lalo akong nagalit sa lalaking minahal ko. Hindi ako makapaniwala na magme-message pa siya ng ganoon sa akin. Magkahalong galit at lungkot ang nararamdaman ko ngayon. Mayroon pa ring puwang sa puso ko si Ed pero paano ang kapatid ko at ang magiging anak nila? Hindi ako selfish para basta na lang sunggaban ang message na iyon ng ex ko. Kaya imbes na sumagot, b-in-lock ko na lang ang account niya. Mayamaya’y kumatok si Jace. “Riya, tapos na pinagagawa mo.” Sabi niya. Hindi naman naka-lock ang pinto ko kaya nang hindi ako sumagot, walang paalam na pinihit niya ang seradura. Huli na para punasan ko ang mga luha sa mga mata ko dahil nakita na niya ang mga iyon.  “Hey!” nag-aalalang lumapit agad siya sa akin. “Why?” Lalong nanagana ang mga luha mula sa mga mata ko nang haplusin niya ang pisngi ko para punasan ang mga ito. Umiling na lang ako saka pilit na umiwas mula sa kanya. But I just can’t avoid him. “Ano ngang nangyari? Ang daya mo. Nagkukwento ako sa’yo pero ikaw, walang tiwala sa akin. Please. Wala nga siguro akong maitutulong pero handa akong makinig.” Jace’s POV Her teary eyes looked straight at me. Tagos sa puso ko ang sakit na nababasa sa mga mata niya. Parang gusto kong pilipitin ang leeg ng kung sino mang gagong nagpapaiyak sa kanya ngayon. “Naalala mo siya?” I asked but she shook her head. “He,” she took a deep breath. “He sent me a message. He said he still loves me.” Literal na galit ang nararamdaman ko ngayon. Mahal niya pala, bakit niya ginago? May kung ano sa puso ko ang sumasakit habang nakikita ko siyang umiiyak. Niyakap ko na lang si Riya para pagaanin ang loob niya. “Kung mahal niya pala ako, bakit niya pinatulan ang kapatid ko?” umiiyak na sabi niya. That’s exactly my point. Ed is being a jerk and a stupid bastard. Hindi niya dapat pinaglalaruan ang feelings ni Riya.  Hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin para mawala ang sakit na nararamdaman niya pero mukhang wala akong ibang maitutulong ngayon kung hindi ang manatili sa tabi niya. Kumalas siya sa yakap ko at nanatiling nakasandal sa pader na kadikit ng kama niya. Sumandal din ako duon habang nakaharap sa kanya at naghihintay sa mga sasabihin niya. “Nasa international comic conference ako last year. Bago ‘yon, naging busy pa ako sa career ko dahil gusto kong maabot pa ang mga pangarap ko bago kami mag-settle down pero hindi niya ako nahintay. He took advantage of my sister who throws herself to anything that interest her. Nabuntis niya si Trish kaya mas pinili kong lumayo para sa kapatid ko at sa pamilyang bubuuin nila, pero bakit niya ginagawa ‘yan? Why does he need to tell me that he still loves me? Ano? Gusto niya akong papiliin?” Hindi ko na itatanong dahil halata namang mahal pa ni Riya ang lalaking iyon. I never said a thing before but I know Ed while no one else is watching. Hindi siya talaga faithful. I saw him multiple times hitting on anyone in his company. Ang Mama ko lang yata ang hindi niya nilalandi dahil alam niyang divorced si Mama at may anak na binatilyo. Noon pa lang, alam ko nang gago si Ed. Hindi nga lang ako nakikialam dahil ayaw kong mapag-initan si Mama sa trabaho. Isa pa, hindi pa naman kami malapit sa isa’t isa noon ni Riya para makialam ako. “Piliin mo ang kapatid mo.” Napalingon siya sa akin. “But of course. Mahal ko ang kapatid ko at ayaw ko siyang saktan.” “Kung ganoon, pumapayag na akong maging boyfriend mo.” Riya’s POV Napayuko ako habang nakatutok ang mga mata kay Jace… like seriously? Paano naman napunta sa usapan na iyon ang indecent proposal niya? “What?” he innocently asked as if the idea is not absurd. “Ano bang tingin mo, maso-solve niyan ‘yung problema ko?” “Oo!” he confidently answered with a finger-heart. Nagpapa-cute na naman ang damuho. Saka niya ako inakbayan para mas kumbinsihin ako. “Tingnan mo, kapag alam na niyang may boyfriend ka na. Titigilan ka na niya.” “Paano ka naman nakakasiguro na titigilan niya ako, aber?” “Wala kang alam sa male code. Kaming mga lalaki, hindi kami mahilig sa buto na pag-aari na ng iba. Kaya kung akin ka. Hindi ka na guguluhin no’n.” “At?” “At matutulungan natin ang isa’t isa na makapag-move on. Malay mo naman, ako pala talaga ang lalaki para sa’yo.” Ilang beses tumaas-baba ang kilay niya na para akong tinutuksong um-oo. “So, parang totoong tayo pero hindi, gano’n?”  paglilinaw ko. “Ikaw ang bahala. I’m at your disposal.” “I don’t get it.” “Alin ba ang hindi malinaw sa I like you?” ang batang ito talaga. Siguro magkaiba nga lang talaga kami ng perception pagdating sa love. Old-school ako. At aaminin ko ‘yon ng paulit-ulit. My idea of love is about courtship, pursuing the girl, showing her how she was valued and all. Pero mukhang iba ang pagkakaintindi ng lalaking ito sa pag-ibig. Palibhasa lumaki ito sa panahon na ang babae, makukuha mo sa kung saan-saan. Well, sa panahon ko, uso na din naman ang babaeng nililigawan sa labas. Kaya lang, hindi kasi ako katulad ng ibang babae. Masyadong taliwas sa nakaugalian ko ang gusto niya pero mukhang wala namang masama kung susubukan namin. Sa katunayan, gusto ko din naman ang lalaking ito. May sense of humor minsan, gwapo at iniintindi ako. Nakatingin pa rin ako sa kanya nang ngitian niya ako ng malapad. Mukhang nababasa niya sa mukha ko na malapit na akong pumayag. “Well?” “Pag-iisipan ko ‘yan. Pero ‘wag ngayon. Utang na loob.” Pagod na ako kasi. Pagod na pagod na ako sa love. “Ano bang gusto mong gawin ko para pumayag ka?” “Bakit ba gusto mo ng girlfriend?” “Kasi nga gusto kita.” Nabu-bwisit na nagkamot ako ng ulo. “Hmp! Nakakainis ka na talaga!” Natatawang hinalikan niya lang ako sa noo. “’Wag ka na mainis. Magluto ka na. Sabi mo lulutuan mo ako.” Inilahad niya sa akin ang palad niya. “’Wag ka na magmukmok dito, sa baba ka na mag-drawing.” “Hindi ako makakapg-concentrate duon!” “Tutulungan kita. Pero magluto ka muna. Please lang.” Nakasimangot na tumayo ako at nilayasan ang lalaking ito. NAGSISIMULA na akong maghugas ng mga ingredients na hiniwa niya nang makita ko siyang pababa dala ang mga gamit ko. “Hala! Sabi ko na sa’yo, hindi ako makakapagtrabaho ng matino dito!” “Hay. Ako’ng bahala.” “Ikaw bahala. Ako kawawa?” “Trust me, babe. Okay?” hindi ko alam kung bakit mas kinilig ako kaysa nainis. Hindi na ako nakapagsalita nang ilatag niya nang maayos sa sala ang mga art materials ko. Pati na ang digital pad na ginagamit ko. Iginuguhit ko muna kasi sa isang malaking blangkong papel ang bawat page ng comics saka ko gagawin ‘yon sa digital pad na magrereflect sa laptop ko. Mas nadadalian kasi ako sa ganoong paraan. Pagkatapos kong magluto, tapos na din ang pagsasalansan niya ng maayos sa mga gamit ko. “Ano, kain na?” “Oo.” At naupo na nga siya sa harap ko.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD