Chapter 8

2427 Words
Riya’s POV Masyadong mabilis ang mga nangyayari sa aming dalawa kaya hindi pa rin ako makapaniwala na handa siyang magpanggap na boyfriend ko para lang tulungan ako kay Ed. Bigla kong naisip si Melissa. “Do you think your mom will approve of this? Ayokong ma-disappoint siya sa akin.” Tanong ko habang nagdo-drawing sa bago kong working station na siya mismo ang nag-ayos. “Bakit naman siya madi-disappoint?” mukhang wala siyang ideya tungkol sa sinasabi ko. “Kung magiging boyfriend kita, ibig sabihin kailangan kong magsinungaling sa kanya.” “Bakit ka naman magsisinungaling? Payag naman akong maging tayo talaga. Siguradong matutuwa ‘yon.” “I don’t think so. Sa hitsura mong ‘yan at ang bata-bata mo pa! Alam kong madami pa siyang pangarap para sa’yo. “My mom is way too cool than you think. Mas matanda ka pa mag-isip du’n.” sabi nito sabay kindat. “Isa pa, gusto ka ni Mama. Wala akong makitang masama kung bibigyan mo ako ng chance. I don’t care if you are older than me.” Nabato ko na siya ng unan sa tabi ko. “Hoy. Namumuro ka na sa edad ko ah!” Ngumiti lang siya sabay sabi ng... “I love you!” Gusto ko siyang pagtawanan. Ang babaw lang talaga siguro ng pangunawa niya pagdating sa love. Akala siguro niya, basta naka-gaanan niya ng loob, love na agad ‘yon. Hindi na lang ako sumagot. “Bakit pala parang urat na urat kang tapusin ang webtoon na ‘yan? Bread and butter mo ‘yan ah. Magre-retire ka na ba?” “Oo. Magre-retire na ako at dito na ako habambuhay.” “So, isa ‘yan sa mga paraan mo para mag-move on?” Tumango ako bilang tugon. “Mhm. Kapag tapos na ‘to, magreresign na ako. ‘Yan lang naman ang nagko-konekta sa akin sa InkPublications e.” “Gumawa ka na lang ng bago.” “Ayoko na. Nakakasawa na.” “Ano’ng malay mo kung mas maganda ‘yung panibago? ‘Wag kang maging sarado sa new ideas!” “Napapagod na ako.” Sagot ko kahit hindi ko alam kung itong webtoon ko pa ba ang pinag-uusapan naming dalawa. Mukhang walang plano si Jace na magpatalo sa akin. “Ganoon talaga pero pangarap mo ‘yan diba? ‘Wag kang sumuko. Umalis ka sa buhay nila pero ‘wag mong kalimutan kung sino ka.” Natahimik ako dahil sa sinabi niya. May punto. “Ang sarap nitong luto mo huh. Mas lalo akong nakukumbinsi na tama ang desisyon ko.” Dagdag niya habang kumakain pa rin. Tatlumpung minuto na akong tapos sa lunch ko, pero siya kumakain pa rin. Hindi ko alam kung ano’ng klase ng bulate ang nasa tyan niya at palagi siyang gutom. Hindi naman siya tumataba. Kumunot na lang ang noo ko nang hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. “Desisyon?” “Oo. Nagdesisyon na akong mahalin ka.” “Ano? Pinagdedesisyunan ba ‘yun?” “Oo. Kasi kung base lang sa feelings ko ‘yung pagmamahal ko sa’yo, masyadong mababaw. Kasi ‘yung feelings, pwedeng magbago.” “E paano kung magbago ang isip mo?” “Depende na ‘yun sa’yo.” Hindi ko maintindihan. Bakit parang hindi naman magwo-work ito umpisa pa lang? Pero napanatag ang loob ko sa ngiti niya, tumayo pa siya para lang hawakan ang kamay ko. Siguro ngang mas tamang pumasok ako sa ganoong klase ng relasyon. Walang pressure, walang masyadong involve na feelings at lalong walang masyadong requirements. Less gain. Less pain. *** HABANG tulog si Trish sa tabi ni Ed, sinamantala niya ang pagkakataon para tawagan si Riya. Napangiti siya nang makarinig ng ring sa kabilang linya, ibig sabihin hindi pa rin ito nagbabago ng cellphone number. Nagpatay lang ito ng cellphone ng ilang araw pagkatapos niyang kulitin ito sa text at tawag. Hindi nga lang nito sinagot ang unang tawag niya at ang pangalawa. Pero wala siyang balak na sumuko. Sinubukan niya ulit tumawag at sa pangatlong ring, mayroon ng sumagot. “Hello, Ri?” Kapag iyon na ang tawag niya rito, alam na nitong naglalambing na siya. Hindi ito sumagot kaya inulit niya. “Ri, please talk to me.” “Sino ‘to?” napapitlag siya nang makarinig ng boses ng lalaki. Iyon ang unang pagkakataon na may sumagot na lalaki sa cellphone ni Riya. Hindi niya maiwasang mag-alala at mapaisip kung ano ang pusisyon ng lalaking iyon sa buhay ng ex niya para magkaroon ito ng access sa cellphone ni Riya. “Ikaw, sino ka?” “Ikaw ang tumawag at hindi naka-save ang number mo sa cellphone ng girlfriend ko kaya bakit ako ang tatanungin mo?” Natawa siya sa sinabi ng lalaki. Hindi siya naniniwala sa sinasabi nito pero hindi niya mabosesan ang lalaki. Wala rin naman siyang kakilalang kaibigang lalaki ni Riya “Kasama mo si Riya?” “Oo. Sino ba ‘to?” “Pakisabi si Ed.” “Babe, Ed daw. Eto ba ‘yung ex mo?” narinig niyang sabi ng lalaki. “Bakit tawag ‘to ng tawag?” pagkatapos noon, nag-end call na. Hindi niya alam kung si Riya ba ang pumutol ng tawag na iyon o ‘yung lalaki na mismo. Parang gusto na niyang masiraan ng bait. Hindi siya makapaniwalang hinayaan niyang mawala si Riya sa kanya ng ganoon lang. He must probably stop longing for her. Pinili naman niya ang sitwasyon na iyon kaya dapat lang siguro na hayaan niya rin si Riya na piliin kung ano ang makakapagpasaya dito. ***   “Bakit mo sinagot?” naiinis na hinampas ko ang braso ni Jace pagkatapos kong makuha ang cellphone ko mula sa kanya. Ginamit ni Jace ang pagkamatangkad niya kaya nagawa niyang makuha ang cellphone ko kanina. “Riya, kailangan na niyang malaman na wala na siyang puwang sa buhay mo. Unless, mahal mo pa talaga siya?” “Oo na! Mahal ko pa nga! Bakit mo ako inaasahang maka-move on agad sa isang taong minahal ko ng sixteen years? Kailan lang tayo nagkakilala. Hindi mo alam ang pinagdaanan namin ni Ed!” natigilan na lang din ako nang makapa ang mga tumutulo kong luha. Biglang nag-iba ang timpla ng aura ni Jace. Tahimik lang siyang naupo sa sofa at mataman akong tinitigan. Nakikita ko ngayon sa mga mata nito ang sakit pero wala akong narinig na sermon mula sa kanya. Nahinto lang ang pag-iyak ko nang hindi na muling ngumiti si Jace. Tumabi na lang ako sa kanya pero pagkaraan lang ng ilang minuto, nagpaalam siyang lalabas at magpapahangin. Hindi ako umimik pero itinutulak ako ng isip ko na humingi ng sorry sa hindi ko malamang dahilan. Siguro nga ako talaga ang may problema. I keep on pushing people away because I thought that I can handle everything in on my own way but ended up being helpless anyway. Ang totoo niyan, iniisip ko na din na magandang ideya ang gustong mangyari ni Jace. Baka sakaling mapabilis ng magiging relasyon namin ang healing process naming dalawa. Wala naman talagang sigurado sa mundo. Ang mahalaga, sumubok ka. Katulad nang ginawa kong pagsugal noon sa career ko. Isa na akong lisensyadong architect noon pagkatapos ng una kong pagkuha Architectural Licensure Examination pero imbes na magtrabaho nang ayon sa pangarap ni Papa, mas pinili kong gawin ang aking hobby. Sumugal lang din ako nuon kaya ano ang ipinagkaiba ng sitwasyon namin ngayon? Ilang oras ng hindi pumapasok si Jace nang maisipan kong sundan siya kaya lang, wala akong inabutan sa porch. Nasaan kaya ang lalaking iyon? Bago ako umalis para hanapin ang lalaki ‘yon, siniguro ko munang may dala akong sapat na jacket para sa aming dalawa. May mga kapit-bahay akong napagtanungan pero walang nakapansin kay Jace. Kahit si Aling Phet, hindi siya napansin. Naalala kong bigla ang pagiging suicidal ni Jace na siyang obvious na dahilan kung bakit hindi siya pwedeng hayaan ni Melissa na mag-isa sa bahay. Pati na iyong araw na nakita kong balisa si Melissa dahil sa problema niya sa anak niya. I remember that she once told me that her son tried to kill himself. Ilang araw siyang hindi nakapasok noon dahil takot siyang iwan ang anak niyang mag-isa. She even asked me for help. Ni-refer ko na lang siya sa pinsan kong psychiatrist.  Now, I am fully aware about the situation. Paano kung gawin nga ni Jace ang magpakamatay? Paano na si Melissa? Paano ako? Hindi kakayanin ng konsensya kong mamatay sa puder ko ang lalaking iyon. Mas lalo pa nga akong naturete nang ma-imagine ko si Jace na nakatayo sa gilid ng bangin malapit lang duon at handa ng tumalon. “No, he won’t do that.” Bulong ko habang patuloy siyang hinahanap. Pilit ko mang sabihin sa sarili ko na hindi niya gagawin iyon, pero hindi pa rin ako mapanatag. Ano bang alam ko sa tumatakbo sa isip nito? Bago pa ako tuluyang makalayo, naisip kong bumalik sa bahay para gamitin ang kotse ko pero hindi ko na naituloy ang balak ko nang may humila sa kamay ko. Nawala ang lahat ng takot ko nang makita ang mukha ni Jace. “Sa’n ka pupunta?” tanong niya “Ah-” hindi ako makahagilap ng salitang pwedeng gamitin. “Were you looking for me?” What’s the point in lying when it is obvious that I was, indeed, looking for him? “O-oo! Saan ka galing?” hindi ko na alam ngayon kung paano itago sa kanya ang pag-aalalang nararamdaman ko. “Naglakad-lakad lang.” bigla niya akong tinapunan ng kinikilig na ngiti. “Na-miss mo ako ‘no?” “Hala. Ang kapal naman nito. Miss agad?” “Ang babe ko, kunyari pang hindi concern sa akin e, mukha namang natakot nang mawala ako sa paningin niya.” “Oo kasi may utang ka pa sa akin diba?” natatawang inakbayan niya ako. “’Wag kang mag-alala. Papunta na dito si Mama. Mababayaran din kita.” Napahinto ako sa paglalakad habang nakaakbay pa rin si Jace sa akin nang marinig ‘yon. “Ano’ng sabi mo?” “Bakit? Sabi niya, pupunta siya dito diba? May nakita akong babae kanina duon sa kanto. Pinahiram niya ako ng cellphone niya kaya natawagan ko si Mama. Pero ‘wag kang mag-alala, ako ang bahala. Kahit pa ano ang iniisip mong magiging reaksyon niya sa ating dalawa, po-protektahan kita.” At para bang natural na lang sa akin ang ginawa niyang paghalik sa noo ko. Kung magiging boyfriend ko nga ang lalaking ito, mukhang dapat ko nang sanayin ang sarili ko sa pagiging unpredictable niya. “Teka, bakit nanghiram ka pa sa iba ng cellphone, e may load naman ako?” “Gamitin mo na lang ‘yun sa pakikipag-usap sa ex mo. Ayokong galitin ka pa lalo.” Alam kong nagbibiro lang siya kaya hindi na ako nag-react. Nakaakbay pa rin siya sa akin habang naglalakad kami pauwi nang biglang nalukot ang mukha niya at naglabi na parang batang nagpapaawa. Natatawang kinurot ko ang tagiliran niya. “Hmmp, ang arte naman nito!” Pero hindi pa rin niya tinitigilan ang pagpapa-cute kaya naman tumingkayad na ako para gawaran siya ng halik sa pisngi. Napatunganga si Jace pagkatapos ng ginawa ko pero patuloy lang ako sa paglalakad. Nakarating na kami sa bahay nang kabigin niya ako para gawaran muli ng masuyong halik. Itinulak ko siya. “Namumuro ka na ah!” reklamo ko pero weird dahil hindi ko magawang totoong magalit sa kanya. I wanted to taste his lips anyway. Alam kong kung anuman ang mayroon kami ngayon ni Jace ay isang bagay na hindi naman permanente kaya bakit pa ako magsasayang ng oras na tumutol? Baka nga dapat ko na lang na i-enjoy ang bawat sandal kasama siya. Kapag wala akong ginagawa, minamasahe niya ako na parang nasa relasyon talaga kami. I also tried to teach him how to cook at least an egg. Tinuruan niya rin akong mag-edit ng mga book cover. I mean, marunong na akong gumawa noon pero may mas maganda siyang technique. Nagkakantahan kami, nag-iinuman at sa kaunting panahon na kasama ko siya, mas lalo akong nakumbinsi na mahal ko na rin siya. I suddenly forgot all about Ed. Nasa kalagitnaan kami ng pag-e-edit ng bagong cover ng Volume 27 ng Duchess nang kabigin niya ako para halikan. Jace’s POV Ilang beses kong pinigilan ang sarili kong gawin ito. I’ve seen her multiple time with just thinner clothes on, pero ngayon ko lang napakawalan ang kagustuhan kong halikan siya ng ganito kalalim. She could kill me, but that’s okay. Basta malaman niya lang na mahal ko siya, mamamatay na akong masaya. Hindi niya alam kung gaano kasarap sa pakiramdam ang paghihinang ng mga labi namin. Para akong nawawala sa sarili. I was encouraged when she allowed me access. Para akong nanalo sa lotto. Kung iniisip niya ngayon si Ed habang hinahalikan ko siya, hahayaan ko na lang. Sisiguruhin ko na lang na makakalimutan na niya ang lalaking ‘yon pagkatapos nito.   ALAM kong kabaliwan, pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa pagtugon sa maalab at mapupusok na halik ni Jace. Hindi naman iyon ang unang beses na naranasan ko iyon pero bakit parang nakakalimutan ko na ang salitang self-control? Namalayan ko na lang ang sarili kong nakahiga na sa sofa habang pinagpapala ni Jace ang buong katawan ko gamit ang labi niya. Magkahalinhinan ang kamay at bibig ni Jace sa paggalugan sa aking kahinaan. Napasinghap pa ako nang maramdaman sa pagitan ng hita ko ang palad niya Huminto lang siya sa ginagawa nang mapagtantong lalampas na siya sa linya. He immediately touches my face before whispering, “I will never force you do this. Say no and I’ll stop.” Taliwas ang sinasabi ng bibig niya sa nababasa ko sa mukha niya. He wanted this. He wanted me. Pero hand aba talaga siyang huminto kapag sinabi kong ayaw ko? Bahagya akong lumayo sa kanya. And like a gentleman, he let me loose. “I’m sorry if I almost cross the line.”             “It’s not okay, but I’ll let this slide.” Napapahiyang tumayo ako mula sa sofa at umakyat. Pero iyon ang isang malaking bagay na gusto kong pagsisihan. I wanted him too. Selfish it may seem but I think I need him to keep my sanity. Kapag magkasama kami, nakakalimutan kong iniwan ako ni Ed para sa kapatid ko at magkakaroon na sila ng anak. Iyon naman talaga ang offer ni Jace, ang tulungan namin ang isa’t isa na makalimot. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD