Riya’s POV Tahimik kaming mag-asawa habang kumakain, si Lindsey naman ay nananahimik sa harap ng TV habang kumakain ng cereal. Napatikhim ako dahil mukhang wala siyang balak na magsalita. “Water?” Tumango lang ako. Ikinuha ako ng asawa ko ng tubig. Nang makainom ako, nagpasalamat ako sa kanya at humingi ng tawad. “I’m sorry for last night. H-Hindi ko lang talaga alam kung—” “You don’t need to explain.” Sa loob ng dalawang taon mula nang magising ako sa coma, hindi pa yata kami ulit nakakapag-siping. And it’s all because of me. “I’m sorry, Honey.” Ginagap niya ang kamay ko. “I understand. My fault. Hinayaan kitang malapitan ng isang estranghero.” Kumunot ang noo ko. “What do you mean?” sino’ng es

