Riya’s POV Hindi ko ipinahalata kay Edward ang mga narinig ko kagabi. Ni hindi ako nagtanong. Kung totoo ngang may itinatago siya sa akin, siguradong wala akong makukuhang tunay na sagot mula sa kanya. I can’t afford to get another lie from him. Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya umalis at ngumiti lang ako katulad ng parati kong ginagawa. Nagulat na lang ako nang bigla siyang bumalik at nagtanong, “Tumawag ang parents mo sa akin kagabi, hindi daw nila nasagot ang tawag mo. Why are you calling them? Gusto mo papuntahin ko sila?” “Na-miss ko lang naman ang parents ko.” “May naalala ka ba?” Umiling ako. “Wala naman. I just wanted to see them again. Ilang buwan na din mula nang huli ko silang makita.” “Okay. Sasabihin

