Paulit-ulit bumabalik sa isipan ni Rainsleth ang sinabi sa kanya ni Koen kahit ilang araw na ang nagdaan. Malapit na ring matapos ang second semester kaya wala nang oras sina Selah at Jace para bisitahin siya, na ikinapanatag ng loob niya. Muli niyang kinuha ang diary mula sa pinaglagyan niyon. Kasama na roon ang journal ng kanyang ina at ang notebook na may iba't ibang codes at ciphers. Sa pag-angat niyon, nahulog sa loob ng box ang pirasong papel na nakuha niya pa kay Reuben... ang pekeng suicide note na iniwan ng taong nagtangka sa buhay niya. Dinampot niya iyon at pinakatitigan. Noon lang niya napansin ang papel na ginamit doon na parang pamilyar sa kanya ang kulay ng guhit maging ang klase ng papel. At kung hindi siya nagkakamali, kapiraso iyon mula sa diary niya. Nanginginig ang

