"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya kay Selah nang sila na lang dalawa ang natira sa kusina. Palabas na sana ito ngunit napigilan niya. "Ano iyon, bes?" Nilingon siya nito suot ang nagtatakang mukha. Sinilip niya muna kung ano ang ginagawa ng dalawang lalaki sa sala at baka nagpambuno na ang mga ito, saka niya hinarap si Selah. "Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung saan at paano mo nakita ang suicide note na iyon?" walang paligoy-ligoy niyang tanong. Gusto niyang malaman kung sino ang huling pumasok sa kwarto niya nang araw na iyon. At kung may kinalaman ang kaibigan niya o wala. "As far as I remember, nakuha ko iyon sa ibabaw ng bedside table mo. That was after kong matawagan si Kuya Reuben para humingi ng tulong. Why?" Tumaas ang dalawang kilay nito matapos magbalik-tanaw. In

