Chapter XXII

1223 Words

Pumasok si Rain sa kusina bitbit ang pinagkainan. Naabutan niya roon si Reuben na naglalampaso ng sahig. "Wala kang pasok ngayon?" tanong niya rito habang iniiwasang maapakan ang basang parte. Nagtuloy-tuloy siya sa lababo at inilapag doon ang hugasin. "Nagpaliban na muna ako," tipid na sagot nito. Binuksan niya ang gripo at sinimulang magsabon. "Iwan mo na lang iyan diyan. Magpahinga ka na roon," awat nito sa kanya. Nilingon niya at nginitian. " Hayaan mo na ako. Kaunti lang naman 'to." Saglit itong napatitig sa kanya at marahang tumango. Nagpatuloy na siya sa ginagawa at ganoon din ito. "Magkaibigan pala kayo ni Estrella?" tanong niya kay Reuben nang hindi ito nililingon. "Saan mo naman nalaman iyan?" Naglaho sa hangin ang tunog na likha ng ginagawa nito. Batid niya na tumigi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD