Chspter 35.2

1126 Words

"Good morning!" masiglang bati ni Rain pagkapasok sa coffee shop. Dalawa pa lang ang naratnan niya roon. Isang cashier at isang kagaya niya na waitress. "Morning. Ikaw lang ba?" Tumagos ang tingin ng babaeng nakaupo sa likod ng counter para silipin ang kanyang likuran. "Wala kang kasama?" dagdag tanong nito. Sumunod naman ang mga mata ni Rain sa pinanggalingan niya. At umiling nang muli niyang balingan ang cashier. "Wala po." Tumango ito. "Ah, akala ko na magkakilala kayo. Sabay kasi kayong nag-apply kahapon nung isa," natatawang paliwanag nito. Sino'ng isa? Pinigilan niyang tumaas ang isang kilay sa narinig. Ipinakilala ni Rain ang kanyang sarili sa dalawang babae. Naunang nag-abot ng kamay ang nagngangalang Jancy na isa ring waitress. Morena ito at mas matangkad nang isang tala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD