Chapter 26

1090 Words

Pinandilatan ni Rain si Koen nang makitang wala na pala itong suot na pang-itaas. Gusto niya itong sikmuraan pero mas naaawa siya sa apat na packs nito kung gagawin niya iyon. Kinulang... Nakangisi na ito nang muli siyang nag-angat ng tingin. Tumaas-baba ang mga kilay nito na parang sinasabing, "Dito ka tumingin." Pairap niyang binawi ang tingin at bumaling kay Jace. "Dito siya natulog?" tanong ni Jace sa kanya. Matalim ang tingin nito sa kanyang kasama. Bumuka ang bibig ni Rain pero inunahan na naman siya ni Koen. "Yep. Why?" gagad nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at huminga nang malalim para pigilin ang pagkulo ng kanyang dugo. Kating-kati na ang kamay niya na patamaan ito. "Hindi ikaw ang tinatanong ko, Someroux," sabi ni Jace. Kaunti na lang talaga at gugustuhin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD