"Darn it!" Sunod-sunod ang pagmumura ni Koen habang umiiwas sa pagdila ni V. Nahirapan itong makawala mula sa pagkakadagan ng aso sa katawan nito na halos mahiga na kung hindi lang naitukod ni Koen ang siko. Gustong matawa ni Rain sa hitsura nito pero naagaw ng isang bagay na nakasuksok sa tagilin ni Koen ang kanyang paningin. Hindi nito napansin na nakalihis na ang damit nito paitaas kaya lumitaw roon ang isang pahabang bagay na madalas niyang gamitin sa kursong kinuha. "Ano 'to?" Umuklo siya sa may tagiliran ni Koen at binunot ang nakasuksok sa waist line ng suot nitong pantalon. Namamasa pa ang ilalim ng injection at mukhang kagagamit lang. "Para saan ito?" Itinaas niya iyon paharap sa mukha ni Koen. "Give that to me!" Umigkas ang kamay ni Koen para agawin iyon mula sa kanya pero

