"Kailan pa naging gwapo ang isang walking skeleton?" Pigil-pigil ni Jace ang kanyang tawa na mas lalong ikinaasar ni Jhenvick. "Pwede bang sa labas na kayo mag-asaran? Kita ninyo naman na may pasyente rito," reklamo ni Rain. Nagsitahimik naman ang dalawang lalaki. "Who did this to you, Reu?" tanong ni Jace pagkaharap niyang muli kay Reuben. "Ang pasyente, pinagpapahinga. Hindi inilalagay sa hotseat," sabat ni Jhenvick na sadyang pinatatamaan si Jace. Nang wala itong makuhang pagtutol kay Jace, siya naman ang sunod nitong binalingan. "Hayaan na muna nating maghilom ang mga sugat niya. Kilala ko ang kapatid mo, ayaw lang niya na mapahamak ka kaya siya umiiwas sa gulo," sabi ni Jhenvick. Tumango si Rain bilang pagsang-ayon. "Kumain ka na ba?" mayamaya'y tanong niya sa kapatid. Lumapit

