Hindi mapakali si Dianne sa loob ng silid niya. Pinauna lang siya ni Franco na umakyat at susunod din daw ito pagkatapos ng tatlong minuto. Sandali siyang naglinis ng katawan at nagpalit ng nighties. Kailangan niya ring palitan ang underwear niyang nabasa na rin kanina. Limang minuto na ang nakakaraan pero wala pa ring kumakatok. Kailangan nitong umakyat ngayon habang hindi pa nagbabago ang isip niya. Handa niya nang ipagkaloob ang sarili niya kay Franco pero hindi lang dahil kailangan niya ng sp*rm donor. Ipagkakaloob niya ang sarili sa binata dahil mahal niya na rin ito. Sa buong buhay niya, ngayon lang siya susugal sa walang kasiguraduhan. Franco confessed to her many times that he has already fallen for her. Gusto niyang paniwalaan iyon. Kung paano niya haharapin ang pamilya niya kap

