Bago ipasok ni Franco ang kotse sa gate nila ay humingi pa talaga ito ng isang halik. Hindi naman siya tumanggi dahil gusto rin naman niya ang binata. Bahala na kung ano ang isipin nito. Gusto niya lang pagbigyan ang sarili dahil ngayon lang siya nakaramdam ng ganito kasidhing damdamin sa isang lalaki. "Magte-text na lang ako sa 'yo mamaya," wika ni Franco sa kanya bago siya bumaba sa kotse. "No obscene talks please. At huwag mo na akong pababain ulit sa kusina dahil hindi na talaga ako bababa. Baka mahuli pa tayo." "Paano naman 'yung pangako kong----" "Hay naku, Franco, let's go. Naghihintay na si Mama sa 'kin." Nauna siyang bumaba saka tuloy-tuloy na naglakad papasok sa mansyon. Wala pang dapat makaalam na may usapan na sila ni Franco - kung ano man 'yun. Nasa living room lang an

