Sa isang steakhouse nga sila nag-dinner ni Franco. Tiyak na nagtataka na ang Mama't Papa niya dahil madalas siyang hindi nagdi-dinner sa bahay nila. Kaswal lang silang nagkwentuhan habang kumakain. Marami siyang nalaman kay Franco tungkol sa pamilya nito at mga pinagdaanan nito sa Jeddah. Humanga siya sa pagiging masipag nito at determinasyon na matutunan ang kahit anong bagay. Humanga din siya sa pagmamahal nito sa pamilya. "One steak a week lang tayo ha? Mamumulubi ako." "Ako na kasi ang magbabayad." "No. Let me. Please..." "This isn't a date, Franco. Ano ka ba." "Sa susunod ka na magbayad. Hindi ako sanay na nagpapabayad ng pagkain sa babae." "Sa susunod hindi na kita yayayaing kumain." "Sa susunod hindi na rin ako sasamang kumain, sige ka. Sa labas na lang ako maghihintay ha

