Lumabas si Franco kasabay ni Lydia bagama't hindi naglagi ang binata sa mesa ng dating kasintahan. Gusto niyang ituon ang atensyon sa mga papeles na nasa mesa niya pero hindi maalis sa isip niiya ang nangyari kanina. Nagpatangay na naman siya sa paglalandi ni Franco at hanggang ngayon ay tila nasa mga hita pa niya ang pakiramdam ng pagdama nito sa kanya kanina. Para siyang nagayuma na kahit anong gawin ni Franco ay wala na siyang kakayanang tumanggi pa. What's happening to her? At sa dinami-dami pa ng lalaki, sa taong ni hindi pa niya karelasyon. Kung malalaman lang ng Mommy niya na nasa ibabaw siya ng mesa kanina habang nilalandi ng driver niya, baka patirahin na lang siya sa France. Natanaw niya ang screen ng CCTV at nakitang pabalik si Franco sa opisina niya. Nagkunwari siyang abala

