"Good morning, Ma'am Dianne. Magkakape na ho ba kayo?" tanong ng katulong nang bumaba siya sa komedor. Alas sais pa lang 'yun ng umaga na sinadya niyang agahan dahil alam niyang naroon na si Franco. At hindi siya nagkamali. Nakikialam ito sa pagluluto sa kusina kahit hindi nito trabaho. "Yes. Sina Mama, gising na ba?" "Tulog pa ho. Alas siyete pa naman ho bababa ang mga 'yun para magkape." "Let me make you a coffee," presenta ni Franco sa mababang tinig. Halos pabulong. Pinilit niyang maging kaswal sa harap ng mga katulong. Pero ito naman ang dikit nang dikit na kailangan pang lumapit kapag may itatanong. "Without sugar?" tanong nito. "Yes, please. Masakit ang ulo ko hindi ako masyadong nakatulog." "Take a seat, and I'll whip up some French toast for you. It pairs perfectly with bl

