Pagdating sa opisina ay nagulat siya dahil may naghihintay sa kanya. Kahit si Franco ay nangunot ang noo nang makitang tumayo ang lalaki pagkakita sa kanya. "Joe?" "Pwede ba tayong mag-usap, Dianne? Kahit sandali lang, please." "May meeting ka ng alas-dos," mahinang wika ni Franco na ikinakunot din ng noo niya. Saan nanggaling na may meeting siya ng alas dos? "Natanong ko na sa sekretarya niya at ang sabi sa akin wala naman daw meeting si Dianne," sagot ni Joe na muling ibinaling ang atensyon sa kanya. Doon nito inabot ang bulaklak na noon lang din niya napansin dahil nasa upuan lang kanina. "Yeah, I cancelled it," wika niya kay Franco saka ngumiti. Tama bang isipin na ayaw siya nitong ipakausap kay Joe? Nakahanap siya ng pagkakataon para inisin ito. "Sa ibaba ka na lang maghintay."

