Chapter 3

1722 Words
Franco Gustong magmura ni Franco nang malakas nang magsimulang bumayo sa ibabaw ng kasintahang si Lydia. Pawisan na siya pero hindi dahil sa sarap ng pakikipagtalik kung hindi sa nagbabagang galit sa dibdib niya. Sinikap pa rin niyang abutin ang sukdulan sa kabila ng wala na siyang ganang ituloy ang pag-ulos. And Lydia was faking her orgasm too. Kahit dalawang taon siyang hindi nakipagtalik, alam niya kung kailan naabot ng babae ang sukdulan o nagpapanggap lang. Hinugot niya kaagad ang sandata sa lagusan ni Lydia bago pa niya ito mabuntis. Sana pala ay gumamit siya ng condom kanina. At dahil tinikis niya ang sarili, wala siyang naramdamang kasiyahan ngayon. Bukod pa sa galit ang namahay sa dibdib niya sa kaisipang may ibang lalaki ngang gumagamit sa kasintahan niya. Pero duda siya kung magsasabi ng totoo si Lydia. Kanina pa ito sumasang-ayon sa plano nilang pagpapakasal habang nagka-kape sila sa kusina. Nang malaman nga nito ang mga pasalubong niya ay excited pa itong umuwi sa Sto. Tomas. Ibig sabihin ay wala itong balak makipagkalas sa kanya. Balak pa talaga siya nitong paglaruan. "That was wonderful, Franco." Itinakip ni Lydia ang kumot sa katawan. Siya naman ay hinablot ang twalyang nakasabit sa gilid ng kama at ipinulupot sa baywang. Tumayo siya sa bintana at tumanaw sa kadiliman. "Parang ang gwapo mo yata ngayon kaysa noong huling uwi mo? At mas lumapad pa ang katawan mo ah," komento nito. Nagpagupit kasi siya ng buhok bago siya umuwi sa Pilipinas. Pinaghandaan talaga kasi niya sana ang pagharap sa kasintahan. "Para hindi mo 'ko ipagpalit sa iba." Ngumiti siya nang malapad kahit nagrerebolusyon ang dibdib niya. "Bakit naman kita ipagpapalit? At wala akong ibang inaatupag kung hindi trabaho sa opisina. Nakita mo nga kung anong oras na 'ko nakakauwi." "Hindi bale, mula ngayon may makakasabay ka na sa pagpasok at pag-uwi kapag tinanggap ako sa trabaho ni Dianne Romano." "Seryoso ka talaga d'yan? Hindi ka puwedeng matulog dito dahil magagalit sina Inay. Hindi naman nila alam na may nangyayari sa 'tin." "Okay lang, maghahanap na lang ako ng apartment na malapit dito. Ikakasal naman na tayo kaya hindi naman sila maghihigpit katulad noon. Isa pa, matatanda na tayo." "Para namang hindi mo kilala si Mamay kung gaano kahigpit 'yun sa akin. Pero baka hindi ka naman matanggap ni Ma'am Dianne kung malaking sahod ang hihingiin mo. Magkano lang naman ang sahod ng isang personal driver. At masungit 'yun, palibhasa matandang dalaga na." "Matandang dalaga?" Tumaas ang kuryusidad niya sa magandang amo ni Lydia. "Oo, twenty-eight na 'yun pero hindi pa nag-aasawa. Wala ngang nanliligaw dun eh. Matapobre din kasi sila. Alam mo ba, yung unang napangasawa ni Sir Patrick pinalayas nga ng pamilya nila Ma'am Dianne sa opisina? Ganyan ang mga Romano. Kapag hindi nila gusto, para kang basahan kung tratuhin." Hindi niya inintindi ang iba pang sinasabi ni Lydia dahil abala siya sa pagpaplano kung paano siyang matatanggap bilang personal driver nito. Kung matapobre ang Dianne na 'yun ay hindi naman mahalaga. Ang gusto lang niya ay makapasok sa Romano Shipping Line para makakuha ng impormasyon tungkol sa pagtataksil ni Lydia. "Hindi pa ba tayo matutulog? Maaga akong papasok bukas, Franco." Ipinikit na ng kasintahan ang mga mata at tumagilid. Nanatili lang siyang nakatayo sa may bintana dahil hindi siya dalawin ng antok. Nang makitang mahimbing na ang tulog ni Lydia ay nagbihis siya at nagpasyang umalis sa apartment nito. Kailangan niyang paghandaan ang pag-apply niya bukas ng trabaho. Nasa Sto. Tomas ang lahat ng gamit niya. Habang nasa daan ay inabutan na siya ng ulan. Tila nakikipagpaligsahan ang patak niyon sa pagpatak ng luha niya sa mata. Ngayon pa lang niya iniyak ang pagtataksil ni Lydia. At hinayaan niyang lamunin siya ng lungkot ngayon dahil bukas ay hindi na siya magpapadala sa damdamin. Ibang Franco na ang haharap kay Lydia. Madaling-araw na siyang nakauwi sa Batangas. Natulog lang siya ng ilang oras dahil maaga siyang naghanda naman para sa pagpunta niya sa opisina ni Dianne Romano. Polo lang ang isinuot niya at itim na pantalon na hapit sa katawan. Hindi naman siya mag-a-apply na manager kaya hindi kailangan ng pormal na damit. Humarap siya sa salamin at nagsuot ng shades. Kailangang maging kaaya-aya siya sa paningin ng Bise-Presidente. At kung matandang dalaga ito, siguradong istrikto ito pagdating sa pananamit at kalinisan. "Aba'y napakagandang lalaki naman areng anak ko," nakangiting komento ng Mamang niya. "Puwede na ho bang makapag-asawa ng mayaman, Mamang?" biro niya. "Gusto mo ga na mag-asawa nang mayaman? Akala ko ba'y kaya ka umuwi dahil magpapakasal na kayo ni Lydia?" Isang ngiti ang pinakawalan niya. Walang alam ang mga ito sa pagtataksil ni Lydia. "Biro lang ho, Mamang. Mag-a-apply ho ako ng trabaho sa pinapasukan ni Lydia para hindi ko na kailangang bumalik sa Jeddah." "Ala eh ganoon ba? Anong trabaho naman ang papasukan mo?" "Kung ano ho ang bakante." "Asus... ang panganay ko gusto na talagang mag-asawa. Hindi mo na ga gustong mahiwalay kay Lydia?" Isang ngiti lang ulit ang isinagot niya. Hindi talaga niya hihiwalayan ang kasintahan dahil ipalalasap din niya dito kung ano ang pakiramdam ng pinagtataksilan. Alas diyes na siya nakarating sa opisina ng Romano Shipping dahil nag-commute lang siya. Masisira ang ala-Tom Cruise niyang buhok kapag nag-motor siya mula Batangas hanggang Maynila. Nagulat siya nang maraming aplikante sa labas. Pang-walo siyang nag-a-apply na driver bukod pa sa ibang aplikante naman na sa ibang posisyon nag-a-apply. "Mr. Franco Villamor?" Napaangat kaagad ang mukha niya sa empleyadong may hawak ng maraming resume. "Yes, miss?" "Head straight to Ma'am Dianne's office on the twelfth floor for your final interview. The elevator is located on the right." Bahagya siyang kinabahan nang tumayo at nilakad ang kinaroroonan ng elevator. Kagabi pa lang ay pinaghandaan niya na ang mga sasabihin pero ngayon ay nagbabara ang lalamunan niya. Pero hindi niya gustong magpatalo sa kaba. Kailangan niyang maipasa ang interview kay Dianne Romano para mapalapit siya kay Lydia araw-araw. Kung nandito ang kalaguyo nito ay tiyak niyang malalaman din niya kung sino iyon. Pagdating sa twelve floor ay wala siyang mahagilap na tao. Sarado ang mga pinto ng silid bagama't salamin ang dingding kaya't kitang-kita ang mga empleyadong nasa loob. Marketing Department. Sales Executive's Office. Lumakad pa siya at binaybay ang pasilyo na halos sa dulo na. May kanan at kaliwa bagama't ilang hakbang lang ang silid sa magkabila. Sa kaliwa at malapit sa fire exit ay ang Accounting Department. Sa kabila naman ang Office of the Vice-President. Salamin din ang dingding niyon pero frosted glass kaya't hindi kita sa loob. Hindi niya alam kung paano siya kakatok dahil salamin iyon. "Itulak mo lang 'yang pinto, nakikita naman ni Ma'am Dianne kung may taong nakatayo sa labas." Si Lydia ang sumulpot sa likod niya. May hawak itong mga folders pero sa mesa na katabi ng silid ni Dianne Romano ito nakapwesto. "H-hi..." Wala siyang nasabi kay Lydia dahil kinakabahan siyang humarap kay Dianne. "K-kararating ko lang halos. S-sabay tayong mag-lunch mamaya?" "Sige. Kapag natapos ka kaagad sa interview hintayin mo na lang ulit ako sa lobby." Itinulak niya ang pinto ng opisina ni Dianne Romano dahil baka naiinip na ito. Napakalaki ng silid na may sofa pa para marahil sa bisita. Nakayuko ang babae sa isang eleganteng swivel chair at salamin ang mesa. Mula sa kinatatayuan niya ay tanaw niya kaagad ang maputi nitong hita dahil sa suot nitong mini-skirt. Dumako pa ang mata niya sa cleavage nito dahil sa V-neck na suot na halos kita na ang pisngi ng dibdib. Nang iangat pa niya ang tingin ay saka lang nagtama ang mga mata nila. Gusto niyang pamulahan ng mukha dahil nahuli siya nitong sinuyod ang kabuuan ng babae mula hita pataas. Baka pagkamalan pa siyang bastos at hindi tanggapin sa trabaho. "G-good morning, Miss Romano." Lumakad siya palapit saka inilahad ang kamay sa dalaga. Parang gusto niyang matunaw nang tumingala ito at salubungin ang mga mata niya. "You are three minutes late, Mr. Villamor. Sigurado ka ba na gusto mong magtrabaho?" Hindi nito tinanggap ang kamay niya. Binawi niya iyon at inilagay ang dalawang kamay sa likod. "Paumanhin ho, nahirapan akong hanapin ang opisina niyo." "At nakipag-beso beso ka pa kay Lydia bago ka pumasok?" Doon niya nakita na may maliit na TV screen sa kanang bahagi ng mesa nito kung saan kita ang naglalabas-masok sa silid. "I assure you, it won't happen again." "You are applying for a driver. Hindi puwedeng ako pa ang maghintay sa 'yo habang nakikipag-kwentuhan ka sa kung sino-sino." "I understand. Nagtanggal lang ako ng kaba kanina kaya ko kinausap si Lydia," paliwanag naman niya. Mukha namang naniwala ito. "Have a seat." Itinuro nito ang swivel chair sa harap ng mesa nito kaya umupo siya. "I noticed on your resume that you worked as a company driver in Jeddah for three years. Bakit ka nagdesisyong hindi na bumalik sa ibang bansa?" "Mahirap hong mawalay sa pamilya. Nag-ipon lang ho ako at ipinagpatayo ko ng bahay ang Mamang at Papang ko. Pero kung may oportunidad na makapagtrabaho dito nang hindi naman nalalayo ang kikitain ko, mas gusto kong magtrabaho dito sa atin." "May ideya ka ba kung magkano ang sahod ng isang company driver sa Pilipinas?" "Wala ho. Pero hindi ako susunod sa kung ano ang sahod ng karamihan. Kaya ho ako nag-apply ay dahil sinabi niyo kagabi na magbibigay ka ng malaking compensation plan." "And what are your salary expectations for the starting position?" "Thirty thousand." "Thirty thousand?!" "I can assure you that you can trust me with everything, Miss Romano. At kahit pagtrabahuhin niyo ako ng bente kwatro oras at pitong araw sa isang linggo, hindi ako magrereklamo. I badly need this job." Inilagay nito ang mga braso sa dibdib saka dumekwatro pa. "Ngayon lang ako nakakila na desperado ng magkaroon ng trabaho pero demanding sa sweldo." "Alam ko ho ang kakayanan ko. Puwede niyo akong utusan sa ibang trabaho." "How are you related to Miss Lydia Arnaiz again?" "She's my girlfriend." Sandali itong nag-isip. Nagawa naman niyang titigan ang maganda nitong mukha habang nakayuko ito sa papeles sa mesa. "I will give you a try," wika nito nang iangat ang tingin sa kanya. "Your salary will remain confidential, and no one else needs to know. Even your girlfriend. Do you understand?" Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. Nakaramdam siya kaagad ng pagkapanalo. "Thank you, Miss Romano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD