Franco
"Nasaan ang mga requirements mo?"
"I have here my IDs, pero ang NBI clearance ho puwede bang to-follow na lang? Kararating ko lang ho galing sa Jeddah kahapon."
"Ohh... It seems that you're rushing to have a job. Wala ka bang naipon sa pagtatrabaho mo sa ibang bansa?"
"It's not that I am rushing to have a job, Miss Romano. But I believe that we should not let a good opportunity pass. You need a personal driver and I can be that right person for the job so I took the chance."
"Hmmm... When can you start then?" Mukha namang na-impress ang dalaga sa sagot niya.
"Anytime."
"Give me your driver's license. Bilang personal bodyguard ko, kailangan kong makasiguro na wala kang bad records sa pulisya. Are you willing to undergo a thorough investigation about your background?"
"No problem, Miss Romano. I have clean records and I am not afraid of any investigation whatsoever. I can even bring you to my hometown in Sto. Tomas, Batangas and introduce my family to you."
"No need, Mr. Villamor, you are applying for a job, not applying to be my fiancè."
Totoo nga ang sinabi ni Lydia, may pagkamatapobre ang babaeng ito. Ni hindi niya ito nakitang ngumiti kahit isang beses. Pero hindi na 'yun mahalaga. Ang goal naman niya ay makapasok sa kompanya para mabantayan ang girlfriend niya.
May tinawagan ito sa HR para i-turnover ang resume niya. Nagulat siya dahil bukod sa thirty thousand na hiningi niyang sahod, may food allowance pa na sampung libo, health insurance, rice subsidy, at transpo allowance nagkakahalaga rin ng limang libong piso. Pinagsisimula na siya kinabukasan. May tinawagan pa itong isang tao na sa palagay niya'y imbestigador o pulis na pinapa-rush ang family background niya. Gusto na lang niyang mapailing dahil hindi niya naman naranasan ang ganoon sa ibang bansa. Pero sa dami ng benepisyong ibinigay nito sa kanya, kahit kalkalin pa yata kung sino ang ninuno niya, hindi siya magrereklamo.
"Alas siyete ay kailangan mo nang nasa bahay bukas. Ibibilin ko sa guard na papasukin ka. Sa bahay mo din kailangang igarahe ang kotse paghatid mo sa akin. Where do you leave, Mr. Villamor?"
Isa pa 'yun sa problema niya, wala pa siyang nahanap na matitirhang apartment.
"Maghahanap pa lang ho ako ngayon. Kahit po bedspacer lang para hindi ko na kailangang---"
"Hindi mo ba kasama si Lydia sa apartment niya?"
"She's my girlfriend but we don't live together," kaagad niyang pagtatama. "And I don't have any plans to live with her in her apartment."
Sandali itong natigilan na hindi niya alam kung bakit. Pero nakabawi din kaagad pagkaraan ng ilang segundo.
"May mga bakanteng silid sa bahay para sa kasambahay, driver at guards. Kung gusto mong makatipid, puwede mong okupahin ang isang silid doon."
"Nakakahiya naman kung kasama pa ang board and lodging sa benepisyong hihingiin ko. I can report to work at your given time, Miss Romano."
"Really? Kaya pala late ka ng tatlong minuto kanina?"
"I promise, it won't happen again."
"But it would be convenient for both of us if you accept my offer to stay in one of our employees accomodation, Mr. Villamor. You are a new employee and I don't know how efficient you are with time and commitment. Isa pang dahilan, hindi pa kita lubusang kilala. Mas panatag akong hindi ka labas-masok sa pamamahay namin galing ka kung saan-saan."
"If that's what you want, Miss Romano. Kukuha lang ako ng ilang gamit sa bahay at magre-report ako bukas ng alas sais sa bahay niyo."
"Mabuti naman at hindi ka mahirap kausap, Franco." Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag siya nito sa una niyang pangalan. At masarap sa tainga niya ang boses nito kahit pa may katarayan.
"Asahan niyo hong pagbubutihin ko ang trabaho ko."
Tumango lang ito bago siya sinabihan na mag-report na lang bukas. Tumayo naman na siya para lisanin ang opisina nito. Palabas na siya sa pinto nang may pahabol itong bilin.
"You are in my company to work, Franco. Kahit kasintahan mo si Lydia, hindi ko gustong nakikipaglandian ka o ginagamit ang oras mo sa kompanya para paluguran ang kasintahan mo. I hope that is clear to you."
"Crystal clear, Miss Romano," sagot naman niya bago tuluyang binuksan ang pinto at humakbang palabas.
Abala si Lydia sa mesa nito kaya't saglit lang niyang sinulyapan. Sigurado naman siyang naka-monitor si Dianne Romano sa CCTV camera hanggang paglabas niya ng building. Mabuti nang mapatunayan niya sa dalagang amo na madali nga siyang kausap.
Pauwi na siya ulit sa Sto. Tomas, Batangas para kumuha ng gamit. Tiyak na magugulat ang Mamang at Papang niya kung paanong may trabaho na siya kaagad. At hindi biro ang laki ng sweldo niya para sa isang driver sa kompanya gayung kasasabi lang ni Lydia na matapobre ang mga Romano.
Kung hindi lang ito laging seryoso kanina ay iisipin niyang may gusto sa kanya si Dianne Romano. Napangiti tuloy siya sa kaisipang iyon. Pumasok naman sa balintataw niya ang maputi nitong hita at nakasilip na dibdib nito. Kahit malakas ang kaba niya kanina ay hindi niya maiwasang makaramdam ng pag-iinit ng katawan.
Tulad ng inaasahan niya ay nagulat ang Mamang ang Papang niya. Pero natuwa rin ang mga ito dahil hindi niya na kailangang umalis ulit ng Pilipinas katulad ng una niyang plano.
Nagdala siya ng maraming damit para hindi niya kailangang maglaba nang madalas. Nahagip niya ang mga alahas na dapat ay pasalubong niya kay Lydia, dinampot na rin niya kahit wala na syang ganang ibigay pa 'yun. Alas kwatro ng madaling-araw ay nasa biyahe na siya pabalik sa Maynila.
"Ibinilin na ni Ma'am Dianne na dalhin kita sa silid mo," anang mayordoma na si Pattie. Sa gilid ng napakalaking bahay ay ang anim na silid na para sa mga tauhan. Sa loob ay isang higaan, cabinet na para sa gamit, sariling banyo, at may sariling aircon sa halip na electric fan.
Komportable naman ang titirhan. Hindi nakakapagsisi na pumayag siyang mag-stay-in na dapat ay sa malapit na apartment ni Lydia siya maghahanap ng tirahan.
"Mag-almusal ka daw muna habang hinihintay mo si Ma'am Dianne. Alas otso pa naman ang alis niyo."
"Nakakahiya---"
"Hindi ka puwedeng mahiya kung si Ma'am Dianne ang amo mo. Kapag sinabi niyang kumain ka, dapat kumain ka. Kapag sinabi niyang maligo ka, maligo ka. Sa lahat ng ayaw niya ay 'yung kinokontra siya palagi."
"De numero din ho pala ang kilos, ano?"
"Hindi naman. Kapag nakuha mo ang kiliti ng amo natin, magkakasundo rin kayo."
Sa likod ng bahay sila dumaan hanggang marating nila ang mahabang dining room. Napakalinis ng bahay na kahit yata ilalim ng silya ay walang alikabok. Kung puwede nga lang ay ayaw niyang umupo.
"Puwede bang sa labas na lang kumain? Nakakailang naman dito."
"Mamaya pa naman 'yun bababa kaya d'yan ka na lang kumain. Papunta na rin si Manong Simon kaya may kasalo ka. Mamaya pa kami kakain busog kami sa kape."
Napilitan na siyang umupo kahit naiilang siya. Kumuha lang siya ng kaunting pagkain nang masabi lang na pinagbigyan niya si Dianne.
"Naku, ang sarap ng sinangag," nakangiting wika ng isang matandang lalaki. Ipinakilala ng mayordoma sa kanya si Simon na tagapangalaga sa hardin at ilang kinukumpuning sira sa buong mansyon. At dahil makwento ang matanda, napasabay na rin siya sa pagkain ng marami dahil silang dalawa lang naman ang nasa hapagkainan.
"Sira ang gripo sa banyo ko, Mang Simon." Dumagundong ang t***k ng dibdib niya nang marinig ang boses ng dalagang amo. Napatayo siyang bigla. Sinulyapan siya nito saglit pero ni hindi ito ngumiti. Kay Mang Simon na ang atensyon nito kaya't nagawa niyang pagmasdan ang kabuuan ng dalaga.
Naka-puting nighties ito na hanggang gitnang hita lang ang haba. Makapal naman ang tela niyon kaya siguro hindi ito nag-alangan na bumaba kahit alam nitong naroon siya. Hindi lang niya tiyak kung may suot itong panloob dahil wala naman siyang nakitang strap ng bra sa balikat nito.
And he felt his groin ache. Dahil marahil hindi naman siya na-satisfy sa pagtatalik nila ni Lydia kagabi. Nagtama pa ang mata nila ni Dianne bago ito bumaling ulit kay Simon dahil may mga bibilhin daw ang matanda sa hardware. At nang tumalikod ito ay sa pang-upo naman ng dalaga natuon ang atensyon niya. Umupo siyang muli sa silya para itago ang pag-angat ng hinaharap niya. Nahirapan tuloy siyang lumunok kaya't malamig na tubig na lang ang pinagdiskitahan niya.
"Maiiwan na kita dito, Franco. Maghahanap ako ng hardware baka may bukas na ng ganitong oras. Kahapon pa nagluluko ang gripo sa banyo ni Ma'am Dianne."
"Bilisan mo na, mainit ang ulo ni Ma'am Dianne. Bakit naman kasi nakalimutan mong ayusin 'yung gripo kahapon eh," sermon ng mayordoma kay Simon.
"Hay naku, tumatanda na kasi. Libangin niyo muna bibilisan ko na lang maghanap ng ball valve."
"Dalhan mo nga muna ng kape sa itaas, Franco at maghahanap ako ng ibang maluluto sa ref. Ayaw daw niya ng mga pinirito at nagbabawas daw siya ng kolesterol." Inabot sa kanya ng mayordoma ang tasa ng kape na gusto niyang tanggihan. Hindi siya komportableng pumasok sa silid ng may silid.
"Saan ho ba ang silid niya?"
"Sa kaliwa pag-akyat mo tapos dulo. May nakalagay na do not disturb."
"Do not disturb naman ho pala eh. Baka ayaw niyang pumasok ako roon?"
"Kumatok ka muna. Pagbubuksan ka naman nun kung gusto niyang paistorbo. Kapag tatlong katok wala pa, saka mo na lang ibaba 'yan."
Sumunod na lang siya sa utos ng mayordoma. Naka-isang katok lang siya nang bumukas ang pinto at bumungad sa mga mata niya ang nakatapis na lang na twalya na si Dianne Romano.
"Bakit ikaw ang nagdala ng kape ko?!"
Isang kibit-balikat ang pinakawalan niya bago sumagot. Kailangan niyang ignorahin ang pag-iinit ng bawat himaymay niya.
"Please don't get mad. Hindi ko rin alam sa mayordoma niyo kung bakit sa akin pinaakyat. Sumunod lang ako sa utos niya dahil ayaw mo raw ng sinasalungat ang mga utos mo. Pero kailangan nating pag-usapan mamaya kung anong mga utos ang dapat at hindi ko dapat sundin. Your coffee, boss." Bahagya lang lumitaw ang ngiti niya habang hinihintay na abutin nito ang tasa sa kamay niya.
"Please put it on the center table." Lumuwang ang pagkakabukas ng pinto saka ito lumakad malapit sa banyo. "And close the door when you leave."
Bago siya lumabas ay nasulyapan pa niya ang damit nitong napatong sa kama na susuutin pagpasok sa opisina. Sa ibabaw niyon ay thong underwear na hindi niya alam kung may balat bang matatakpan kapag sinuot nito.
Damn...